Live in or nahh?

Hi mga mommies, random talk lang gusto Kasi ni bf na sakanila nalang ako tumira since I'm 7 months pregnant na pero I'm comfortable naman with my fam and tanggap naman nila ko. I don't know what to do kasi parang di pa ko ready na tumira sakanila and iniisip ko din kung ano ano pagawin sakin like super lakad ganon eh may sakit ako sa puso. Pag pumupunta kasi ko sakanila more on lakad daw dapat ako. Wala naman akong problem with his fam nagwoworry lang talaga ko since he has work and ako maiiwan sa Bahay nila I don't know how to engage with his family.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Para po sa akin Mii mas ok na jaan ka Muna sa Inyo hanggat di pa kaya ng LIP mo na ibukod ka nang tirahan, if wala Naman problema sa family mo Jan, e jaan ka Muna. Kasi Ako Nung na Kasama ko byanan ko Nung una na mag Kasama kami Akala ko talaga napaka bait niya pero lumipas yung buwan na kami na iiwan sa Bahay TAs pag nasa work LIP ko nag uumpisa nang mag parinig sakin maiwan ko lang yung pinag kaninan ko. e maliit pa Anak ko non lagi Ako hinahanap lagi Panay parinig. Nung una na Kasama ko sya may one time na sinabihan niya Ako "oh Kumain ka pa baka mamaya Sabihin mo ginugutom ka dito!" ganyan Sabi niya sakin alam mo un pa simple lang Siya pero may laman yung salita niya. kaya kung Ako sayo Mii Jan ka Muna sa side nio

Magbasa pa

sa inyo ka tumigil. Mahirap makisulok. kahit anong bait ng byenan mo may masasabi at masasabi yan sayo. Maganda nga may sarili kayo mag humilata ka man buong araw walang magagalit sayo. Iba din ang comfort at alaga ng tunay na parents. Mahirap makisama. pero nasa sayo yan. danas ko din yan na halos maging ka tulong ako sa pakikisama sa family dati ng una kong asawa. Eh sa bahay namin wala ako ginagawa. syempre para di magalit ang parents ko sa family ng dating asawa ko di ako nagsasabi pinagattakpan ko nalang para walang gulo. basta, iisa lang sasabihin ko. diyan kana lang sa inyo

Magbasa pa

Sainyo ka muna, kasal muna bago ka nya kunin, parang wala naman respeto ang bf mo sa parent mo na binuntis ka nya na hnd pa kayo kasal tapos nung nabuntis ka nya hnd kpa din pinakasalan, tapos kukunin kna nya sa puder ng parents mo na hnd ka pa din pinapakasalan. Respetohin naman sna nya parents mo. Hnd naman aso or pusa ang pamilya neo na kung ngkaroon ng anak ay basta basta nlng hihingiin or ipapahingi.

Magbasa pa

mie sa inyo ka muna.. wag k pumayag na mag live in kau.. Kahit ganu p kabait ang byenan mo.. malamng pagtagal nyan meron msasabe yan sau lalo nat pag puro pahinga klng.. iba ang comfort ng sariling bhay at kasama mo ang totoo mong family... And di p naman kau kasal e.. maging matalino sa decision mie.. lahat ng lalake ng babago.. kahit ganu p yan kbait ngaun..

Magbasa pa

mas maganda po myy kung dyan ka muna sa inyo po, try to talk to you partner po.. kasi family mo po yan ehh, sila mas nakakaalam sayo sa lahat ng bagay especially kung ano gagawin nila kung nagka emergency ka na.. kaya mas better kung stay ka po muna sa inyo po 😊

Stay ka muna sa parents niyo mi. Mababait din byenan ko pero iba pa rin yung nakabukod kayong dalawa kasi may privacy kayo. Kahit gaano man kabait ang byenan meron at meron pa rin masasabi. Kaya mas ok yung may peace of mind ka lalot buntis ka mii

VIP Member

Dahil buntis ka, ikaw masusunod. Tumira ka kung saan ka comfortable at feeling mo mas safe ka. For sure sa family mo, konting may masakit lang sayo masasabi mo na agad. At kapag don ka naman sa fam ng bf mo, mahihiya ka magsabi.

VIP Member

Sa inyo ka muna Mi. Aside sa maiiwasan mo mga possible conflicts sa pamilya ng bf mo, dyan mo rin malalaman kung loyal ba talaga ang bf mo sayo. Kung full support pa rin ba sya sayo kahit wala ka sa poder nila.

My sa inyo ka muna, iba comfort ng nasa bahay ka, sana kung dika iniexpect na magtrabaho sa bahay ng in laws mo, ako kasi hindi naman kain tulog lang ako pero iba padin yung comfort mo sa sarili mong bahay.

2y ago

thank you sa response mi, di din naman nila ko iniexpect na magtrabaho sa Bahay nila tsaka I'm not good at house chores maliban sa pagluluto hahah dito nalang muna ko samin thank you ulit 💖

jan ka na lang po sa inyo. heart problem is a big deal. dun ka sa lugar na panatag ang isip mo at kabisado na ng katawan mo. pag nanganak kana pede kana sa kanila