SUPER STRESS
mahaba po, please enlighten me.. i need advice po, noon kasi open book kami sa family nya. ultimo problema namin sinusumbong nya kaya nagkaroon po ako ng issue sa family ng partner ko, may nasabi na pangit about saken. may nangyari pa na nung nag away kami tumawag sya sa ate nya taz sinbihan naman sya na umalis muna samen. which dinamdam ko at nilayasan ko din. at syempre sya kakampihan. then ako lumalabas na mali. preggy na din po ako nung umalis sya nung nag away kami at pumunta dun sa pamilya nya. after nung umalis ako, sinundo naman nya ko after 3days. nagsorry sa mama ko then saken. problem po, di ako makaget over. pag naririnig kong kausap nya sa fb pamilya nya. nagagalit ako. pag pupunta sya sa knila kasi may ihahatid. pag balik nya, galit na ko. naiinis ako kung pano sya sa pamilya nya. yung di maubos ubos yung kwentuhan at akala mo di nagkikita. masyado po pala kasi syang close sa pamilya nya. and now, pinipilit na naman nya ko ilapit sa family nya which di ko pa kayang humarap. okey lng kasi ako, ng kami lng. pero sya, pinipilit nya na hindi pede. taz ngaun pinapauwi nya ko kila mama kasi lagi nlng namin pinag aawayan kung pano sya sa family nya at saken. what should i do po ??
Hi mamsh katulad din po yan sa naging experience ko and unlike sa lip ko.. Wala na po siyang parents pero yung nafifeel nyu nafeel ko na din po yan.. Kahit ano pong gawin natin mamsh tayu po talaga yung nakikita nilang mali.. Well, sa lip ko naman alam din nyang may mga "attitude" talaga mga kapatid nya. But piling-pili lang po yung mga mababait talaga at may mga kapatid po talaga siyang feeling perfectionist kala naman eh keganda2 ng buhay nila . Ginawa ko nalang po para hindi aku mainis nag-usap kami ng lip ko pina.intindi ko sa kanya lahat2. And inunfollow ko silang lahat sa social media... And pag nagkikita kami nakikipag.usap ako but in civil way. Ayoko din namang masabihan ng masama ugali ko .. Naka.adjust naku ngayun, may mga times na naiinis ako but dzuhhhh wapakels naku sa kanila.. Sa mga ginawa nila sakin dati.. Super disappointed na talaga ako. But ayokong magtanim ng sama ng loob that's why kinalimutan ko na din sila :) Lalo na ngayung buntis ako gravehhhh inis ko sa kanila pero napakabait ng lip ko wala akung masabi.. Inintindi nya ko at binibigyan ng advices na wag ko nalang pansinin .. Pag-usapan nyu nalang po mamsh. Kayung dalawa lang ng husband mo makakasettle nyan . Godbless po :)
Magbasa paYung love for the family is actually good. Ang mali lang kasi, yung problema nyo magasawa ipinapaalam pa sa iba. Yes iba na kasi kayo na ang family, so kapag may problema dapat kayo ang umayos at walang nangengeelam. Mahirap talaga yung ganyan na naikwento ka ng hindi maganda sa pamilya ng lalake or ikaw nag kwento naman sa pamilya mo ng mali ni lalake. Once magkaayos kayo, hindi nyo na mababago yung tingin ng pamilya sa mali ng bawat isa. Palagi na yan mauungkat kahit konting away. At dapat pag nagkaayos na kayo, hindi na dapat binabalikan yung mali ng bawat isa. Hindi matatapos ang problema kapag paulit ulit nyong babalikan yung past. Ibahin mo yung mindset mo into something positive. Wag mo isipin na ikaw palagi pinaguusapan pag umuuwi sya sa kanila. Baka naman bonding lang silang pamilya. Kesa naman sa ibang babae sya nagpupunta. Pagusapan nyo lang ng maayos at mahinahon lahat ng problema. Be mature and ipag dasal nyo palagi ang inyong pamilya. Godbless ❤
Magbasa paPaalala lang, ikaw din ay bumubuo ng sarili mong pamilya. Yung pagiging close niya sa pamilya niya ay magandang bagay, di mo dapat ikagalit. Ang issue ay sa inyong dalawa. Natural na protektahan ng kapamilya ang anak o kapatid nila. Isipin mo na lang ang anak mo, ang relasyon niya sayo at sa mga magiging kapatid niya. Again ang issue ay sa inyong dalawa, sabihin mo sa mister mo kung ano ang gusto mong setup niyo sa mga pamilya niyo, yung mga bagay na para lang sa inyong mag-asawa at yung mga (info/plano) pwede niyong ishare sa iba. I suggest, na itry mo din kahit saglit na oras na makasama o dumaan man lang sa pamilya niya. Kelangan niyong magsimula ng panibago. Hindi pwedeng iwasan mo ang pamilya niya habangbuhay, lalo at magkakaanak ka na. Mainam kung habang hindi pa lumalabas ang bata ay medyo maging civil na kayo ng family niya. Bigyan mo ng (second) chance.
