Share ko lang mga mamsh

Kami ng asawa ko is okay naman. Kaso grabi mag isip kapatid niya samin. Like tinanong nya pa asawa ko kung sure naba daw asawa ko na pakasalan ako. Baka lokohin ko lang daw asawa ko. Lokohin? Eh buntis na nga ko. Tapos eto pa, tingin pa peperahan ko lang yung asawa ko. Matagal kameng nag live in ng asawa ko nang hindi ako humihingi ng pera, at hindi ako naghawak ng sweldo ng asawa ko. Ngayon lang ako nakahawak ng sweldo nya ngayong nabuntis ako. Tapos okay naman kami ng asawa ko. Btw, sa kapatid nya kami nakatira. Tama lang ba mga mamsh kung bubukod na kami bago ako manganak? Feel ko kasi mas marami syang masasabe samin pag nanganak ako e.

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din sabi ng ate ng hubby ko dati. nung nalaman nya na magpapakasal kami, sabi ba naman sa asawa ko, sure na daw ba sya. hindi daw yun ang solusyon dahil nabuntis ako. hahaha. dineadma ko na lang. yes mommy, kung kaya nyo naman, bukod na kayo. mas magkakabonding pa kayo ni hubby mo..

6y ago

Hahaha grabe nga mamsh parang tinuturuan nya pang mag alinlangan yung asawa ko. Btw, thanks s advice 💖