PAULIT ULIT NA LANG. I NEED ADVICE.
Last na talaga to mga mommies kasi nahihirapan na talaga ako mag decide. kung ano yung ikabubuti ko esp ng magiging baby ko. 4mos preggy 22yrs old graduate na, sa bahay parin ako ng parents ko nakatira kasi nung nalaman nila na nabuntis ako ng more than 5yrs bf ko eh ayaw nila ako ibigay sa bf ko esp yung responsibilidad niya sa anak ko. eh gustong gusto namna ni bf na itaguyod kami at may work naman siya. sa fam side ng bf ko alam na nila na buntis ako at wala naman akong prob dun. ung fam ko lang talaga kasi ayaw na ayaw nila sa bf ko. hindi daw ako kayang buhayin anong gagawin ko dun sakanila eh pag dto daw ako sa bahay mala prinsesa ako. mahirap lang kasi pag dto ako sa bahay for sure hindi nila gusto na mkita ng bf ko yung anak niya. tama ba yung gagawin ko sa sbado na dun na sa bahay ng bf ko tumira? kaso iniisip ko naman yung parents ko kasi mga senior na tatlo lang sila sa balay kasama yung kasambahay. naisip ko if dto ako sa bahay namin puro paulit2 na lang at stress lang aabutin ko kasi ayaw nga nila sa bf ko PROBLEMA nga kung ituring yung apo nila eh hindi BLESSING. kung pipiliin ko daw yung bf ko, ama ng anak ko wala na daw silang pakialam saakin bahal na daw ako sa buhay ko. wala na ibang nalabas sa bibig nila kundi yung pag uunderestimate nila sa bf ko na may marangal na trabaho. i need advice :(((
Meron 3 scenarios na pwede mong itake into consideration sis. 1st. Kung sa family ka ng bf mo, yes tanggap ka nila pero hindi mo parin alam kung pano sila makikitungo sayo, di mo rin alam kung ok lang sakanila na magbuhay prinsesa ka rin sakanila gaya ng ginagawa mo sa inyo so technically pwede ka rin mastress kung sila naman ang di mo makasundo mas mahirap pag sila ang may masabi sayo.😔 2nd. Kung bubukod kayo, ikaw din gagawa ng mga gawaing bahay dahil nagwowork ang bf mo hindi ka niya matutulungan gaano. Mahirap din ang gawaing bahay, baka hindi ka sanay ending mastress ka lang din at baka kayo naman ang magtalo lagi ng bf mo. unless kukuha kayo ng kasambahay. 3rd. Magstay ka sa inyo, yes di nga tanggap siguro sa ngayon bf mo. Pero wala naman silang ibang gusto kundi ang ikakabuti mo. I think you can start din muna sa inyo. Be responsible enough para makita nila na kaya niyo na on your own, talk to your partner din para mapakita din niya na kaya niyang buhayin kayo ng baby mo. Sa mga needs ng baby niyo at ikaw try niya iprovide lahat ng kaylangan. Wag kayo umasa sa parents mo or sa parents niya. Unti unti ipakita niyo na kaya niyo. Siguro di lang din kasi nila pa nakikita na ready na kayo at kaya niyo na talaga. Pero once na nakikita nilang ok na hindi naman na kayo pipigilan niyan. Pero gusto lang talaga nila yung ikakabuti mo at ng baby mo. 😊 cheer up. Pakita mo muna sakanila na keri niyo. Start ka rin muna sa bahay niyo, pakita mo na responsible enough kana para maghandle ng sarili mong pamilya at pag nakita nila yun trust me hindi kana nila pipigilan. Hugs.
