PAULIT ULIT NA LANG. I NEED ADVICE.

Last na talaga to mga mommies kasi nahihirapan na talaga ako mag decide. kung ano yung ikabubuti ko esp ng magiging baby ko. 4mos preggy 22yrs old graduate na, sa bahay parin ako ng parents ko nakatira kasi nung nalaman nila na nabuntis ako ng more than 5yrs bf ko eh ayaw nila ako ibigay sa bf ko esp yung responsibilidad niya sa anak ko. eh gustong gusto namna ni bf na itaguyod kami at may work naman siya. sa fam side ng bf ko alam na nila na buntis ako at wala naman akong prob dun. ung fam ko lang talaga kasi ayaw na ayaw nila sa bf ko. hindi daw ako kayang buhayin anong gagawin ko dun sakanila eh pag dto daw ako sa bahay mala prinsesa ako. mahirap lang kasi pag dto ako sa bahay for sure hindi nila gusto na mkita ng bf ko yung anak niya. tama ba yung gagawin ko sa sbado na dun na sa bahay ng bf ko tumira? kaso iniisip ko naman yung parents ko kasi mga senior na tatlo lang sila sa balay kasama yung kasambahay. naisip ko if dto ako sa bahay namin puro paulit2 na lang at stress lang aabutin ko kasi ayaw nga nila sa bf ko PROBLEMA nga kung ituring yung apo nila eh hindi BLESSING. kung pipiliin ko daw yung bf ko, ama ng anak ko wala na daw silang pakialam saakin bahal na daw ako sa buhay ko. wala na ibang nalabas sa bibig nila kundi yung pag uunderestimate nila sa bf ko na may marangal na trabaho. i need advice :(((

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Aside po sa di ka kayang buhayin, baka meron pa pong ibang dahilan kaya ayaw ng parents mo sa bf mo. Like for example, di sya marunong makisama sa kanila. Minsan po kasi ganun ang gusto ng mga matatanda, yung ipiplease sila para makuha mo ang loob nila. Try nyu ipaintindi sa parents mo na kailangan ng magiging baby mo ng ama baka din kasi natatakot sila na mawala ka sa kanila kaya nila nasasabi ang mga bagay na yan.

Magbasa pa
6y ago

good for you po. kaso ayaw na nila na makita yung bf ko syempre kasi bgo pa yung issue

VIP Member

Kung nsanay ka sa buhay prinsesa mhirap kung titira ka sa ibang bahay kasi bka ijudge ka nila ang ending ikaw naman ang aayawan ng pamilya ng bf mo.. mhrap kc makitira lalu na kung buntis ka kailangan may mag aalaga sau which is makukuha mo sa totoo mong pmilya.. kht mbait mga side ng bf mo iba pdin un pamilya mo ksama mo.

Magbasa pa

Siguro wag ka muna umalis? Mahirap kasi yung "ngayong ikaw nasa puder nila nagagalit ka sa kanila kasi ayaw ka nila tumira sa bf mo , kapag ikaw naman ang umalis baka magalit sila sa inyo lalo na sa bf mo". Tanungin mo sila kung mas gusto nilang lumaki anak mo ng walang tatay.

momsh wag ka po sumama sa bf mo kung di kayo nakabukod, mas stressful po iyon, mas masarap sa tabi ng totoo mong pamilya lalo na kung di ka naman talaga nila pinapabayaan. hayaan m9 na po masakit na salita lalo na senior citizen po sila. maramdamin na po ang mga iyan.

gnyan lang tlaga magsalita ang mga magulang pero wala naman sila magagawa matatanggap rin kau ng bf mo ,bsta kung anu nalang sabihin ng magulang mo tanggapin mo nalang din

Kausapin mo bf mo na ipakita sa parents mo ung pagiging responsible matayanggap at matatanggap din nila yan. Wlang magulang na ang gusto ay mpasama ang knilang anak.

Parents knows best. Minsan nagkakamali dn sila.. pero yung kutob nila madalas na tama.. timbangin mo yung situation. Mas ikaw ang nakakaalam.

VIP Member

Nag iisa ka po bang anak?