Karla Decena profile icon
PlatinumPlatinum

Karla Decena, Philippines

Contributor

About Karla Decena

Kylie’s mommy ✨

My Orders
Posts(33)
Replies(159)
Articles(0)

Di nakaramdam ng labor.

Hi mga mommies. Sino po dito nakaranas ng di nakaramdam ng pananakit nung manganganak na? Share ko po story ko :) June 17 EDD ko. Before June 11, most checkups ko lagi sinasabi ni OB na closed cervix pa din ako. Grabe sobrang nagwoworry na ako kasi ayoko ma-CS at ayoko ma-overdue. June 11, pagka-IE sakin, sabi ni OB 1cm na ako external, pero sa internal closed pa rin. Mataas pa din ulo ni baby ko kaya binigyan niy na ako evening primrose. Pinapapunta din niya ako sa Delivery Room para ipamonitor heartbeat ni baby, kaso sabi ko nagmamadali kami kaya pinabalik niy ako ng June 13. So ako paguwi sa bahay, lakad, squats, inom pineapple juice para makaraos na. June 13, 1cm na ako sa wakas. Haha. Pagtayo ko dun sa higaan ng clinic ng OB ko, may tulo ng dugo. Kinabahan ako, sabi ni OB okay lang daw yun dahil in-IE niya ako, then pina-ultrasound niya ako for BPS. Habang waiting, lakad dito, lakad dun. After ultrasound, nag-CR ako. Napuno na pantyliner ko. Di naman ako masyado nagworry, so pagbalik ko sa OB ko pra ibigay result, sinabi ko din na ang dami ng dugo. In-IE niya ako ulit, tapos sabi niya naglalabor na daw ako. Ipapa-admit niya na ako. So nagulat ako, kasi wala akong nararamdaman kahit isang kirot o contractions o hilab man lang. Ayun, pagdating sa admitting, dun ko naramdaman contractions ko. Narinig ko dun sa nagmonitor sakin na medium to stronng contractions daw every 3minutes. As in di ko ramdam yung medium or strong, ramdam ko lang naninigas siya. Haha. Pagdating ko sa labor room, ilang beses ako in-IE kasi di madetermine kung ulo ba ni baby yung nakakapa. Hanggang sa bumababa daw heartbeat ni baby, kaya na-CS na ako. Sabi pa nung OB ko parang di daw ako manganganak. Haha. Ayun lang :) As in no pain talaga ako nanganak. Nakakalungkot din kasi gusto ko maranasan yung as in umiire ka sa sakit ganun, para lang mafeel ko ng husto pagbubuntis at panganganak ko. Haha.

Read more
 profile icon
Write a reply