sa mga cashier ng sm, malimit walang priority lane. kaya kahit anong pakita ko sa tyan ko, at anong tingin ko sa mga sales lady doon dedma sila. iilan lng ang nag assist skin na unahin ako. pero madalas dedma talaga sila kaya no choice, pila nalang tlaga ako kung anong cashier meron
Ako naman sis nakakatawa experience ko. Mahilig kasi ako sa coke kea mejo malaki talaga tiyan ko kahit di ako preggers. I was in POEA nagulat ako bakit binigyan ako ng priority number, kala ata nila buntis ako. Late ko na narealize. π π
Shout out ko na din yung sm north edsa. Idk if lahat ng sm malls kasali. Yung bathroom nila di kasali ang pregnant women nakakadisappoint.. Buti pa ang ayala malls may courtesy ang pregnant sa pay lounge nila . #notosmmalls
Dapat po kc ang mga cashier or guard hindi nila pagbigyan ang mga hindi naman kasali sa priority lane, kaya nasasanay yung mga tao kc ine entertain din po sila ng cashier at guard.. dapat maging firm sila kung ano ang tama..
Ako naman pinauna sa cr kasi pumila ako sa likod e walang cr for pwd/senior/buntis. Nahiya talaga ako pero pinalagan ko na naiihi nako e yukong yuko ako paglabas ko HAHAHAHAHAHA sabi ko thank you po sa mga nakapila huhu
Yung iba naman stablishment may priority nga wala naman cashier! In the end kailangan mo pa din pumili at magantay, then ang sama pa ng mga tingin nung iba if ever mauuna ka and hndi ka naman mukhang buntis and senior.
Tama yan sis! π Ako nga, pumila sa PRC, di ako pinapila sa priority lane dahil maliit yung tiyan ko at di pa halatang buntis. Nakakainis lang. Kailangan pala malaki na yung tiyan mo para masabi mong buntis ka.
Same. Sa bus naman. Kahit mejo maluwag yung nasasakyan, nakaupo yung mga abled sa harapan. Tapos pag papatayuin ng konduktor or driver, dedma. Buntis na lang tuloy lalakad padulo habang umaandar pa yung sasakyan. :/
Ay true! Kunwari wala pang narinig π‘
Nakakamiss ,.naaalala ko kapag kasama ko lola ko kakain kami sa jollibee sinasabi nya lagi , wait lng sama ako para sa prioritily lane tayu at may discount π hahaha sabagay may point namn lola ko π
Tama sobrang tama to sis. Nung buntis pa ako may kopya pa ako ng R.A law sa cp ko para ipakita na we are covered by the law and may karapatan tayo. Yung iba kasi talaga mangmang sa ganyan.
Masubukan nga rin yan sis π
Angie Fulgencio-Bernardo