RANT ABOUT PRIORITY LANES/SEATS LOGO

Last day, nakapila ako sa priority lane ng isang grocery store, lahat ng nauna sakin puro buntis and i am the 3rd (last) in line. Napansin ko na medyo nagiging crowded na ang cashier, dumadami at humahaba na ang pila sa ibang lane, so kapansin pansin na maikli ang pila sa priority lane kaya nagsi pila sa likod ko ang mga makakapal na mukha na abled-person even though naka paskil na sa harap ng counter that the lane is for priority persons only, bulag-bulagan ang hinayupak. Napansin yun ng kahera and she kept on saying politely "para lang po sa buntis, senior at pwd ito". Take note, paulit ulit nya nang sinasabi yan pero yung ale na nasa likod ko and the rest na nakapila, dedma lang. I somehow noticed a pregnant lady at the end of the line kaya bago ako matapos sa cashier, sinabihan ko yung kahera, "miss, may buntis na nakapila sa dulo, unahin mo yun." i heard na lang na tinawag sya ng kahera (kudos sayo ate). Nung hindi pa ako buntis, i honestly avoid using the priority seats when riding a bus or the priority lanes in the cashier. Para sakin, nakaka hiyang gumamit ng privilege na hindi ko naman deserve at naiinis ako everytime na nakakakita ako ng ibang capable na tao na sinasamamtala ang mga priority lanes/seats. Now that im pregnant, i am boldly using that privilege and sobrang thankful ako dhil malaking tulong at kaginhawaan to para sa mga buntis na tulad ko especially now that my tummy is bulging and my body is getting heavier that even standing for a longer time tires me. Its just sad that other people aren't considerate enough, or maybe they're just too stupid that they can't even follow a simple rule or courtesy. Afterall, lahat naman tayo makakagamit ng privilege na yun pag nagsipag tanda na tayo, lalaki man o babae. ?‍♀️ Watya think mga momsh?

42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Habang binabasa ko nawawalan ako ng hininga, .. Ahahaha Anyway, ako nga kahit buntis di ako pumipila sa priority ey.. Nakakadala kasi, sa first baby ko sa priority ako pinasakay ng guard ng MRT and the senior citizen guy, insisted na tumayo daw ako at paupuin ko yung babaeng senior din, so sabi ng kapatid wag ka tumayo ate, then paulit ulit na naman yung matandang lalake, wala daw kame karapatan umupo dun kasi di daw kame senior. Umiral kamalditahan ni sisteret, nasagot niya si matandang guy na buntis po ate ko kaya dito siya pinaupo ng guard (nakatayo kapatid ko ah) dapat ho kayu magbigay ng seat sa sa ale since kayu naman ang guy. Ayun natahimik si lolo. Kaya minsan nakakainis ang mga senior, parang ang gusto nilang mangyare sila lang makikinabang sa mga ganyang bagay. πŸ˜…

Magbasa pa
5y ago

Minsan momsh nakakainis din attitude nila, dont know if ganun ba sila coz my grandma and grandpa, hindi naman ganyan umasta.. Ang sisiga at ang aangas ng iba sa senior, (dont know the right word for itπŸ˜…)

Sa ACE Hardware nung buntis ako di namin alam ng anak ko na sale haba ng pila e may kailangan kaming bilhing battery para sa toy nya. Sus wala ding priority lane. Yung mga senior parinig na din ng parinig na dapat mauna sila. Tinanong ko pa sa guard kung bakit wala silang priority lane kasi hirap na ako pumila kabwanan ko na nun laki laki ng tyan ko. Saka palang nila inayos at syempre may mga naunang senior mejo madami na din so nasa may bandang likod padin ako. Buti naawa sa laki ng tyan ko yung mga oldies pinauna nila ako. Sobrang bait nila.😊 and also sa isang supermarket dito sa laguna may priority lane wala namang cashier! Sobrang badtrip ko. Ang hirap matagal nakatayo kaya pag malaki ang tyan haaays..

Magbasa pa

May mga tao talaga na makakapal din fes tska mga hindi makaramdam. May nexperience naman ako sa banko, napaka daming tao tapos wala akong maupuan. Hindi naman sa nag iinarte ako..pero parang nakakainis na halata na nun yung bump ko pero walang nag ooffer ng seat sa akin. Nangawit na ako kakatayo, masakit na sa balakang pero tahimik lang ako. πŸ˜” Tapos may senior citizen na nag alok ng upuan sa akin, siguro nakita nya ang tagal kong nakatayo. Pinagalitan pa nung senior yung nga nakaupo malapit sa kinatatayuan ko. Minsan yung tutulong sayo, yun din yung may pangangailangan, tapos yung merong kakayanan, yun pa yung walang pakialam.

Magbasa pa
5y ago

Oo nga e. Pero ang dami kasing tao nung araw na yun .may mga senior at buntis dn na nag aantay..bagal pa proseso ng banko kaya nakakainis lalo haha. Ok lang mag antay ng medyo matagal, pero sana yung mga customer hindi nahihirapan..pampabawas inip kasi yun.

