Sama ng loob

Gusto ko lng maglabas ng sama ng loob about sa partner ko. Foreigner po sya at LDR kmi. Db pag ldr dapat db importante ung communication? Siya kasi pag tumatawag ako di nya sinasagot minsan pag busy ung phone di man lang mag call back. Pag share ko sa kanya na may sakit ung baby namin na 4months old wala syang comment. Nung umuwi sya sa kanila for vacation di man lng nya kmi pinakilala sa parents nya. Feeling ko hindi sya proud na ipakilala kmi ng anak nya sa family nya. Ang bigat sa loob nakaka iyak minsan ayoko ko nlng sabihin sa kanya ung saloobin ko kasi magagalit lng sya pag ilabas ko or sabihin ko sa kanya. πŸ˜₯ Sobrang laki ng pinagbago nya kasi nung wala pa kaming baby lagi sya tumatawag kahit hindi ko sabihin pero ngaun na my baby na kami di mn lng tumatawag minsan kailangan ko pang sabihin.

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

naku'wag naman sana mommy..pero base sa kwento mo,mukang di talaga seryoso ang partner mo sa pagkakaroon ng family.Ask him about his plan sa inyo ng baby nyo kung meron man,para malinaw..in my opinyon,turuan mo na po self mo ngayon na maging independent at dont expect too much.mahirap kc may baby n kayo pero mas mahirap kung aasa ka sa wala.Maging open ka din sa mga posibleng negative effect in the future..be strong mommy..πŸ’ͺπŸ’ͺ😊

Magbasa pa

May mga foreigners na ayaw pang magkaanak. Madami akong nakilalang babae na ganyan ang problema minsan pa nga kasal na sila pero ayaw pang magkaanak puro sex lang gusto. Kaya kung maghahanap kayo ng husband material tanungin muna kung gusto ba ng big family o gusto ba na kayong dalawa lang. Di purkit foreigner eh gusto agad ng pamilya yung iba landi landi lang ang gusto.

Magbasa pa

Para matuldukan na ang agam agam mo, ask him straight. Yes or no lang kamo. Sa nakikita ko hindi ganyan ang taong itinuturing ka at si baby na importante sa kanya. Mas mainam na malaman mo agad ang totoo.

VIP Member

Sis truth hurts kaya once and for all confront him kasal ba kayo? If not wala kang habol para sa sarili mo ung para sa bata na Lang ganun talaga life must go on

may foreigners talaga na ayaw ng anak. kasi yun bestfriend ko abroad gusto niya magkababy kaso ayaw nung asawa niya.

pag tinatanung kasi sya oo naman daw pero action speaks louder words.

i hope you dont mind me asking. san mo nakilala si partner?