Parang Di Na Ko Masaya.. 😥
Normal lang ba na mawalan ng gana sa boyfriend ko dahil hindi sya madiskarteng tao? Ung ako parati nagiisip ng pag kakakitaan namin? Pag may work sya laging nagrereklamo na ganto ganyan boss nya blah blah. Kumikita sya 60k as assistant ng chinese, napakadali ng trabaho nya para sa ganong sahod pero puro reklamo padin naririnig ko. Ending umalis din sya, puro sya plano ng plano ng business eh wala naman kaming pera pangstart, minsan naririndi na ko sakanya. More on salita sya, kulang sa gawa, napakahina pa ng loob nya, pano ako sasandal sakanya, pano kami magpapamilya. Magoonline selling ako, laging negative ung iniisip, kesyo di ko daw mabebenta, eh ending nabebenta ko naman lahat. Sarap nyang tampalin, lagi ko sinasabi sobrang negative mo. Nakakabwisit ka. Nagkababy na kami pero nakunan ako, iniimagine ko magiging buhay namin kung natuloy ung baby, umaasa lang kami sa papa nya ngayon. Binenta nya cp nya at bumili sya ng ps4. Ps4 ngayong crisis??? Ung totoo? Juskolord. Napaka immature. Di ako sanay. Mga exes ko kasi 5-10years older than me. Ayoko sya pakeelaman sa pera nya eh, baka kung anong masabi sakin. Gwapo LIP ko, sobrang in love ako sakanya nung una, pero habang tumatagal parang narealize ko di ko pala need ng htsura, madiskarte pala talaga kelangan ko na kasama sa buhay. Unti unti nadin syang pumapangit sa paningin ko. Parang pinagsisisihan ko tuloy ung mga past exes ko na sobrang stable sa buhay at binitawan ko pa.. Before pa skanya, may nanliligaw sakin, Naging boss ko sya, nanliligaw talaga laging nagpapadala ng food sa bahay, nakikipaginuman sa father ko kasama assistant nya, pinapadalhan ako coffee lagi sa work ko. Sana pala sya na lang sinagot ko, binasted ko sya over dito sa walang pangarap kong jowa, parang natatawa pa ko dahil gustong gusto ko na sya pakasalan nung 1month pa lang namin, ngayon naisip ko grabe ang emotion pabigla bigla. Pano pala kung kinasal nga kami nun, edi sobrang laking pagsisisi ko.. Kaya wag kayo papadala sa emotion nyo, kilatisin nyo muna at magsama muna kayo ng matagal bago kayo magpakasal ng hindi kayo nauuwi sa annulment 😅😂 mahal ko naman lip ko. Pero parang mas sya na ang nagmamahal saming dalawa. Nabawasan nadin ung love ko dahil sa ugali nya, lagi ako sinisigawan at minumura, nahuli ko pa na gusto nya kitain ex nya. Inaantay ko na lang din na sya na makipaghiwalay sakin eh. Baka mas gumaan pa buhay ko. Laki din ng hinaggard ko nung naging kami. Parang hinigop nya ung energy ko. Nakakadrain. 😪