Random Adviced Needed

Magandang araw mga mamsh ! ( Sana naman this time maapproved na tong post ko ! ) Gusto ko lang sana humingi ng advice ( huwag na magcomment yung mga wala naman matinong maipapayo ) Ito ay tungkol sa ex ng kinakasama ko at sa sustento na dinedemand nung babae , totoo ba ? Totoo ba talaga na nakasaad sa batas kung sino ang nauna siya ang priority ? Kasal na yung babae sa ibang lalaki at may dalawang anak na ito , ngayon yung anak nila ng kinakasama ko last year lang niya kinuha at mag one year pa lang sa kanya sa april . Inabandona niya ang bata para sumama sa lalaki na pinakasalan niya last 2018 ! January 2015 pa sila hiwalay ng kinakasama ko at kahit nung nagsasama pa sila kalaguyo niya na ang lalaki ! Ngayon nagchat yung babae na humihingi ng 2k per week . Jusko lord sino na lang bubuhayin ng kinakasama ko sila ng mga anak niya pati yung asawa niya , at kapag di daw nagbigay ang kinakasama ko ng 2k per week sa baranggay na sila lalapit at magiging 5k na ang hihingiin nila dahil sa danyos daw na di pagbibigay ? siya din daw ang kakampihan dahil siya ang nauna at nanay ng bata ! So paano na lang kami ng 14months old kong anak at sa kasalukuyang buntis pa ko at kabuwanan kona sa bunso ko ? ! Wala daw akong karapatan at siya din daw magdedesisyon magkano mapupunta samin magiina ? bakit may mga babaeng ginagamit ang anak para sa pera bakit ganon ? At eto pa pag nagpakasal pa kami idedemanda daw niya . Jusko mga mamsh need some adviced about this sobrang stress nako pati pagbubuntis ko di ko namalayan overdue nako dahil sa issue nato ???

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Unang una wala po syang karapatan sa pera ng asawa nyo. Mas maganda dumulog na kayo sa barangay or abogado para alam nyo gagawin nyo may mga public atty naman po. Pareho lang kayong hindi kasal nung girl. Ilang taon na ba ang bata ? Kung babae ang bata baka pwede atang mapunta sainyo lalo na may bagong asawa yung girl na pwedeng mapahamak yung bata sa asawa ng girl. Basta mas maganda manghingi kayo advise sa atty po para alam nyo yung tama. Wag kang maniwala sa girl na yan.

Magbasa pa

Teka lang, sis. Kulang info mo. Kasal ba sila ng asawa mo or nah? Kung hindi, wala siyang karapatan e threat kayo kahit siya pa nauna and wala siyang say kung magpapakasal kayo unless kung kasal sila pero mababaliktad din si girl pag nag kaso siya. 😅 May right siya humingi ng sustento para sa BATA iyon lang pero nakadepende ito sa sweldo ng asawa mo. Kakaloka naman iyan si girl, lakas ng loob mag demanda. Hahaha. Sobrang desperada langs?

Magbasa pa

Sis parehong pareho tayo, napaka gold digger ung ex ng hubby ko ngayon. Kesyo lagi daw kinukulang ang bigay sa bata eh 3 y/o palang 6k per month iba yung grocery nung bata na worth 2k tas laging hingi ng hingi kahit hndi pa kinsenas at katapusan, mababa lang sahod nung asawa ko mas malaki pa nga ang kita ko kaso ang gusto nung girl since may pera ako, yung pera ng asawa ko dun lang sa anak nya mapupunta

Magbasa pa

kung nasa inyo naman na po yung bata wala kayong dapat ibigay anak lang ang binibigyan ng sustento kung hindi naman siya legal na asawa, keep mo yung convo nila tska mo idaan sa legal actions ng mabawas bawasan ang kakapalan ng mukha,gumawa yata siya ng sarili niyang law epekto ng gutom wala na silang makain nung lalake niya,

Magbasa pa

Technically momshie nasa batas n dapat tlga sustentohan ang bata pero walang hierarchy system wala karapatan yung girl n sta mag desisyon kung magkano mapupunta sa inyo for short to solve the problem punta kayo barangay may dswd dun at sila magiinvisgate kung magkano naayon sa bata nung girl

mauna na kayong magoa brgy, tapos wag kayo matakot di naman xa naging legal wife. Pwese kayo magpa kasal ng kinakasama much better yun then gawa kayo ng agreement mas better kadi depende lang sa sahod ni partner mo ang ibibigay ang she can't ask more than that pag me agreement na

mas maganda po magconsult kayo sa atty at magseek ng legal advice pra di kayo matakot at mastress jan sa bruhang yan.. pag nagsabi pa sya sa inyo na mgpapa brgy sya may maisasagot na kayo saknya. ano na lang mangyayari sa inyi kung sweldo ng partner mo saknila lang mapupunta

VIP Member

Hi sis. Wala yun sa kung sino nauna, karapatan lang ng bata na masustentuhan sya ng ama nya period. However, "priority" applies to legitimate children. Meaning,anak ng asawa or legal wife. But the iligitimate child still has the right sa sustento.

ang anak lng po ang responsibilidad nang lalaki kc hindi cla kasal nung ex..kasal na rin yung babar sah iba..huwag ka maniwala o matakot..wala po cyang karapatan sah pera nang kinakasama mo..ang bata lng ang dapat sustentohan..

VIP Member

bayaan mo magkaso ng malaman nya kung magkano lang talaga nararapat sa anak nya. ang sustento ay nakabase sa sahod ni lalaki ibabawas don expenses saka hahatiin sa anak nya at anak ninyo. Baka yang 2k nya maging 1k per week na lang

5y ago

wag ka pasindak. kasal na sya sa iba di ba? anong ikakaso nya sa inyo mag asawa. kapal din ng mukha nya ano. Hamunin mo na lang sa husgado ng magkaalamanan kapal nya mag demand ha. Wala yan sa nauna o nahuli dahil pareho kayo may anak.