Badtrip Sa Kapitbahay
Maglalabas lang po ako ng sama ng loob dito, kakainis kasi. Baby ko po nung bagong labas nya sakin kulay nya is pink na pink tska pulang pula ang pisngi, pero nung inuwi na namin sya sa bahay umitim na po sya. Until now 19 days old nya. Ngayon, yung mga kapitbahay parang nanglalait na ewan kasi maitim nga daw si baby bat daw ganon e kaming mag-asawa parehas naman maputi. Anyways kahit ano naman sabihin nila sa baby ko mahal na mahal ko sya at sobrang gandang ganda ako sa kanya ano pa man maging itsura nya. Ayoko lang talaga makakarinig ng di maganda about sa baby ko lalo kung hindi harapan. Kabadtrip lang talaga yung mga taong walang magawa sa buhay hays. Ps. Yung 1st and 2nd pic, sa lying in pa kami. Then yung 2nd, pang 3 days sa bahay na. And yung last kahapon lang po.
Saaaame mommy😊yung baby ko nung nilabas grabeng puti, namumula mula tas mga nurse at yung mga nadadaanan namin sa hallway nun paglabas namin ng delivery room, sinasabe na grabeng puti daw ng baby ko. Kase same kami ni hubby na maputi, mas maputi sya samin lalo nat pinaglihi ko sya sa gatas at tinapay. Tas nung pagka 3days umuwe n kme, bali pagdating nya ng 6days nya unti unti na syang umitim. Tas 1 month grabe umitim sya, tas puro pa rashes mukha at katawan nya. Nagtataka dn ako. Sbi ng iba yun na ung kulay nya kaso impossible kse maputi kming dalawa ni hubby, tapos mga tita ko sinasabe negra daw si baby. Tas yun na nga mamsh, bago sya mag 3 months nun unti unti na syang pumuputi. Bale ngayon, 4 months na sya ang puti puti na nya ulit.mestiza daw hehe
Magbasa paHindi mo naman kelangan may patunayan sa ibang tao kung confident ka talaga walang sinuman ang pwede kumwestyon sayo basta alam mo ang totoo. Yung baby ko sobrang itim din nung pang 2days onwards na pero tisoy at tisay kaming mag asawa, habang tumagal lalo ngayon nag 1year na sia lumabas na tunay na kulay nia as in maputi rin talaga, di ako nawalan ng pagasa kahit sobrang itim nia non na magpupula pa. Tska yang Kapitbahay nio dedmahin mo nalang yan dahil kulang sa aruga yan, baka naiinggit lang. Be happy with your baby maitim o maputi at the end of the day naman yung ugali nila at yung kasiyahan nio ng dahil sakanya ang mas mag mamatter.
Magbasa paCute2 nmn ni baby,,, anyway sis wla kang magagawa sa mga tsismosa n yan,, sabi nga nila hnd lahat ng tao eh maiintndhan or magu2stuhan ka, mg focus ka nlng sa baby mu, ako ung second baby ko literal tlga n maitim, hay kahit ilang beses nilang sabihn n ang itim itim dw ng baby ko at pangit dw, hnd manlang nabawasan ung saya ko n nailabas ko sya ng safe, ngaun hnd n nila malait kc nag iba n kulay at hitsura ng baby ko... kya wag mung intindihin yang mga nega n yan, at hnd nmn sila nka2tulong satin,, God bless sis
Magbasa paHindi ako sa kulay nia namangha eh.. gandang ganda ko sa buhok nia sis ang kapal tapos itim na itim pa.. wag muna lang silang pansin eh ano nman kung maitim at saka di itim tawag jan sis morena kulay talaga nating mga pilipino kaya be proud ako nga proud na proud ako sa kulay ng panganay ko eh maputi din nman ako pero yung panganay ko morena ang kulay pero yung pangalawa ko maputi nman.. ok lang yan sis basta healthy si baby mo.' Ok lang
Magbasa paWag niyo po pansinin mommy. Hayaan mo nalang sila. May mga tao po talagang walang magawa na sa buhay nila kaya kahit baby pinapakialaman. Yung first born ko po pag labas niya maitim po talaga pero both kami mag asawa maputi naman. Sa lolo niya siya nagmana ng skin color po. Until now na 7 yrs old na po siya moreno po talaga skin type ng panganay ko po pero sobrang gwapo and matalino ☺️ Kaya wag ka po papaapekto sa kanila 😊
Magbasa paHi Mommy. Nong bagong labas ng baby ko pinl din I think lahat naman ng baby ganon. In a few days and till 1 month sya, umitim din sya gawa ng laging napaarawa. Pero nong nag 3rd month na, lumabas na ulit yong puti niya kahit naarawan pa din namumula lg. Nagmana sya sa daddy nya morena kasi ako. So at that stage, di mo pa masasabi talaga yong color niya. It can even change hanggang lumaki siya.
Magbasa paThankyou po sa mga comments nyo. Nakakagaan ng pakiramdam po. Tho wala naman talagang problem sakin kahit ano pa skin color ng baby ko, ayoko lang talaga na nakakarinig ako ng kung ano ano about sa baby ko. Pagchismisan na nila ako ng kung ano ano, wag na wag lang ang baby ko hehe. Kasi ansakit talaga para sa isang nanay😔 Buti nalang palangiti si baby, kakatanggal stress🤣😍
Magbasa paWag mong intindihin silang mga chismosa mong kapitbahay dahil walang tama sa mali sknla as long as napapakita mo sknla inaalagaan mong mabuti si lo wag mo silang pinagpapansin maiisstress ka lang sa mga pasmado ng bibig ng mga yan akala mo may inambag sa panganganak mo eh wala nman. Basta mums smile at piliing maging happy everyday para happy din si lo❤️
Magbasa paWc mumsh kapg sumobra mumsh reklamo paninirang puri tignan natin kung maka palag pa yan mga yang chismosa
Baby pa yan di pa yan yung tunay nya na kulay. Yung kaibigan ko nga ang itim ng baby nila nung nilabas tas nung habang nalaki na nag whiten na kulay, ngayon ang puti puti na, kulay gatas na. And yung baby ko din maitim nung nilabas ko, ngayon medyo naglighten na kulay niya ng kaonti. 29days palang ngayon si baby ko.
Magbasa paAng oa mo mommy ung mga ganyan d nmn po need pag papansinin tsaka yang kulay ng baby mo magbabago pa yan pde tlga syang umitim or pumuti magbasa ka din po ng mga articles imbis na nilalaan mo pakikinig sa mga tsismosa eh paglaanan mo nlng ng time ang baby mo at magbasa basa ka nlng may natutunan ka pa po👍🏻😊
Magbasa paHarsh mo din momsh.. hinay hinay ka lang po. Iba iba ang nanay. Di mo maiiwasan na ganyan ang ma ramdaman nya.