Badtrip Sa Kapitbahay

Maglalabas lang po ako ng sama ng loob dito, kakainis kasi. Baby ko po nung bagong labas nya sakin kulay nya is pink na pink tska pulang pula ang pisngi, pero nung inuwi na namin sya sa bahay umitim na po sya. Until now 19 days old nya. Ngayon, yung mga kapitbahay parang nanglalait na ewan kasi maitim nga daw si baby bat daw ganon e kaming mag-asawa parehas naman maputi. Anyways kahit ano naman sabihin nila sa baby ko mahal na mahal ko sya at sobrang gandang ganda ako sa kanya ano pa man maging itsura nya. Ayoko lang talaga makakarinig ng di maganda about sa baby ko lalo kung hindi harapan. Kabadtrip lang talaga yung mga taong walang magawa sa buhay hays. Ps. Yung 1st and 2nd pic, sa lying in pa kami. Then yung 2nd, pang 3 days sa bahay na. And yung last kahapon lang po.

Badtrip Sa Kapitbahay
110 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

baby q nman nung nsa hospital kame umitim din nun..hnggang sa nakauwe kme s bhay maitim xa pero ngaun habang lumalaki pumuputi sya 7months old na sya ngaun

Okay lang po iyan :) ganyan po talaga,ang balat ng baby pa.. may mga sawan pati po sila malalabas pa nila yan pag nadumi sila..hndi naman po maitim,si baby :)

Wag mo kadibdibin mga sinasav ng mga kapitbahay mo.. Siguro wala nmn syang ibig savhin s mga pamumuna nya.., baby ko nga maitim din girl pa nmn pero ok lang..

Save mo yang picture niya na maitim tapos pag pumuti na baby mo saka mo ipost na para sa mga nanlalait noon ito na siya ngayon .. ouh dba nga nga cla

VIP Member

Puputi din si baby😊😊 ganyan talaga ata. Kasi yung sa pamangkin ko, maitim si baby nung nakauwi dito sa amin. Pero ngayon, ang puti puti na❤

Magbabago ren naman yan. Baby ko nga nung lumabas maitim, pero nung lumalaki pumuputi na... Chismosa ata kapitbahay mo. Walang magawa. Haha

Ganyan talaga magiging kulay momsh.. baby ko din.. maputi ng lumabas.. maitim hanggang 3 months.. puputi din yan.. 5 months baby ko pumuti na..

Hayaan mo sila momshie baby q nga ganyan dn ang puti nya nung newborn pro umitim aftr few days. Ngaun higit 3mos sya unti2 naglalight skin nya.

Ganun din naman akin after 5 months sobrang puti namna, sa una lang yan hindi po iyim yan namumula yan mommmy, pputi yan intayon mo lang po.

Magbabago pa po kulay nian habang nalaki.. may pamangkin dn ako.. ang itim nia nung bagong panganak.. bgo mg 1year old.. maputi n xa.