Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
nanay ni Lio
Issue sa kulay ni LO
Lagi nalang sinasabi ng in law ko pag nagvisit sya "Ang itim nya" "Di ko maintindihan kung maitim sya or mapula lang, di bai magbabago pa kulay nya" "Sabi na nga ba maitim sya eh" Masasagot ko na talaga sya mga mamsh eh. Alam ko dapat hindi pumatol kaso naaawa naman ako sa anak ko. One week palang sya. Diba dapat ang mahalaga healthy sya and walang sakit? May lahi kasi father side ni hubby which is sobrang layo na jusko. British yung lolo ng lolo pa ata nila. Ineexpect nila makukuha pa din itsura nila pero more on ako ang kamuka ni LO. Naiinis lang ako baka pag nagsalita pa sya masagot ko na. 😑
My very own sunshine
EDD: NOV 17 DOB: NOV 12 TEAM NOVEMBER! Yung naglabor kapa hanggang 9CM tapos cs din pala 😅Salamat kay Lord nakaraos kami and healthy si baby kahit cord coil sya. Sana makaraos na rin kayo mga mamsh. Lakad lakad is the key talaga. Sabayan nyo squat. God Bless Us All ❤❤❤
Ano ba feeling ng labor?
38 weeks na mga mamsh. May lumalabas saken na parang sipon na may blood. Pag IE saken wala pa cm pero malambot na daw. Ano po ba mafefeel ko para masabi na naglalabor na? Sana makaraos na kasi may validity ang swab test. Ang mahal pa man din, ayoko na umulit😔
Vaccine For Pregnant
Hi mga mamsh. Magkano inabot ng isang shot ng vaccine nyo? Ako kasi laging 4k plus. Sa private hospital. Di ko alam if need ko ba lumipat ng ibang hospital kasi parang tinataga ako or feeling ko lang ba yun. 😑
Spotting 18 weeks preggy
Mga mamsh natatakot ako, hindi naman ako lumalabas ng bahay. Hindi rin ako gumagawa ng chores pero pag ihi ko and pagpunas ng tissue may dugo na. Konti lang ang blood. Sino na naka experience ng ganto? Never pa ako nag spotting dati ngayon lang.
Influenza Shot for Pregnant
Mga mamsh nagpa bakuna ba kayo nito? Magkano ang inabot sa inyo? Di ko alam kung di lang ako sanay sa price or mahal lang talaga yung akin ?
Fasting for Lab Tests
Hi mamsh, papa lab test ako bukas, ilang oras po ba dapat ang fasting? Salamat po. ☺
INIS SA PAMILYA NI HUBBY
Feeling ko ang sama sama ko kasi nabubwisit ako sa pamilya nya. Pera kasi tingin kay hubby. Wala na nabibili para sa sarili nya si hubby nung mag bf palang kami kasi lahat bigay sa kanila. May 3 sya batang kapatid. Ngayon nagpaplano na kami mag pakasal kasi buntis ako kaya nag iipon talaga kami. Etong pamilya nya tuwing tumatawag ang laging bukang bibig " wala kami pera" " marami na utang na tindahan" wala choice si hubby kundi magbigay. Mga bata pa magulang nya nasa late 40's. Di ko masabi sa hubby ko na naiinis ako kasi alam kong magagalit siya. Pero sana naman hayaan nya gumawa ng paraan ang magulang nya. Masama ba ko para mainis? Minsan iniisip ko nalang na ok yung responsible sya. Nastress ako kasi may baby kami na parating.
Ano ba feeling ng naglilihi?
14 weeks na ko pero wala pa rin ako nafefeel. Pag may gusto ako food nakukuha ko naman pag nakain ko na ok na ko. Sa 2nd time na kain umay na ko ayoko na. Ibang food naman hahanapin ko. Ano nafeel nyo mga mamsh?
Hanggang kelan kayo nagsuka?
Mga mamsh 13 weeks na ko. Sa nabasa ko dapat daw mejo tumigil na pagsusuka kaso saken palala ata ng palala. Dati gabi lang ako nagsusuka ngayon umaga at gabi na. ? hindi na ako makakain ng maayos kasi sinusuka ko din. Kayo ba?