Magbasa paHi mommy. Sa ngayon huwag ka munang umalis sa puder ng mga parents mo. 😊 Sa ngayon kasi siguro indenial palang sila sa part na aalis ka at sasama ka sa bf mo at maiiwan sila. Baka takot silang iwan mo sila since mala prinsesa ka sainyo baka ikaw lang ang nag iisa nilang anak or iisang malapit skanila. 😊 Kay BF naman huwag sana siyang magsawa na suyuan parents mo at ipakita na worth it siya para sayo and siya ang isang dahilan kung bakit ka masaya. Bumisita nalang siya lagi lagi sainyo, kahit cold ang trato ng parents huwag siyang magsawa kasi makikita naman nila kapag tumagal na at unti unti na nilang matatanggap. Take time nalang po. Kapag lumabas si baby sure akong isa ang parents mo sa magiging masaya. 😍 Habaan niyo nalang sa ngayon ang pasenya niyo ni BF sa pag intindi sakanila momsh. 😊
Magbasa paBaka nagalit yung parents mo sa bf mo kasi di ka pinakasalan bago binuntis. Di mo rin nmn totally masisisi ang parents mo sis kasi kapakanan mo lang iniisip nila. Sabihan mo sis si bf mo na suyuin parents mo. Sa simula lang yang galit, sa kalaunan at matatanggap rin nila lalo na makilala nila ang bf mo ng lubos. May ganyang parents kasi eh. Close minded sila sa kanilang decisions, pero kung marerealize mo at marerealize din nila na okay pala bf mo magiging okay na din ang lahat. Wag po kayo munang sumama sa bf mo kasi di kpa kasal. Mas mabuting magsama kayo ng bf mo na walang sumasama ang loob sa inyo. Sabi mo senior na yung parents mo kaya pagtuunan mo sila muna ng time at understanding. Ipaintindi nyo lng po sa bf mo at dalawa kayo ang magdecide kung ano nakakabuti.
Magbasa paHi momsh. Ganyan din ako. Opinion ko lang to noh... jan ka na lang muna sa bahay niyo ikaw nang may sabi na mejo well off kayo.. Lam mo naman na dangerous ang pagbubuntis diba? Siguro naman ayaw lang nila ikaw mapagod mas lalo na may dinadala ka. Nasasabi lang ng parents mo na burden yang dinadala mo dahil masama loob nila.. sino ba naman na magulang na matutuwa nabuntis ka out of wedlock right? Pagpasensyahan mo na. Matanda na sila. Tiis ka na muna na di mo makita bf mo. Pagoodshot ka muna jan.. Wag ma-pride. Ipaintindi mo sa parents mo na kailangan mo din si bf. Di naman mahirap kausapin ang magulang. Mahal ka niyan. Pag hindi.. eh di sana pinalayas ka agad at di ka na pinagsisilbihan pa.. Goodluck and godbless.
Magbasa paganyan din ako sis noon kasi unexpected din ang pregnancy ko,pero alam mo ginawa ng bf ko? (husband ko na ngayon) d sya napagod gumawa ng effort para ipakita sa parents ko na responsible sya.baka kasi kulang sa effort ang bf mo.wag ka magtanim ng sama ng loob sa parents mo, ikaw lang at baby mo iniisip nila.baka kasi sa part niyong magpartner, sapat na yung effort niyo, baka nakukulangan ang parents mo o d nila masyado nakikita effort ng partner mo.yung asawa ko, sinalo nya lahat ng masasakit na salita.d tlga sya sumuko. gawin niyo lahat para matanggap ang partner mo with your support.saka never ka magalit sa parents mo, in time, marerealize mo, sila lang tutulong sayo bandang huli.
Magbasa pakasama sa buhay natin ang gumawa ng desisyon at panindigan to. kelangan mo gumawa ng desisyon now and stand by it. wala ding sigurado sa mundo, so d maiwasang minsan sa kulaunan ma realize natin na mali pala yun pinili nating gawin.....walang sigurado sa mundo. ang importante, tuloy lang ang buhay ano man ang outcome. if pipiliin mo ang bf mo, wag mo pa ring kalimutan ang respeto at pagmamahal sa magulang regardless sa ano man ang nararamdaman nila sa ngayon about u. pilitin mong maging matatag. masarap ang may karamay na anjan para sayo pero importante din na alam mong maaasahan mo ang sarili mo dahil mommy kana, hindi na ito tungkol lang sayo. always pray. God bless.
