KASAL

Mag 5 months na kong preggy. FTM. Nasa tamang edad na kmi at we also planned this pregnancy. To the point na nagpacheckup kmi pareho at nag take pa ng mga gamot.. Ang gusto ko sana magpakasal na kmi ng partner ko before lumabas si baby. Ayoko kasing hindi nakalagay sa birth cert ni baby na di kmi kasal ni partner khit sabihin pang surname nya ginamit kay baby. At ayoko rin matulad sakin ang baby ko. Lumaki kasi ako na gamit ang surname ng mother ko. At walang name na nakalagay sa father ko. Gusto ko lng protektahan ang baby ko... Pero bakit ganon. Until now di pa rin ino-open ng partner ko ang tungkol sa kasal. Kaming dalawa ng mama ko, gusto na namin sana i-open to sa knya kaso mas maganda kasi na sa kanya mismo manggaling... Hindi ko tuloy alam ang mararamdaman ko. Ok naman siya. Supportive siya sa pagbubuntis ko at nakikita kong excited siyang maging ama. Pero bat ganon.. Any advice po mga mamsh?

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Communication is the key sis. Open mo kay partner mo yan. Para alam mo din kung ano yung mga plano niya at naiisip niya. Ganyan din parents ko. Sobrang kinukulit ako before na dapat magpakasal kami, kaya nag open ako kay LIP, saka ko nalaman na may plano naman siya na magpakasal kami after lumabas nga lang ni baby, kase gusto niya na unahin daw yung expenses kay baby. Ako naman personally, kung hindi pa handa si LIP okay lang sakin for me makakapaghintay naman ang kasal at makakapag hintay din naman ako, at naiintindihan ko rin point niya, lalo na pinag stop niya ako sa work kaya siya lang nagastos para samin. Dont be scared na mag open up kay partner mo sis, kaya nga partner ang tawag kase partners in life kayo. Para mas maliwanagan kayo. And need niyo din malaman kung ano ba ang plano niyong dalawa foe your future. Goodluck sis 😊 godbless πŸ˜‡

Magbasa pa

Same tayo nyan mommy pero ako bilang mas concern din sa baby ko na Ayoko maging born out of marriage although alam ko naman papakasalan ako ng loveko nagiipon lang kami kasi nga beach wedding ang dream ko kaso dumating ng maaga ng blessing kaya ako mismo nagsabi sa kanya na magpakasal muna kami kahit civil wedding lang para di kami mahirapan sa docs ng baby namin bago lumabas.. Minsan po need mo din mauna magsabi kahit alam mo na mahal ka nila at handa sila pakasalan ka hindi pa nga lang ngayon siguro pero bago lumabas ang baby need nyo na din magpakasal pwedi naman po ikaw na magsabi sa kanya. :) kahit civil lang po muna. 7months nadin po tyan ko and civil wedding date na gusto namin this October 25 para sabay sa Gender reveal ni baby. πŸ₯°

Magbasa pa

mas okay na ikaw na mag initiate ng topic ng kasal... Kasi don mo din makikita kung may plano ba tlaga syang pakasalan ka o wala kaysa hintayin mo pa mamsh.. Tanungin mo sya directly "if ikakasal na tayo kailan mo gsto? Para sana bago lumabas si baby married tayo".. Tapos pag nairita sya at nagalit sya or feel nya pinupwersa sya don mo na makikita kung may balak ba tlga sya o wala.. If bgla syang nahiya at nagpasintabi at nag explain it means nag iipon sya... Buntis ka na kasi mamsh hnd na uso sa buntis ung mag antay na magkusa ung lalaki kung pakakasalan ka o hnd.. Kht gsto mo pa sa kanya manggaling.. Mas mahirap kung umabot ka na sa point na luuuhhh the baby is about to come na wala pa rin syang action sa wedding...

Magbasa pa
VIP Member

Baka po mas iniisip nya muna ang mga expenses para kay baby at sa panganganak mo. Di din kasi biro ang gastos. Pwede naman pong si baby muna ang focus ninyo ngayon at tsaka na kayo magpakasal pag naka luwag na. Napaka dali nalang nyan pag nailabas na si baby atleast mas makakapag focus kayo sa kasal ninyo pero nasa inyo po yan kung ano mas gusto ninyo i-prioritize. Pwede pa din naman ipa-apelyido si baby sa daddy nya kasi ina-acknowledge naman sya

Magbasa pa

Sis. Isa isa lang muna. Baka hindi pa kaya ng partner mo. Check mo rin ang bulsa nya kasi hindi rin biro ang gastos sa pagbubuntis at panganganak. Pwede mo iopen sa kanya yan. Malay mo gusto nya ng maayos na kasal para sa inyo at hindi nya pa kaya ibigay yun ngayon. Kung kung ang kasal ay for security lang para may tatay ang anak mo at hindi kayo iwan, nasaan don ang love? Wag ka muna magisip ng kung ano ma sstress ka lang. Unahin si baby.

Magbasa pa

I'M THE ONE WHO POSTED THIS. - Hi mga mamsh. Nabasa ko lahat ng opinions and advices nyo. Just to clarify lang. Hindi naman ako naghahangad ng bonggang kasal. Mas prefer ko rin ang civil wedding. The simple, the better. Saka budget friendly din since mas kailangan paghandaan namin si baby.. Anyway. Salamat po sa advices. Gonna talk to my partner na regarding this matter. Again, thank you. ☺️

Magbasa pa

Ganyan din ako mamsh pero ako na nagopen sa kanya.. Hehe. Ngayon kasal na kami 8months na ako ngayong araw bago natupad. Simple lng kasal namin 2 lang ninong tapos 1 witness tapos kumain lang kami sa sm after ng kasal hanggat wala pang budget ok na yung civil wedding muna need din kasi ng pera for baby. Baka madami lang iniisip si hubby mo kaya ganun..

Magbasa pa
5y ago

Nice ❀️❀️

VIP Member

Same here. 23weeks now. FTM also. Plano na namin dati pa na magpakasal, akala namin mauuna ang kasal kesa sa baby, eh baliktad. So inasikaso namin pareho ang requirements para civil wedding muna. So, bukas seminar namin. Sa ayaw nya at sa gusto , wala siyang choice! HAHAHA! πŸ˜‚πŸ˜…

Super Mum

I understand you sis na mahirap mag open up about kasal pero in that situation na planado si baby why dont you plan for the wedding as well. Ikaw na ang unang magtatanong baka naman nahhya lang si partner mo mag open up pero may plano naman tlaga sya

VIP Member

Okay lang naman yan momsh na ikaw na una magopen, katulad nyan sabi mo nasa tamang edad naman na kayo. Walang masam kung ikaw na mag open na gusto mo na mag settle, mas okay kasi tlga pag kasal na kayo para pag labas ni baby, Legitimate na sya.