Priority Lane / Seat
Sharing my experience. Month ago, sa bus naupo ako sa priority seat designated for senior, pwd and pregnant. Then, nung may sumakay na senior, pinaringgan ako ng driver na paupuin daw ung senior. Since, puno na ung priority seat like 3 senior at ako na ung nakaupo, so ako yung sinasabihan. Then, nagsalita ako sabi ko pregnant po kuya. Sabi ba naman e kung pwedeng lipat nalang at paupuin ung senior. Di pa kasi halata tummy ko that time, baka akala e bilbil lang. So para lang wala ng discussion, nag give way ako at nagtransfer ako sa bandang gitna na ko nakaupo. Moving forward, just yesterday nag grocery kami. Dun ako pumila sa priority lane since dun lang konti ang pila. Then, nung nasa cashier na ko tinanong ako ng cashier if may kasama akong priority. Then i said i am pregnant miss. Tinignan pa ung tummy ko to think that im wearing a tight fitting shirt which i wore intentionally para mahalata na ung bump ko. Then may dumating at sumunod sa pila na senior na naman, kinalabit ako sabi ba naman iha pang senior lane to ha. (since madami ako pinamili at medyo matagal, nainip cguro c lola!) then humarap ako at hinimas ko tummy ko. Sabay sabi na pang pregnant lane din ho lola. Haissssttt. Medj nakakainis lang na kahit sa priority lane e may discrimation. Least priority ang mga buntis well to think na mas need natin ng extra care dahil maselan ang lagay natin. Hindi ko nilalahat pero, feeling mas entitled ang mga senior kesa satin. Mahirap nalang pumatol. Parang pag sinagot mo sila e napakabastos mo na kahit nasa katwiran ka naman.