Magbasa paMahirap na may gap sa family ng hubby, pero mas mahirap kung pati asawa mo ganyan ka dependent sa pamilya nya. Naiintindihan kita sa nararamdaman mo kasi somehow ganyan sitwasyon namn. Now d na ko pinipilit ng asawa ko na makiharap sa pamilya nya. Kinausao ko kasi sya. Lagi ako nag oopen sknya about sa nararamdaman ko, pinapaintindi ko sakanya sitwasyon. Kasi kahit anong mangyari oo pamilya nya yon, pero pamikya na din kami. Yun ang sinumpaan nya kaya intindihin nya din dapat ako. Asawa nya ako eh. Ganon na lang sis. Kausapin mo masinsinan. Kung d nya magets naku..ewan ko na lang. One time sinabihan ko sya, kung ganon naman pala na dependent sya sa pamilya nya at mas don sya mkikinig kesa sakin, sana di na sya nag asawa. Tas tahimik na ako. Nakakapagod na paulit ulit. Silent treatment na lang.
Magbasa paHalos ganyan rin prob ko sa asawa ko ginawa ko kahit ayaw ko pinapili ko sya kung gusto nya ba at handa na sya bumuo ng pamilya kasama kami ni baby d nya lahat sasabihin sa pamilya nya kasi may buhay naman na kami na amin or kung hindi pa edi bumalik nalang sya doon sa pamilya nya wg na sya pakita samin kasi d nya naman kami panindigan...ang akin lang ayaw ko lang lahat sinasabi nya sa pamilya nya lalo na sa mga opinyon ko kasi ako rin napapasama imbis na magkasundo kami ng mga kapatid nya hindi kasi sumasama ang tingin nila sakin...sa huli pinili nya kami ni baby pero close pa rin sya sa pamilya nya pero d nya na sinasabi lahat ..
Magbasa paas of now, di nmn na sya nagsasabi sis. yun nga lng. ganon pa din sya kaclose sa family nya. yung pupunta lng sya, matatagalan sya kasi mikipagchikahan pa sya. dun ako naiinis. lumayo nga kami pero pag may chance na makauwi sya sa knila. yung feeling ko atat na atat. pakiramdam ko kasi mas prefer nya family nya or dahil preggy lng ako kaya ganto ako mag isip. nahihirapan na din kasi ako na lagi syang inaaway. ayoko din naman na awayin sya pero di nya makita na everytime na pupunta sya dun. nag aaway lng kami at di naman nya kayang lumayo muna
Kausapin mo siya right now. Sabihan mo na kailangan nyo isolve ang problema nyo na kayo lang. Kasi ang nangyayari regardless kung sino ang tama o mali eh nagkakaroon ng kampihan. At di yan nakakatulong sa relasyon nyo. Kailangan makita nya yung level of difference kung panu siya magdecide for you and your child at sa family nya. Bumukod nga kayo nakadepende naman kayo sa pamilya nya emotionally. It's okaay to remain attached to your family pero dapat alam nya pa rin magdecide as your husband and father of your child at di pairalin yung as son, brother ng pamilya nya kasi magkaibang bagay yun.
Magbasa paAng problema ng mag asawa dapat di nilalabas sa pamilya. They will end up hating you sa pagiging chismoso ng asawa mo. Wag nya ipilit na ilapit ka dun kung sya mismo gumagawa ng paraan para magkalamat ang relationship mo with his family. At sino ba naman matinong pamilya ang mag kukunsinte na nag away lang lalayasan na ang asawa considering na lalaki pa ang sakanila 🤷 di naman na siguro sya bata para mag sumbong pa kapag nagkaka problema regardless kung close sila or what. Sinisira nya image mo sa family nya tbh 🤦
Magbasa paSame here hahaha, ako masamang masama loob ko sa. Mga beyanan ko kasi mga walang pake un kahit buntis ka kahit sobrang sakit na ng tyan ko dahil sa kanila walang pake yang mga yan. Gusto pa nga mamatay ang anak ko. May mga biyenan na kasing panget nila ang ugali nila. Magpalamig ka muna ng ulo, at nasa sayo naman ang desisyon. Alam mo naman ang mga ibang biyenan walang pake kung buntis ka or makunan ka.
Magbasa paHahaha lahat tayo may limit. Hindi habang buhay tayong pipe. Pero yaan muna ang importante ung anak mo at pamilya mo. Un ang bigyan nalang ng pa sin 😊
Walang disiplina naman yan haha. Momsh kausapin mo. Di naman na sya bata para magsumbong pa sa magulang. Ang asawa madali magpatawad pero ang magulang hindi. Posible na matagalan bago lumapit loob nila sayo dahil sa sarili nyang kagagawan. Dapat pag away nyo, away nyo lang. Parang sa amin. Kung sabihin ko lahat ng ginawa nya sa akin noon, baka di ganyan kaganda tingin nila sa kanya ngayon.
Magbasa paNaku magusap kayo magasawa ng maayos hindi sa lahat ng bagay kelangan ipaalam sa magulang nya...ang problema ng mag asawa ay dapat kayo muna nagaayos..kapag hindi maayos ay saka hihingi ng tulong sa pamilya ng both side.. tska halata naman one sided yung family ng partner mo momshie...kasi dapat inaalam muna nila ang punot dulo ng away hindi yung sya agad ang kakampihan...its a no no...
Magbasa pa
excited tobe a parent