Girl Bestfriend ni Hubby
Lagi kachat at kavideocall ni hubby yung bestfriend nya nung HS. Dati ko pa sya pinagseselosan kasi pag nababasa ko yung messages ng girl lagi nalang may ? emoji. Hindi rin maganda reputation ng girl saken because halos kalahati ata ng barkada kong lalaki ay naging jowa nya pati pinsan ko. Dati nagbubura sya ng messages nya at tinatago nya na nag chachat sila, selosa daw kasi ako.maraming beses na rin namin pinag awayan dati. Ngayon 10 weeks preggy ako at magpapakasal na kami, bigla ulit nagparamdam tong girl, tumawag umiiyak nakipag break daw jowa sa kanya. Sabi ni hubby kawawa naman daw baka daw masiraan ng ulp kaya chinachat at vinivideocall nya. Nabubwisit ako kasi nakita ko nag delete na naman sya ng chat history. Ano gagawin ko mga mamsh? Stress na ko.
May ganyan din akong experience sa husband ko nung wala pa kaming 1 year married, nakita ko kasi nagchat sa kanya, then may reply siya ok naman sakin nung una kaso na threatened ako nung nakita ko si girl nag I miss you then sumagot si hubby ko ng I miss you too. So ang ginawa ko chinat ko si girl gamit yung mismong account. Sinabi ko na gets kong magbarkada sila pero bilang may asawa na ang hubby ko hindi na magandang tignan na nagchachat pa siya ng I miss you sa asawa ko at may cs pa silang "pre", sinabi kong respetuhin niya ko bilang babae dahil kapag nakita ko pa na nagchat siya sa asawa ko hindi niya magugustuhan na maka away ako dahil tahimik akong tao. Then the other day kinausap ko hubby ko, di ko inasahang ipagtatanggol niya si girl, kaya nag away kami sa sama ng loob ko napansin ng parents niya na di ako kumikibo kay hubby at namumugto mata ko, so pinapunta nila parents ko at sinabi ko lahat, naging ok naman kami, sinabi ko sa hubby ko na hindi na kami parehong binata at dalaga na pwede pang makipag sagutan ng I miss you sa mga opposite sex friends namin. After nun ok na kami.
Magbasa pasame tayo nung mag bf gf pa lang kame. kausap nya madalas bestfriend nya na babae tga Dubai kmustahan sila. sinabihan ko na sya na wag na makipagchat. dami pa nya dahilan. nagdedelete din siya ng convo nila kasi nga pagseselosan ko daw. pinapili ko sya. ako o ung bestfriend nya. ako naman pinili nya. pinablock ko sknya ung best friend nya kaso ayaw nya.... ginawa ko inopen ko fb nya at ako nagblock.. subukan nya kako iunblock magkalimutan na kame. at meron din nagchachat saknya pinsan ng ex nya nangangamusta bakit daw di na sila nagchachat. ako na nagreply.. kukunin daw sya ninong. bnlock ko na lang rin. gang ngaun lahat ng bnlock ko na babae di nya inaunblock. kausapin mo uli partner mo na hindi maganda na ganyan pa sya sa bestfriend nya.. oo bestfriend nya yun pero alamin rin nya limits nya lalo na magging mag asawa na kayo. sa twing magkakaproblema ba bestfriend nya sya lang ba available? wala ba ibang kaibigan yang babaeng yan? pwde makasira ng relasyon ung ginagawa ng bestfriend nya at ng partner mo. napaka insensitive nila pareho..
Magbasa paNaalala ko tuloy dati may girl bestfriend si hubby nung mag bf/gf kami una hindi ko pinagseselosan kahit lagi ko napapansin na magkachat sila minsan nakekwento pa sa akin ng mama nya na minsan pumupunta dun sa bahay nila hindi parin ako nagdududa pero one time sinundo nya ko galing sa work ko tapos paglapit ko sa knya nabasa ko yung palitan nila ng message dun nako nakakutob tapos kwinento ko na yun sa bestfriend namin ni hubby ayun napaamin sya sa akin na dati palang gustong gusto na nya si girl tapos si girl gusto din sya kaso nga lang may bf sya ayun parang lahat nag connect na sa isipan ko hanggang one time sobrang curious ako habang nasa dagat sya at ako nasa cottage pinakialamanan ko yung cp nya ayun lahat nabasa ko m.u sila ang sakit sakit sa puso non. Kaya simula non pinapili ko sya kaya wag kang magtitiwala sa mga ganyang best friend best friend kung may kutob kana.