Magbasa paNag decide nga po ako na dun na lang munsa sa bahay ng bf ko kasi ayaw nila ng mama ko na tumira sa bahay for the mean time kasi ang kahihiyan ng family namin iniisip nila. Kasi nga nabuntis ako pero may mga desisyon ako na d naman kinoconsider ng parents ko so walang epek pa dn
sundin mo po kung ano sa tingin mo makakabuti sa inyo ng baby mo 😊 nabuntis po ako after graduation at hindi masyado okay sa fam ko ang bf ko, take note - hindi graduate, wala permanent work at lumaki sa mayaman pamilya kya wala alam n usual work, bukod dun never pumunta pamilya nya samin nun nabuntis ko..so ayun binyag mismo ng baby nmin ngAway sila ng papa ko at pinalalayas bf ko, kinukuha ako ng bf ko pero dahil ayko lumaki lalo gulo, hindi ako sumama..ngpahupa muna ko ng issue, after awhile umuwi n kmi sa bf ko..sinundo nya kmi, alam ko ikasasama ng loob ng parents ko pro naging okay din lahat eventually. ngyon po 12yrs n kmi ni hubby, happily married 😊
Magbasa paako din nmn, imagine kkagraduate ko lng..actually buntis n ko my pasok pa..puro tsismis inabot ko samin kc ang arte2 ko daw noon tpos papabuntis lng..tiniis ko parents ko khit senior n tatay ko at my sakit mama ko, sumama ako sa bf ko kc willing sya buhayin kmi..soon nakadalaw din ako ulit samin at tinanggap ng parents ko. tiwala lang at lakasan ng loob 😊
sis totoo pong lahat ang advises nila sa iyo. huwag ka na muna umalis sa poder ng parents mo especially seniors na sila. mas masarap na kasama ang sariling parents kesa duon ka pupunta sa side ng bf mo dahil makikisama ka ng husto sa kanila. ang dapat gawin ng bf mo ay suyuin ang parents mo at mag extra effort sya kung paano sya magugustuhan ng parents mo. hindi nila nagustuhan ang bf mo nga dahil hindi ka muna pinakasalan bago ka nya binuntis, syempre masakit sa kalooban ng magulang iyon. ganun nalang muna ang gawin nyo.
Magbasa pakausapin mo na lang bf mo sis na kumbaga ligawan magulang mo pero dipa siguro ngayon naalala ko tuloy sayo si heart evangelista db ayaw na ayaw non magulang niya kay chiz pero hinayaan lang nila kumbaga may respeto padin si chiz sguro ganun na lang din gawin ng bf mo khit ano sbihin sa inyo wag nyo na lang patulan kasi baka nga may ayaw lang sila sa bf mo bka gusto nila yung nilalambing sila baka tahimik bf mo di sila kinikibo ganon alam mo naman matatanda gusto ung chinichika chika sila.
Magbasa paalam mo ba sis ganyan din kasi mama ko naranasan niya lahat yan bali baliktad kumbaga ayaw ng pamilya ng step father ko kay mama pero nung tumagal na gsto na si mama basta sguro pakita lang na mabuting tao bf mo te pag dating ng araw makukunsensya din sa mga nasabing msasakit
sa una lang yan momsh ilan na sa mga kakilala ko ung ganyan na itinakwil ng parents nung sumama sa lalake na di nila gusto para sa anak nila pero nung lumabas na ung baby after few months idinalaw nila ung baby sa house nila eventually natanggap na din sila ng parents nya ok na ok na sila ngayon. advice ko lang if ever sasama ka sa bf ipakita talaga ni bf na kayang kaya kau buhayin at ipakita nya na kaya niya kau bigyan ng magandang kinabukasan
Magbasa payun na nga po eh. ako d ako itinakwil ng parents ko ang gusto nila sa puder lang nila ako hanggang sa manganak ako kasi ayaw nila ako ibigay sa bf ko na may work naman at gusto talaga kami na panindigan ng baby namin. iba po kasi yung parents ko sa mga kayang intindihin ang mga anak nila. sa sobrang old-school nila eh iba talga pananaw nila noon kesa ngayon
Ma. Vyenn Elixane's momma ❤