Ako isang beses lang ako nainis about sa priority lane. Dyan sa Robinsons Pioneer sa dept store. Wala silang priority lane so ang ginawa ko, hindi ako pumila sa napakahabang pila since may baby naman ako. Dun ako sa gilid nag antay. Triny kong ibigay sa cashier yung items. Pero inignore ako. So pinalagpas ko. After mga 3 tao na, sabi ko ulit "miss" sabay bigay ng item. Tapos sabi nya, maam dun po ang pila sabi nung bagger. Tapos sabi ko, ay wala kayong priority dito? Eh baby ko iyak na ng iyak. Ang shunga, tinanong pa yung isang kasama kung priority ba daw ang may bata. Hindi umimik yung cashier. At kinuha items ko.πŸ˜‘

Magbasa pa
5y ago

Mga wala p yata silang anak kaya di pa nila ma feel yung sinasabi mo sis.. Tsk

Ako naman may scenario na pumila ako sa Jollibee breaktime ko nun sa work, gutom na gutom nako nun. Tapos ang haba ng pila so I decided na sa priority since buntis nman ako. Then hinarang ako nung guard ang sabi for sc daw ang lane, then sabi ko buntis ako. Di pa masyado halata yung tiyan ko. May naririnig ako sa mga likod na eh bakit sya pumila? Buntis daw baka sumakit ang tiyan ang sabi ba naman. I felt na discriminate ako na kelangan ba malaki agad yung tiyan proof na preggy? Ewan ko lang kung oa ako mag isip dahil sa gutom. Maramdamin pako that time. Hinayaan ko nalang sila.

Magbasa pa
5y ago

Kaya sinabihan ako ng hubby ko na privilage natin yun, magsabi ako na buntis pag pipila ako. Kasi pati sa tric e hndi ako nappriority laging sa tabi nalang ang sinasabi. Nkkainis lang talaga mga ganyan.

VIP Member

Hay naku nakaexperience po ako momsh, sumakay ng bus pero dun ako sa puwetan ng bus kasi wala ng bakante , di man lang inofer ng driver o conductor ang priority seats .. hinayaan ko nalang , after kong makapamili sa mall , umuwi ako saamin sumakay ulit ng bus and then same bus parin na nasakyan ko , ang sabi banamm sakin ng bus driver, naku mam sa likod kananamn, tapos sabi ko, kuya di po ba pedeng ako nalang uupo sa priority seats.. kesa namn maalog ung baby ko salikod.. nilakasan ko tlga para rinig hanggang likod , nakakainis din minsan pati driver di alam ang priority seats :(

Magbasa pa
5y ago

Kaya nga mam, di ko na tlga naisip un, kasi napagud ako sa kapamili ng gamit ni baby, hayst pero if ever makakasakay ako ulit dun, maalala ko pa ung driver, nakalimutan kong alamin ung plate num :(

ako, nung 2 to 5 mos palang tiyan ko di ako pumipila sa priority lane since dipa masyado halata ang tummy ko feeling ko kasi mas may nangangailangan pa dun at as long as kaya kopa nmn pumila okay lang.,, nung lumaki na tiyan ko gumagamit naku ng priority lane pero once na may nakasunod saking matanda pinapauna ko sila ,,.. hahaha at the end habang may subrang tanda pa na kasunod ko is pinapauna ko tlaga so aending is parang di rin ako nkapila sa priority lane.. naaawa kasi ako sa mga matatanda nkatayo pa tas ako kaya kopa naman so bigayan lang tayo

Magbasa pa
5y ago

ganun talaga moms.,,, hanggat pwedi diba yung iba kasi mga kupal di nmn buntis at pwd or senior pumipila padin sa priority lane.,, parang nag wish pa sila to have that condition haist

VIP Member

Nakaka inis minsan kapag PWD, senior citizen lang ang naka paskil. May guard na shunga. Pag tinanong mo sila lagi ang sagot hindi kasali buntis, so sa regular line kami pumipila pero pag sa cashier mo na mismo tinanong, kasali daw. Nangyari pa to sa cinema na napaka haba ng pila! Pinapipila kaya nila ng ganun asawa nila? Kainis. 2x namin na experience so simula nun di na kami nagtatanong pinipilahan nalang namin or umuuna nalang kami pati sa taxi lane. Kapalan nalang ng mukha haha lalo kapag pagod na talaga ako.. Bahala sila!

Magbasa pa

Truelala , nakakainis .. Pumila din ako sa van pauwi na sabi ng lalake buntis po sabi ko oo , tas yung nasa unahang babae sabihin ba nmn butis daw . Kilalaki na ng tyan ko 6months . Ako nga pag may mga priority okau lang sakin mauna kc someday , magiging ganyan din ako .. Gusto ko sana itapun sa mukha nya mga pinamili kung gamit para sa baby ko at ung ultrasound na daladala ko .. Kaso ayoko ma stress , madali pa nmn uminit ulo ko .. Nakakainis mga ganyang tao .

Magbasa pa

Minsan lang din ako magpriority lane, kapag madami talaga tao at pagod ako, saka ko lang tinatake ung privilage. Minsan nga natatawa nalang ako kasi may priority lane for example, tapos may mga bagong dating na buntis at matanda, diretso sa unahan to think na nakitang buntis at matatanda din nkaapila kasi nga priority lane nga un.Magkakatinginan nalang kami ng mga kasama ko sa pila... πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚... Di nalang papansinin para walang away..

Magbasa pa