2nd baby 16weeks preggy

Labas lng ng sama ng loob (Pasensya na po mahaba at magulo) Ang sarap mawala nlng bigla. Sobrang sama na ng loob ko ang bigat bigat na feeling ko wala ng nakakaintindi sakin. Parang gusto ko nlng umiyak ng umiyak lagi. Kapag may nakakakita sakin ng naiyak parang ayoko na magshare kasi for sure di rin nman nila ko maiintindihan. Ang hirap ng feeling ng ganito. Kung ano ano nlng pumapasok sa isip ko. Ang sakit sakit na ng puso ko. Yung tatay ng baby ko hnd nya parin maalis yung bisyo nya kahit yosi lng yun pero gusto ko na sya magbago kasi magdadalawa na baby namin pero sobrang tigas nya ayaw parin nya at under nya ko hnd ko alam takot ako saknya di ko alam bakit kahit grabe na gnwa nya sakin pasakit lahat na ata ng paraan makasakit damdamin at pisikal nagawa na nya sakin pero eto ko nagpapakatanga parin sknya nadagdagan pa anak namin ako lng lagi namomroblema siya parang petiks lng nakakaya nya ako hirap na hirap nako. Kahit sa pamilya ko sobrang hirap nako makisama kasi feeling ko hnd nako belong sknla kasi ang aga aga ko nagbuntis sobrang liit na liit nako sa sarili ko parang wala na kong halaga sa mundong to. Walang naging proud sakin kasi kahit pinagaral ko sarili ko ng college pagtapos ko manganak sa 1st baby ko parang wala lng sakanila hnd nila nakikita yung mga tamang nagagawa ko samantalang sa mga maling nagawa ko lagi nilang pinapaalala sakin lagi nilang pinamumuka na wala kong gngwang tama. Sobrang bigat na tlga ng pakiramdam ko Gusto kong lumayo pero wala akong sapat na pera para lumayo.naawa ako sa baby sa tyan ko kasi hindi ko macontrol yung feelings ko yung emotions ko. Na palagi nlng gusto kong umiyak kaya kapag may nagtatanong sakin ano problema ko d ko nlng sinasagot kasi di ko alam san ako magsisimula hindi ko alam anong unang sasabihin ko kasi halo halo na yung thoughts ko yung mga hinanakit ko. Tska ang sakit sakit kasi kinahihiya nila ako. Yun ung pakiramdam ko. Mga kapatid ko walang respeto sakin. Panganay ko laki sa lola kaya ngyon hirap nakong pasunurin sya sakin mas love nya lola nya kesa sakin kahit na mama ko yun masakit parin sakin kasi anak ko yun, sarili kong anak pero malayo loob nya sakin. Hindi ko alam saan na ko lulugar. Di ko na alam pano na ko magsisimula ulit. Parang sa araw araw nlng ang hirap ngumiti. Ang hirap tumawa, ang hirap kumilos sa mundong mapanghusga. Sa mundong lahat napapansin puro kamalian.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles