.
Kung Kayo masusunod, ilang taon niyo papayagan mag asawa/live in Anak niyo? Regardless Kung tapos at may maayos ng trabaho.
Madami nagsasabi 25 up. Pero sila mismo na parents 18 palang nag asawa na. Kahit anong gusto nating ideal age for our anak na mag asawa, Pag gusto nila at nabuntis. Wala na magagawa. Siguro nasa tamang pag gabay nalang talaga. Ang lalaki na anak matagal mag mature ang utak, Hindi yan basta basta mag aasawa unless financially stable na sya or hindi pa sya nakakabuntis. Unlike sa babae, May babae na mabilis magmature kaya kahit nasa 20's palang they are open for marriage na. Pero yun nga nasa pag gabay parin yun. And maganda talaga lalo na sa may anak na lalaki, Magandang pagtapusin talaga ng pag aaral, Kasi balang araw magiging head of the family and provider talaga sya. Lalo ngayon, Hirap humanap ng trabaho sa company kpag di ka nakapagtapos. Kung mayaman ka naman, Pwede na mag negosyo. Sa babae naman, Maraming case na minsan nakapagtapos, Kapag nagkaanak wala na di narin makapagwork kasi full time mom na. Pa online online selling nalng sya sa bahay. Pero hindi lahat. Kapag nasa right age na ang anak nyo hindi nyo na pwedeng sabihin na "Ilang taon nyo papayagan mag asawa or makipglive in ang anak niyo?" Hindi nyo yan mapipigilan kapag gusto na nila.
Magbasa paCollege I'll let them live on their own (boarding) and budget their allowance. Para pag nagwork na sya alam nya mag budget. Ako kasi hirap ako mag budget kasi nakagraduate na ko nagwowork mas naexcite ako bilin gusto ko end up nawawalan ako pera kasi di ko nabibili kailangan ko dahil lang sa "CRAVINGS" saka ko marerealize pag wala na ko pera. Guide lang all the way para sa sarili din naman nya 😊
Magbasa pa29-35. Like me, Mabuti Kung Hindi na aasa samin Ska nagawa n Niya gusto Niya. Ayokong mag sisi siya n may Hindi siya nagawa or napuntahan bago siya nag asawa, sana din maayos na lalaki makuha niya, marunong gumalang and rumespeto pati samin at may balls hingin kamay nang anak ko para sa kasal. Kung Hindi tatanggalan ko talaga siya ng dalawang itlog tarages siya!
Magbasa paKung ako ang masusunod, sabihin ko anak ko na kapag nagawa na niya lahat ng gusto niya na hindi maiinterfere ng buhay may asawa at ready na rin siya mag-asawa kapag nagawa na niya mga gusto niyang gawin, go lang. My concern is not the age, but the person. Kung mabuting tao ba ang mapipili niyang mapangasawa, sa aspetong iyon lang siguro ako makikialam.
Magbasa pamga 29?? 😂 gusto ko yung mkapagtapos cla ng college, may stable na trbaho cla (pati ung mapa2ngasawa nya), kaya na ang mga buhay nla, hindi ung iaasa saamin ung pang araw 2x nla at ung pra sa anak nla., para someday maenjoy ko din ang pension, tamang pagala gala abroad. 😁
30 for me,well stablished at talagang kaya na niya,lalaki pa naman yung sakin,,gusto ko maenjoy nya mabuti ang buhay nea,syempre us as a parent napagdaanan na natin kaya gsto natin mga anak natin magawa nila mga bagay na gusto nila gawin bago buhay pagaasawa
Doesn't matter sa age as long as matured na sya, financially stable, prepared in all aspects (mentally, spiritually, physically, emotionally). Pero sige if age talaga, 25 and up. 😆
In my case, after 18 is ok. BUT, babae ang anak ko, it's important na pakasalan sya at hindi ili-live in lang. At dapat may trabaho ang lalake para di sila magutom. 😉
around 25 cguro. 18 is just too young pa kasi for me and she needs to enjoy her dalaga years more. better if may stable job na siya on top of finishing her bachelors.
Mas maganda kung graduate na sya at nakaipon para wala problema. Kung hindi naman, basta kaya na nya sarili nya at marunong sya dumiskarte para bumuhay ng pamilya.