129 Replies
Same sis 6 months din kami nung mabuntis din ako ni bf at 7 months pregnant na ako ngaun nag yaya din syang mag pakasal pero ayaw ng side ko nag babalak kasi mag abroad si bf kaya kaya sabi ng tita ko baka pagdating dun lam mo na mga kalokohan para daw di ako matali sa kanya rason ng tita ko kung kayo kayo talaga. Di pa nmn sya nag loloko sa ngaun hahaha masasayo yan sis kung papatali ka wala kanang kawa.
Kami nga mag 4 years na sa July ayaw pa ako pakasalan. 4 months preggy ako now. Lagi kasi kami nagaaway dahil sa mainit ulo ko palagi. Dahil siguro sa hormones ko tapos hindi nya ako maintindihan at hindi nya ako iniintindi. Ayun, tuwing mag aaway kami sasabihin nya ayaw nya akong makasama at hindi nya ako papakasalan. Kahit buntis na ako. Kaya swerte mo kung gusto ka pakasalan ng partner mo.
3 months palang kame nung magpakasal kame ni hubby.. i got pregnant after 1yr of being married.. Hindi naman sya nagbago or nagloko.. we are now going 5yrs in a good marriage(Thank the Lord, for giving me a good counterpart). For me, depende cguro sa lalaki. My iba doon lng lumalabas kasalbhian after kasal, vice versa.. Ikaw padin makakapg decide.. lalo na at kayo ang magkasama..
For me po, mag dedepende pa din sayo mamsh. Madami ka pa naman time mag isip eh, wala naman po pumipilit sayo at mas better pag usapan nyo yan. Wala naman yan sa tagal ng pagsasama, lucky ka kung si partner mo mismo ang willing at ready to share a life with you bihira na kasi mga ganyang lalaki pero kung doubtful ka pa din do not push yourself po. Marriage is a big form of word.
If you are still having doubts ,wag muna. Kami nga 5 mos. Lang nun nung nabuntis ako ng LIP ko. Tapos dami pa namin pinagdaanan. Pero awa ni Lord kami pa rin naman kahit di pa kami nakakasal. Mag 5 years old n anak namin. Nag aaya na rin sya magpakasal noon pa,pero ako ung may ayaw. The offer still stands pa rin naman daw. Kapag ready na raw talaga ako saka n nya asikasuhin.
Mas maigi siguro sis kung nagdadalawang isip kapa wag muna. Mag sama muna kayo para malaman mo attitude niya and mga disisyon niyo sa buhay at paano niyo nasusulusyonan, pakiramdaman mo muna ang pagsasama niyo. Bigyan mo ng oras ang sarili mo para makapag disisyon ka ng tama Para pag dating ng araw wala kang pagsisihan, and humingi ka ng guidance kay papa GOD, ALWAYS PRAY.
Hi, i have same situation actually. Kami ay 6 months pa lang ng husband ko nung nabuntis niya ako and 7th month ko na din ako nung nagpakasal kami. And if you think na he is the one na, why not diba? Although we know na marriage is the hardest decision we will ever make in our life. Pag pray mo sis. Karamihan talaga sa mga preggy like us, is always unsure and troubled.
Kung may doubt ka po, natural sa ating mga babae yan. Pagusapan nyo pong mabuti ang mga magiging responsibility nyo. Hindi lang po kasi basehan ang pagmamahal, minsan kahit mahal mo ang isang tao, kung hindi ka naman talaga fully committed makakagawa talaga ng mga bagay na makakasakit sa taong mahal natin. Panibagong chapter na kasi ng buhay ang pag-aasawa.
Mas okay po if ready kayo pareho, ready na sa commitment and everything. Yung tipong magagampanan niyo na sa isa't isa ung ipapangako nyo sa harap ng altar. Sabi nga po ni father during our ceremony, hindi laro ang pag pasok sa marriage. Once na pumasok ka sa marriage dapat maniwala ka sa salitang FOREVER. Dahil marriage is a life-long commitment♥️
Magpakasal ka po kung ready na po kayong dalawa, huwag po gawing reason c baby, kasi po sa totoo lang, practically marami nga pong kasal na pero dahil lng sa baby pero hindi nagiging maganda ang pagsasama kasi, kesyo daw ganito o ganyan, nagiging maraming negative comment na si mr o mrs sa isa't isa dahil gusto ng makaalis sa obligasyon kalaunan.