Badtrip Sa Kapitbahay

Maglalabas lang po ako ng sama ng loob dito, kakainis kasi. Baby ko po nung bagong labas nya sakin kulay nya is pink na pink tska pulang pula ang pisngi, pero nung inuwi na namin sya sa bahay umitim na po sya. Until now 19 days old nya. Ngayon, yung mga kapitbahay parang nanglalait na ewan kasi maitim nga daw si baby bat daw ganon e kaming mag-asawa parehas naman maputi. Anyways kahit ano naman sabihin nila sa baby ko mahal na mahal ko sya at sobrang gandang ganda ako sa kanya ano pa man maging itsura nya. Ayoko lang talaga makakarinig ng di maganda about sa baby ko lalo kung hindi harapan. Kabadtrip lang talaga yung mga taong walang magawa sa buhay hays. Ps. Yung 1st and 2nd pic, sa lying in pa kami. Then yung 2nd, pang 3 days sa bahay na. And yung last kahapon lang po.

Badtrip Sa Kapitbahay
110 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako nga sinasabihan lagi na malansa kaming mag'ina eh, mga kamag.anak ko pa 😂😂.. ebf kase kame ni baby ko tapos sobrang magatas ako as in lagi akong basa ng gatas. Nakakabwisit kaya kase paulit ulit nalang pero deadma nalang momsh..

5y ago

ok lng mging mlansa healthy nmn si baby hehe 😘😊 sarap na sarap nga ako sa amoy ng gatas ko 😂😂

VIP Member

Ganyan dn baby koh dati sis, ma pink nung nilbas k at maputi, then prang umitim cya pro aftr ilang months tisay n tisay n c baby mana s daddy.. Hehehe! Magbbago dn yan sis.. Ska pbayaan mu cla, mga bullyng kapitbahay.. Heheh! 😊

Magbasa pa

Wag mo na Lang pansinin mamsh. Napakaganda Ng baby mo pakelam ba nila sa kulay. Saka puputi pa yan si baby nagpapaaraw pa. Sarap izipper ng mga bunganga bg kapitbahay mo kala mo naman kinaganda nila yung pagiging Chismosa nila

VIP Member

Mag iba iba man tlga yun appearance ng baby pag nasa outside world na sila. Intregera lng tlaga yun kapitbahay nyu. Hnd siguro yan nabigyan ng ayuda kaya sa inyu binubuntong problema nya sa gobyerno. Wala magawa 🤣🤟

Haha. Same tayo sis! Unang labas ni Baby ang puti niya kaso biglang umitim.😅 Niloloko pa kami mag-asawa baka napalitan. Wala tinatawanan nalang namin. Kaya ikaw sis, wag mo nalang pansinin ma s-stress ka lang.❤

VIP Member

Hayaan mo lang sila mamshie. Baby pa yan, marami pang changes. Be positive nalang for them, hindi talaga maiiwasan ang pagiging judgemental ng isang tao, I swear. Ang mahalaga healthy si baby. GODBLESS

VIP Member

Sabi po ng ob ko kahit pareho kayo maputi ni hubby kung meron sa lahi nyo na maitim may possibility po na maitim po si baby. Wag nyo nalang po pansinin mga kapitbahay nyo na kinulang sa buwan 😁

same case snsbi ng mga kpitbahay ko din na san ko daw pinaglihi si lo ko kasi maitim daw., infernes kamag-anak kpa nagsabi nun..🥴 tinawanan ko nlng sya.pag snabi un para lalo sya mainis hahaha

puputi din yan mommy.. ung pamangkin ko maitim nung nilabas.. ngaun maputi na.. paarawan mo lang lagi momsh tas pag maliligo lagyan mo ng kalamansi ung pampaligo nia.. un ung turo sakin ng ate ko ei..

Ka cute ni baby😊 hayaan mo lng cla momsh wala tau magagawa sa mga tsismis n ganyan, pag lalo mo cla papansinin lalo cla mang aasar. Dedma lng, keri bells sknila dba. Bsta ikaw may cute na baby👍