19 weeks preggy
Hi mga mamsh! Maglalabas lang ako ng sama ng loob ko here. Im am 19 weeks preggy sakto today kaso ang prob ko po is sa family ng bf ko hndi pa nila alam ung tungkol samin ng baby ko.. lagi nya sinasabi na sasabihin ko rin sknila soon pero kelan? Palaki na ng palaki ung tyan ko. Tas nag ask rin ako sknya na kung lalabas na si baby san kami magstay dto ba muna sa bahay namin or sknila.. ang sagot nya sakin dto daw muna samin pero pagiisipan pa daw muna nya... minsan nagiisip ako kung ayaw ba nya samin ng baby ko pero when it comes sa mga needs ko sa pagbubuntis ko nandyan nmn sya lagi nya ko binibilhan ng mga fruits and kasama sya lagi sa check up ko. Medyo may prob lng tlga pagdating sa status namin sa family nya kasi hnd pa nga alam na magkakaanak na sya.. medyo nagkasabay kasi kami ng ate nya pero ung ate nya nanganak nman na nung march. Minsan naiiyak nlng ako pag pinaguusapan namin un lagi sya nagsosorry kasi hnd nya ko maalagaan hnd rin kasi sya nakakapunta dto samin dahil nga sa ECQ na rin. Minsan hnd ko alam kung anong plano nya or kung may plano ba sya samin ng anak ko.. kaya minsan para hnd nlng sumama loob ko or umiyak hnd nlng ako nagtatanong sknya.. buti nlng andto ang mama ko sya muna nagaalalaga sakin sa mga pagkain ko kasi medyo maselan ako magbuntis maselan sa pagkain buti nlng naiintindihan nila ako dto kasi ako ung nasusunod sa pagkain kung anong gusto ko un na rin ulam namin. Nakakasama lang po ng loob di ko alam kung gusto ba nya talaga kami ng baby ko tingin ko kasi hindi pa sya ready tlaga. ?