Chenny P. Umali profile icon
PlatinumPlatinum

Chenny P. Umali, Philippines

Contributor

About Chenny P. Umali

❤️❤️❤️

My Orders
Posts(40)
Replies(417)
Articles(0)

Sana po may makapag comment tungkol din sa sitwasyon ng anak ko..

42weeks and 2days nag leak na panubigan ko akala ko manganganak na ako kasi nga nag leleak na edi sugod kami sa lying in kung san ako manganganak dapat... Pero ung pag leak na un walang pag hilab as in wala. Then chineck ung cm ko 2cm daw pang apat na cm na sa akin yan 2cm last time 3cm, tas makapal daw Kasi cervix ko then sinalpakan ako ng 4 na primrose. Tas uwi daw muna ako babalik nalang daw ako pag humilab na. Observe muna daw ng 24hrs. Sympre nag aalala ako nun kasi what if maubusan si baby ng panubigan.. Then uwi kami. Wala padin dumating na ung 24hrs wala padin so sabi di kami pupunta pag wala pang nararamdaman na hilab na parang manganganak wala as in edi worried na worried na kaming mag asawa hanggang sa naiisipan namin dun nalang ako sa pasay manganak, total dito naman sa cavite ayaw ako ipa induce labor kahit nag leleak na panubigan ko at gusto pa irefer ako sa hospital ung time na yan manganganak na ako. Kinabukasan ng 24hrs na yan direkta na kami from dasma to pasay lying in din kung san ko pinanganak ung panganay ko, ayun kunting tanong tanong tas check ng cm tas aun 2cm tas makapal padin ung cervix. Sabi ko induce nalang ako sila na bahala importante mailabas na agad ung bata kasi baka maubusan na ng panubigan. Sa pag check sa akin ng ob aun, sinasabi na nasa dry labour na daw ako dapat daw pag ka leak daw ngpanubigan dapat I admit na agad ako. Kaso nga di un nangyare sa cavite. Tas tinapat din sa akin ng ob na maging prangka lang daw sya 50 50 daw si baby. Kasi nga nag dry labour na ako. Sympre ako naiiyak ako nun pero nagpapakatatag ako pra sa anak ko. Nag pray din sabi ko kayo na bahala maam importante anak ko. Aun I admit ako ng pampa hilab tas ung isa pa mga 430 nag start na pag hilab ng tyan ko as in. Hanggang sa ayun naubusan ako ng oxygen bumababa In short oxygen ko. Hanggat g ayun nanganganak na ako nakita na ung ulo ni baby nakapalupot ung unbilical cord sa leeg ni bunso pag labas nya na oxygen din sya. Sobrang hina ng iyak pati buong katawan nya nanghina din. Yan nangyare sa kanya tas ngaun nagpunta kami ng center for bakuna chineck ung timbang 3kilos payat tas bumaba na din sya. Actually ngaun sobrang kulit 2months palang tas umiiyak na sya di tulad nung newborn at 1st month wala mahina as in ni pag iyak wala tas pati ngaun po ni refer sya sa hospital gawa ng di nadagdagan ung timbang nya 3kilos sya nung newborn pati ngaun. 3kilos padin tas napansin di ung lalim ng pag hinga nya. Payat po anak ko Maputo, active, malakas mag dede, umiiyak nadin ng malakas, tas ngumingiti pa. Sino po same case ko na 2months na anak nya same timbang padin nung newborn?? Masama po ba un? Ano po ginawa nyo? Actually nung 1st month malakas gatas ko sa dede hanggang sa 1stweek ng November nawala na po naging patak nalang din sya. Babalik pa po kaya gatas ko? Minsan wala na talaga.

Read more
undefined profile icon
Write a reply
undefined profile icon
Write a reply