Away Parati

Mas masakit pala maliitin ka ng partner mo dahil wala kang maambag sa mga bayarin kesa sa magcheat sya. Naloko na nya ko pero napatawad ko sya, pero ung sigaw sigawan at mura murahin ako, at itapon ung isasaing ko dahil lang sa wala na syang pera eh sobra sobra na.. Di na talaga ako umimik sa sobrang punong puno puno na ko. Nung natapon ung mga bigas, winalis ko padin. Pero tahimik lang ako. Habang sya nakatitig sakin, "Tangina ko daw, ano daw ba pinagmamalaki ko" . Nagimpake na ko at nilayasan ko na sya. Wala ng salita salita nung umalis ako. Sya sigaw at puro mura. Di ko na sya pinansin. Sobrang nakakapangliit mga sis. Enough is enough. Ngayon text sya ng text, puro sorry. At bumalik na daw ako. Sunduin nya daw ako, asan daw ako. Pero di ko na sya nirereplyan. Nawalan na ko ng gana. Napagod nadin siguro ako.

102 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Thank you po sa mga advice nyo mga mommies. Sa mga nakakaranas po ng emotional, verbal and physical abuse magpray kayo na bigyan kayo ng lakas ng loob ni Lord na iwanan yang mga mapanakit na lalaki na yan. Dasal lang din po ako ng dasal na bigyan ako ni Lord ng sign na dapat ko na talaga syang iwan dahil pagod na po ako, at eto na nga un. Text padin sya ng text simula nung umalis ako. Nireplyan ko sya pero sabi ko ayoko na talaga. Mahal ko sya pero may limitations din ako.. Godbless po sainyo mga mommies.

Magbasa pa
Post reply image
6y ago

Napaka brave mo po. Salute to you momsh! 😘