Badtrip Sa Kapitbahay

Maglalabas lang po ako ng sama ng loob dito, kakainis kasi. Baby ko po nung bagong labas nya sakin kulay nya is pink na pink tska pulang pula ang pisngi, pero nung inuwi na namin sya sa bahay umitim na po sya. Until now 19 days old nya. Ngayon, yung mga kapitbahay parang nanglalait na ewan kasi maitim nga daw si baby bat daw ganon e kaming mag-asawa parehas naman maputi. Anyways kahit ano naman sabihin nila sa baby ko mahal na mahal ko sya at sobrang gandang ganda ako sa kanya ano pa man maging itsura nya. Ayoko lang talaga makakarinig ng di maganda about sa baby ko lalo kung hindi harapan. Kabadtrip lang talaga yung mga taong walang magawa sa buhay hays. Ps. Yung 1st and 2nd pic, sa lying in pa kami. Then yung 2nd, pang 3 days sa bahay na. And yung last kahapon lang po.

Badtrip Sa Kapitbahay
110 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hayaan mo na lang sila sis! Take care mo na lang si baby mo. Mga Wala kasi sila magawa kaya ganyan. Tska baby pa yan mag iba pa color niya tho Wala naman problema kung maitim or Maputi ang bata.

Wag na wag niyo po papakinggan mga ganyan ng kapitbahay Sino ba sila para punahin ang anak mo? Kakabwisit mga ganyan Don't stress yourself momsh Maganda ang anak mo. Sila pangit na, chismosa pa! 😂

Magbasa pa
5y ago

Naman! Ganda ganda kaya niyang baby mo oh. Inggit lang sila. Tignan mo lang baby mo para mawala stress 🥰🥰🥰🥰

Antayin nila mag toddler baby mo. Baka sabihin na naman di nyo anak sa ka-cute-an. Anak ko 1 month ang itim mukha pang lalaki (baby girl). Pero lumalaki ngayon balat mayaman parang diko anak! 😆

VIP Member

Baby girl ko nung pinanganak siya hindi naman siya gaanong maputi pero now napakaputi naman hehe kaya mommy wag mo nlng pansinin ung mga tsismosang kapitbahay nyo. Keep safe sa inyo ng baby mo

Naku don't worry about them. Ewan ko ba dito sa Pilipinas bakit pati kulay ng bata pinapakealaman. Anong masama kung di siya maputi? Wag mo ikastress mga taong ganyan. Wala silang life

ganyan din babay ko maputi nung nilabas tapos umitim... may ganun sitwasyon daw talaga,,,mahalaga malusog at mahalin at alagaan natin si baby.. pakialam ba nila sa kulay ng baby☺☺☺

Yun pong baby ko maitim nung nilabas ko pero hbng lumalaki ngiging maputi n xa dming nagulat. Kya ngayon mputi n tlga xa. So yung pnganay ko boy moreno yung two girls ko mputi

Pinkish din 1st born ko nung pinanganak ko, pagkauwi umitim! Ngayon 3 y.o na ang puti 😂 Minsan kala mo coffee mate kulay. 😅😅 Pero nangingibabaw ung puti nya talaga.

Ganyan din dati baby ko jung inuwi ko din ng bahy umitim pero ilng linggo lbg pumuti na sya ulit....habng lumalaki sila momsh ng.babgo pa wag mo pansinin mga tao jan.

VIP Member

Maglilight yan uli sis. Ganyan ata talaga kasi una at pangalawa ko pula rin nang nalabas tapos after few days umitim. After few months, maputing maputi na uli 😊