Yung partner ko simula nung nalaman namin na buntis ako gusto na niya magpkasal kami. Pero hindi manlang sumagi sa isip ko na magpakasal. Anyways iopen mo saknya yan di mo malalaman kung ano ba plano niya kung di ka magsasabi.
Baka po kasi akala nya nageexpect ka ng magarbong kasal, baka budget iniisip nya since manganganak ka. Kung ok lang naman sayo at sa family mo na simple lang or kahit civil lang pagusapan nyo. Tingin ko lang po..
Ikaw na magsabi sa kanya girl kaysa naman naiistress ka na kakahintay sa kanya. Maganda talaga pag kasal muna. Kahit simpleng kasal lang, saka na yung bongga. Kailangan pa mag ipon para kay baby eh.
Iopen mo na. Kesa naman isip ka ng isip. Sya yung partner mo at dapat lagi kayong open sa isat isa. Para naman sa future nan baby nyo yan e. Di lang naman ikaw gumawa nan, kasama mo den sya.
Baka nag aantayan lang kayo. Iopen mo na, wala naman mawawala.
Kausapin mo s'ya. Ikaw na mag-open about sa kasal.
Pinaguusapan ksi yan mommy
Maari mo pong iopen s kanya madam yan para mapag usapan nyo po. Pwede dn po if madalian n at manganganak k n is civil wedding. Tpos mga kamag anak lng po imbitahan tsaka ninong at ninang.
Much better kung ikaw na mag start ng conversation about sa kasal, kesa naman maghintay ka sa wala.
haist , yan din ang gusto manyare , un maging legal talaga kami sa mata ng Diyos at sa mata ng tao ,at para nadin sa kapakanan ni baby , ilan beses aq nagsuggest na magpakasal kami bagu lumabas c baby , hanggang sa nabuntis din ng kua ni lip ung gf nia ,eeh hindi pede hindi cla ikasal kasi mas madami kamag anak un compair samin ,tas sabi q january kami pakasal para hindi sukub ,aq na nag oopen palagi pero mukang ayaw pa niq , dq alam dahilan na ,gustu magarbo wala naman pera , kahit nga srcret wedding papatusin qna maisakay lan nia kami sa mga papel nia kaso mahirap pilitin na parang ayaw naman ng lalaki , kaya sabi q sya wag na , baka lan magkasisihan tau sa bandang huli , pag hindi inoopen ng lalaki ang about sa kasal ibig sabihin hindi sya interesado