Random Adviced Needed

Magandang araw mga mamsh ! ( Sana naman this time maapproved na tong post ko ! ) Gusto ko lang sana humingi ng advice ( huwag na magcomment yung mga wala naman matinong maipapayo ) Ito ay tungkol sa ex ng kinakasama ko at sa sustento na dinedemand nung babae , totoo ba ? Totoo ba talaga na nakasaad sa batas kung sino ang nauna siya ang priority ? Kasal na yung babae sa ibang lalaki at may dalawang anak na ito , ngayon yung anak nila ng kinakasama ko last year lang niya kinuha at mag one year pa lang sa kanya sa april . Inabandona niya ang bata para sumama sa lalaki na pinakasalan niya last 2018 ! January 2015 pa sila hiwalay ng kinakasama ko at kahit nung nagsasama pa sila kalaguyo niya na ang lalaki ! Ngayon nagchat yung babae na humihingi ng 2k per week . Jusko lord sino na lang bubuhayin ng kinakasama ko sila ng mga anak niya pati yung asawa niya , at kapag di daw nagbigay ang kinakasama ko ng 2k per week sa baranggay na sila lalapit at magiging 5k na ang hihingiin nila dahil sa danyos daw na di pagbibigay ? siya din daw ang kakampihan dahil siya ang nauna at nanay ng bata ! So paano na lang kami ng 14months old kong anak at sa kasalukuyang buntis pa ko at kabuwanan kona sa bunso ko ? ! Wala daw akong karapatan at siya din daw magdedesisyon magkano mapupunta samin magiina ? bakit may mga babaeng ginagamit ang anak para sa pera bakit ganon ? At eto pa pag nagpakasal pa kami idedemanda daw niya . Jusko mga mamsh need some adviced about this sobrang stress nako pati pagbubuntis ko di ko namalayan overdue nako dahil sa issue nato ???

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sorry sis ah kung hindi mahal ng babaita yung LIP mo ngayon ay malamang gusto niya lang maperahan kayo. Bakit ba ayaw niya manahimik e kasal na siya sa iba? Nakakainis yang ganyang tao siguro nakikitang masaya kayo at naiinggit at gustong masira kayo. Haizst! Anyway, kahit may batas na tayo patungkol sa pagsustento ng ama sa anak ay depende yun siguro sa sitwasyon. try mong magbasa about don batas na yun. Hindi ko sure kung sa DSWD diretso yang ganyang case o sa brgy pa din. Sana hindi kamaganak nong babaita yung kapitan.haha. chos! Pero seriously, wag kayong matakot ng hubby mo. wag din kayong matakot magpakasal. tska sabi mo may part na inabandona ni babaita yung anak nila ng LIP mo pwedeng maging grounds yun para makasuhan si babaita. Sana talaga maturuan ninyo ng leksyon yang babaitang yan. Wag kang paapekto, isipin mo sarili mo at higit sa lahat ung baby ninyo! Godbless po. Sana ay malampasan ninyo yang problemang yan.

Magbasa pa

Momsh, uo obligation ng hubby mu na isupport ang baby nya sa ex lalo na at cya ang nakalagay sa birth certificate nito. Mas mabuti na pumunta kayo sa barangay at magpirmahan kung magkano ang ibibigay. I.aassess namn kung magkano lng ang capacity nga father na mabibigay. Pwede din kayo magrequest na hindi money yung ibibigay nyo instead grocery nalang para sa bata lang like milk and diapers at idaan nyo narin sa barangay para mamonitor talaga. Hindi rin namn nya kayo madedemanda if magpakasal kayo kasi hindi namn cla kasal at kasal na cya sa iba. Kukuha rin namn kayo ng cenomar if magpapakasal kay so if nakuha nyo yun, ibig sabihin tuloy ang kasal. Huwag pastress momsh, si baby ang priority mu.

Magbasa pa
5y ago

Pwede po ba si lip ang magreklamo sa baranggay ? Unahan na po namin yung ex niya ? Pati po kase magulang nung babae ayun ang demand 2k na daw mababa ang ibibigay sa bata . Kase sila nga nauna

if i were you mommy sabihin mo na wag na sa brgy kundi sa husgado na kayo magharap para malaman nya kung san sya lulugar. oo sila nauna pero di sila kasal. may anak nga sila but it doesn’t mean na pwede nya makuha kahit magkano idemand nya. ibabase yun sa kung magkano ang kinikita ni hubby at sino sino ang dapat makinabang. oo may anak sya sa una pero may obligasyon din sya sayo dahil may mga anak kayo. At kung sasabihin nya na idedemanda nya kayo pg nagpakasal kayo,wala sya habol dahil unang una di sila kasal ng lip mo at kasal sya sa iba,.may habol sya sa lip mo dahil sa anak nila other than that wala na. sorry momsh napahaba,medyo gigil ako babae😤🤣

