money/extended family matters
Nanghihiram ng pera ang kapatid ng asawa ko sa kanya para daw pandagdag sa pagbili ng sasakyan. Sabi ko sa asawa ko mahirap magkasasakyan kapatid nya kasi di pa marunong itong magmaneho at suspended pa pagkuha ng drivers license. Tas depensa ng asawa ko kaya nga daw kukuha ng sasakyan para matuto. Sabi ko naman mahirap isugal ang walang lisensya kasi pag naaksidente wala habol. Kaso parang nainis asawa ko at inisip nya na kaya ako umaayaw ay dahil ayoko magpautang. Sabi ko hindi naman, iniisip ko lang pag nagkaproblema tas sa kanya din naman ang takbo kasi panganay siya tas sya lang sa magkakapatid may maganda trabaho. Medyo iniisip ko din naman ang pera kasi bagong anak pa ako. Pero mas iniisip ko din naman safety at yung situation ng kapatid nya. Kaso parang inis po talaga asawa ko. Mali po ba ako? Take note din po... mas malaki po nang doble ang sahod ko sa asawa ko.