Normal ba na makaramdam ako ng inis sa lip ko?

Normal ba na makaramdam ako ng inis sa lip ko? Kasi simula lockdown wala syang work. Wala syang pera. Umaasa lang kami sa tatay nya. Though wala pa kaming baby, nagpplano na din kami. Baka next year. Ako naman may income kahit papano. Pero unti-unti ako nawawalan ng gana sa pinapakita nya sakin. Kumuha sya ng sasakyan dati pang grab nya, di pa nya fully paid un, 3yrs pang huhulugan. Nagsuggest ako na mag grab ulit sya kahit twice a week lang. Atleast may pera sya kahit papano. Ayaw nya kasi malalaspag daw sasakyan. Edi okay di ko na pinilit.. Nagsuggest ulit ako kukuhanan ko sya motor na click para pang food panda nya kasi wala naman syang ginagawa, aba nagrerequest pa ng NMAX o AEROX na lang daw. Alam nya na di ko kaya ung ganon kasi chineck na namin dati at sobrang laki ng interest. Nakakasama ng loob. Eto pa, gumala kami sa moa kagabi, bibili sana ako ng facemask na cloth. Maganda naman sya compare sa aidelai. Ung tipong pamporma, aba ayaw nya, gusto nya daw ung coppermask na lang. Iniisip ko ano ba tingin sakin neto sugarmommy nya? Eh nung dating wala akong work at sya ang nagastos never ako naganon sakanya. Sobrang nahihiya pa nga ako nun kahit pakainin nya ko sa tusok tusok okay lang wala syang naririnig sakin. Masaya lang ako basta kasama ko sya. Iniisip ko na lang tuloy sagutin ko na lang ung matandang mayaman na nanliligaw sakin atleast aalagaan ako at may pera pa ko lagi kesa sa ganto mahal ko nga, ang sakit naman sa dibdib ng nararanasan ko. 😔

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

😔😔😔Isipin mo mamshie ung worth mo lalo na bilang babae. Wala pa kaung baby ganyan na😢 pano pag nag ka baby na kau lalo na ngaun pandemic napaka hirap mag buntis napaka gastos. And sa post u mamshie nakakainis lalo na sa part na binibigyan mo na ng chance or opportunity na dapat nga sya ung lalaki sya ung talagang hands on sa pag hahanap ng work. Kaloka🥺🤦‍♀️ e baka pag wala ka nabigay na sa knya baka mas higit pa dyn maranasan mo. So now palang isipin mo na mamshie need mo gawin. Or usap kau heart to heart i open mo. Lahat sa knya yan na bother sau PaRa malaman u po side nya din🙂 I pray mag karon ka na ng peace of mind❤️🙏

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

Normal na makaramdam ka ng inis mommy, ako nga di ko naman yan asawa pero naiinis ako sa story mo.. ung walang work maiintindihan ko pa, pero ung binibigyan mo na ng opportunity para magkatrabaho tas tinatanggihan pa at andaming arte ayun ang hindi maganda. Nakakainis lang may privilege naman pala sya magka work dahil sayo pero nag iinarte pa! Nagdedemand pa ng mga mamahalin kesa sa praktikal basta meron 😌 sis wala ka mararating jan, kakatasan ka lang nyan ng pera.

Magbasa pa

sabihn mo asawa mo sizna mghnp kht no wrk mhirp umasa sa tataty lmg lalot bntis k. ako nga... my wrk asawa k piru kpg my unting d pgkakaintindhn kmi grbng pride nya.... kya gwa ko ako ang manuyu piro... subra na yung ako lgi. kya bhla cya bntis ako mn lnginicip nya.... ako nlng lgi pomapnsin tuwing my bgy na unti lng na d mapgkasunduan kya now pbyaan k na... kng hngt san nya ako d pnsinin

Magbasa pa

in my own opinion he's worthless and to think na wla pa nga kayong anak or hnd pa nga kayo mag asawa ganyan na sya. think again girl. escape kna while you can.. you got nothing to loose. kng sakin yan turn off na aq sa ganyang ugali. unti untiin m nang ignorin xa. like balewalain m b.. he don't really love you.. he only loves you because you can provide..

Magbasa pa
TapFluencer

sakit lng ng ulo abut mu niyan sis kaya better ns iwanan mu na lng ,wala pa nga kayung anak pinapakita na ugali nia na malaspag hahai kahit aku naiinis dn aku sa ugaling hindi maintindihan ,tatanda ka lng sa stress nian kung magpapatuloy kpa kung anung meron kau ngayun kaya isip isip dn pag may time sis ,mahirap na kung may anak na kau

Magbasa pa

Teh try mo syang iwan sabihin mo yang problema mo sa kanya, know your worth tyaka wagka muna mag mahal kagagaling mo lng sa relasyon let your heart be heal kapag ok kana pwede kana magmahal ulit kaya mo naman buhayin sarili mo, kaya mo yan teh Fighting. May dadating din para sayo na worth it, Engat po lage God bless.

Magbasa pa

Leave now or you'll regret it later. Mauubos ka, hindi financially kundi pati self worth mo. Ive been in than situation, in the end sarili mo lang tutulong sayo. He'll never leave you kasi may nakukuha pa sya sayo, pero once na makahanap ng higit sayo o mawalan ka na ng silbi basura ka na sakanya

super lalo ko na appreciate asawa ko dahil sa kwento mo.. nako pasalamat yang LIP mo di ako ang partner nia.. baka tinapon ko na siya sa kangkungan kung binibigyan ng trabaho eh ayaw pa. wala pa naman kayong anak its best to cut ties with him. maganda yan may sign na di siya worth it.

wala pa naman kau anak sizst...mag isip isip ka..be practical..isipin mo pagnagkaanak kau mas malala pa jan ang mararanasan nyo..pulpol yan..nasanay na binubuhay

mkipghiwalay ka na habang wla p kayo anak. im sure makakahanap ka pa ng mas matino sakanya.