Inis sa magulang

Kasi naiinis lang ako sa mga magulang ko. Kasi pilit nila ipa mixed feeding si baby ko na 5 months palang kasi daw hindi daw na sasatisfied si baby sa milk ko kasi kada minuto, hanap ng hanap ng dede. Naiinis ako kasi sobrang dami ng milk ko to the point na nag sisirit na. Sabi nila wala na daw sustansya milk ko need na daw ng formula kasi parang di mabusog daw. Baby ko ang lusog lusog, hindi sakitin kaso parang ang pale daw ng kulay niya kaya nasasabi nila na walang sustansya milk ko. Ngayon ngayon lang siya nag vitamins like celine and tiki tiki para daw maging masigla skin niya. Ewan ko ba gusto ko mag bf hanggat meron pa akong milk pero kontra sila. Naiinis ako.

Inis sa magulang
41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

If pale or yellowish skin ni baby paaraw lang po yan, tska breastfeed po is madami na syang sustansya. Ikaw ang masusunod sa anak mo Mumsh, hayaan mo sila hehe lusog lusog ni baby oh buyag buyag ❤

5y ago

Thank you pooo. Di naman po siya yellowish sa light lang po ata yan. Opo nga sabi ko nga po malusog naman si baby.