Magbasa paKausapin mo si hubby NASA sa kanya naman yan e. Kung mas importante yun mararamdaman mo kesa dun sa girl. Skl may kaibigan din ako lalake, magkababata kami actually parang magkapatid na turingan namin. Close kung sa close kaso nun nakapag asawa na sya dumistansya na sya saken. Well nung una nagtataka ako pero nun sinabi ng tatay nya na pinagseselosan ako nun asawa nya, umiwas na din ako. Naintindihan ko feelings ng asawa nia kaya okay lang din saken kahit di na sya tulad ng dati. BTW may asawa na din ako friends din sila ng asawa ko. Hahaha haba ng chika ano ang point ko lang talaga NASA hubby mo yan kung di nya i entertain titigil din yan. Pero kung asawa mo na tumigil at si girl papansin pa din aba si ate girl na me problema. Hahaha confront mo na Hindi ka komportable sa pa arti arti nya sa hubby mo😂😂
Magbasa paNaku gusto ng kalinga ng lalaki hanap ng ganyang babae, normal lang na magselos ka dahil babae ka kamo at may pakiramdam ka. C ate girl patigilin mo na sa pkikipag chat. Dahil as long as may connection cla ng jowa mo ehh hindi imposibleng magkadevelopan cla lalo n kung heart broken sya at naghahanap ng pupuna sa puso nya. Atsaka haler!!?? Bkt ba ung jowa mo kinakausap nya , pwede naman ikaw na lang?? Bkt kelangan lalaki pa kausapin nya? Ang babae usually sa babae din nagsasabi ng prob yan. At bakit may pagbura?? Kung walang tinatago bkt need pa burahin?? Pra di ka magselos? Bkt may ikakaselos ka ba s chat nila? Maliban n lang kung may mga flirty chats cla. Haist gigil ako s ganyan 🤔😑
Magbasa paKausapin mo ng masinsinan ang asawa mo.your husband should address your feelings.dapat unahin niya pahalagahan ang nararamdaman mo.alam pala niya na naaapektuhan ka sa paguusap nila ng girl bestfriend ng hubby mo,at mas lalo na yung pagbura bura niya.dapat hindi niya na binubura.kasi may issue ka na sa girl bestfriend niya e.and hindi nakakatulong pagbubura niya.dapat ginagawa ng asawa mo,nagiging transparent siya sa usapan nila ng bestfriend niya.yung hindi tinatago sayo.para maging komportable ka kahit magusap pa sila.kasi likas na sa atin ang magselos.kahit sino naman sa relationship.dapat inuunawa ng asawa mo nararamdaman mo.kasi ikaw ang asawa niya.dapat inuuna niya nararamdaman mo.
Magbasa paMaharot yang babae na yan, imposible d nya alam na may asawa at mag kakaanak na kaibigan nya. kami nga ng mga kaibigan ko nag uusap nalang pag mag kakaharap kami, pero sobrang tagal na non kasi may mga pamilya na. ako dn ngayon buntis na. no communication at all na.. miski noong wala pang knya knyang pamilya kami, pag may jowa kaibigan namin, d nmn chinachat mga walang kwenta at ikakaselos lang ng gf nila. sila dn ganon saken. tawag don respeto. yan kasi papansin yung ganyan.pa comfort ung asawa mo din may problema bat ineentertain. at bat masyadong concern. d na nya problema ung problema ng kaibigan nya bastos silang dlawa sayo. d ka nirerespeto
Magbasa paI block mo ndi basta knakawaan ang ganun sbhin mo sa bf mo qng macraan ng ulo d mcraan ibig sbhin lang yan gsto din nya nilalandi sya ng babae putulin muna habng maaga pa lalo na ikakasal na kau bka pagsisihan mo pa yan lalo sa huli prangkahin mo din ung babae ndi pdeng ganun ..may ganyan din aq ex q pero best friend din kami pero natigil ng ngka gf sya at sya pa ang lumau at ndi nmn aq nangulit pa kc respeto lang may gf na din sya at ganun din aq.. kya wag mo hayaan bka lumala pa yan👍🏻
Magbasa paSame with my hubby's girl bestfriend na nagpapasundo pa sa kanya sa work. Kinausap ko yung hubby ko at tinanong kung what if palit kami ng posisyon at ako naman may kaibigang kulang na lang sa bahay na tumira. It would be okay? No. Sabi ko, kapag kaibigan, you should end up there. Wag mo nang papasukin sa personal mong buhay like kulang na lang pakialaman ang pagpapamilya mo. It's between the two of you at wala dapat sumaling iba. Kasi if that happens, how can you trust each other? Naku.
Magbasa paIsa sa mga rule na dapat iwasan ng lalaki kapag in a relationship ay yung mga beshie beshie na yan, dahil bukod sayo ikaw lang dapat ang bestfriend ng asawa mo, habang maaga dapat na niyang iwasan yan, dahil kahit sabibin mong magbestfriend lang yan ay hindi pa rin maganda sa paningin ng iba lalo na't alam nila na ikaw ang kinakasama. Tsk mga lalaki talaga hindi marunong mag isip. Hanapin mo yung article sa fb, regarding #wifeyfirst then pabasa mo sa hubby mo bka maliwanagan.
Magbasa pa