Magbasa pa

Hindi po totoo na kung sino ang first eh sya ang priority. Kasal na po sya sa iba. Pero may responsibilidad po si hubby mo na sustentuhan yung anak nila. Maganda po kung dadaanin niyo sa barangay, nakadepende po kasi sa sahod ni hubby ang sustento. Mas maganda nga po na kayo na mismo pumunta sa brgy para magreklamo at mag open about sa sustento. Wag po kayo matakot mommy sa mga sinasabi niya na kakasuhan kayo once magpakasal kayo dahil wala siyang habol dun. Kasal na siya diba. Pakelamera sabunutan ko siya. haha Wag po kayo magpakastress don, baka wala na kasi sila makain kaya ganun. Godbless po.

Magbasa pa

Sis wala na po karapatan c girl sa asawa mo, sustento nlng para sa anak nya dun ke girl pero ndi cnbi sa batas na kung sino nauna e sya higit na prayoridad.. d po totoo, isa pa kasal na sya dun sa ibang lalaki.mainam po magharap kayo sa brgy ng malaman nya na makapal masyado mukha nya para magdemand dpt nga sya makasuhan dahil inabandona nya ung anak nila ng dahil sa lalaki.. magharap harap nlng okya sumagguni muna kayo sa abogado para alam nyo ung karapatan nyo at pwede mo pa ipantapat sknya. Basta alam ko wala sya karapatan magdemand at sindakin ka. Pray lang sis wag pakastress

Magbasa pa

Magconsult ka po sa lawyer. Dapat naman talagang may sustento yung mga bata sa una. Icocompute naman po yun kung magkano sweldo ni partner mo kung ano lang kayang maprovide yun lang ang ibibigay monthly. Pero may mga nanay naman na hindi na humihingi since may bago na silang partner and naka move on na sila. Baka bitter pa yang babae na yan kaya ganyan. Wala syang karapatan magdemanda if ever magpapakasal kayo, sya nga may asawa na eh. Nananakot lang yun. Consult ka po sa lawyer para hindi ka na magworry and hindi na sya makakapanakot kasi mas may alam ka na.

Magbasa pa
VIP Member

Sis unahan niyo na sila sa brgy . Atleast yung Lip mo hindi tinatakas obligasyon dun sa bata . Saka maniwala ka sis . Papanig brgy sa inyo kasi ikaw na ang bagong kinakasama at my anak kayo at buntis kapa . Hindi siya pwede magdemand sa Lip mo kasi kayo na ang priority kasi kayo na ang present . Saka ibabase yung sa sahod ni hubby mo . Mas malaki mapupunta sa inyo kasi dalawa na magiging anak niyo. Wala siya pwede idemanda sa inyo sis di sila kasal at my asawa naman na siya . Wag kana pa stress nakakasama sa baby yan

Magbasa pa
VIP Member

Kasal ba sila??? Kasi kung oo, mas malaki ang pursyento ng bata. Legitimate child kasi sa kanila pag ganon, kahit pa kasal na xa sa iba. Habang sayo matatawag na illegitimate kung d pa kayo kasal. Pero d po yan totoo na wala kayong karapatan, at sya magdedesisyon kung magkano lang matatanggap mo po. Kasi pareho kayong may anak. At parehong responsibilidad ng ama ang sustentohan ang lahat ng anak nya po. Sa husgado ho kayo mag usap. Nakakainis kasi ang brgy minsan. Kung saan may lagay sya lang din papanigan.

Magbasa pa

Sa pagkaka-alam ko po, may karapatan po si ex na humingi ng sustento sa LIP niyo pero po depende sa sweldo niya, lalo na may baby na rin po kayong dalawa. Kasal na rin po sa iba yung ex, kaya wala po siyang maikakaso sa inyo. Ang pwede niya po sigurong kasuhan is yung LIP niyo kapag hindi sumunod sa legal na usapan sa barangay. Wag po kayo matakot sa ex niya dahil pera lang po ang habol nyan. Kung sakali man na landi-landiin niya po yung LIP niyo, siya po ang pwedeng kasuhan dahil kasal na po siya.

Magbasa pa

Know your rights. Bat ka naman matatakot e muntanga lang naman pinagsasasabi nya. Imposible mangyari mga sinasabi nya tatawanan lang sya sa baranggay. Hindi sya magdedesisyon sa ibibigay ng lip mo. Depende yan sa sahod ng lip mo. Pag tinakot ka edi sabihin mo cge subukan nya magpabarangay para magmuka sya tanga. Dalian nya kamo haha. Kung ako yan asarin ko pa yan e. Ikaw naman teh wag ka din shunga shunga (sorry sa term) bat ka matatakot hindi mo ba alam na imposible mangyari mga banta nya?

Magbasa pa