Ano ba dapat?

Araw2 ako umaalis since nung nalaman ko na buntis ako. Ayoko talagang pumirmi sa bahay ng asawa ko kasama yung nanay nya. Mas gusto ko lang talaga na sumama sa kanya kung san man sya pupunta. Ayoko ko kasing may masabi yung nanay nya sakin kung sa bahay lang nila ako. 16 weeks ko na ngayon. Parang di naman ata ako maselan kasi wala naman akong nararamdaman. Kung pagod na, uupo lang din naman ako. Pero sinasabi nila sakin, dapat daw kasi wag daw muna ako masyado magalaw.

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Prevention is better than cure mommy. Siguro wag lang syado patagtag kasi maliit pa si baby. Sabi ng OB ko upto 5months prone sa miscarriage. 😊 Pero kung normal naman utz at check up mo siguro okay lang din naman. Ask mo din si OB mommy para sure.

4y ago

Ganyan din po sabi sakin ng dra. Lakad kasi ako ng lakad sa trabaho, Medyo may bleeding po kasi ako sa loob nakita sa tvs, unang tvs ko yun pero wala naman po ako nararamdaman tinanong nya kasi ako kung may bleeding ako outside 8weeks baby ko nun yun niresetahan ako pampakapit... Pag ka 2nd tvs ko thank G ok na po si baby 16weeks na po sya ngayun... ❤❤❤

VIP Member

Meron talagang hindi maselan mag buntis mamsh. Pero para mas safe ka wag mo din masyadong pwersahin ang sarili mo.. para d ka mapagod. At iwas stress dapat

VIP Member

Rest most of the time, mommy. God bless you both! 😉