976 Replies
Naku momsh! Palitan mo OB mo. Ganyan din ako. 1st check up namin ni baby, 3 Months na tiyan ko. Nastress talaga ako sa OB ko na yun. Nagkasakit kase ako, diko alam na buntis ako kase normal sakin 3, 6months or 1year ako na hindi nireregla. Ayon nga diko alam na buntis ako. Nagkatrangkaso ako edi nakainom ako ng mga gamot. Sabi niya sakin, "Wala naman ako magagawa kung may diperensya ang magiging anak mo, hindi ako Diyos. Tapos 3Months na yan tiyan mo, dapat nakainom kana ng folic para sa development ng baby mo, wala na talga ako magagawa kung may diperensya yan anak mo. Magdasal ka" . Alam mo yun pwede naman niya sabihin ng maayos pero ang taray at talagang nakakasama ng loob. Mga hanggang 6months ko un dala, naiisip ko palagi si baby. Sobra talaga ako nagaalala. Nagpepray ako lagi na maayos sana kalusugan at normal sana aking anak. At ayun hanggang sa na CAS ako, sobrang pasalamat ako maayos naman daw lahat ng resulta as per don sa bago kong OB. Cant wait to see my baby this April. Sana maging maayos ang lahat. 🙏❤️😊 Palit ka ng OB momsh!
Sis paying na client ka and ikaw ang masusunod. Ako di naman ako naganyan ng ob ko pero i had 3 obs. 1 each trimester. I changed ob kasi di ako satisfied sa work nila. Unang ob ko although may edad na siya at siya ang nag paanak sakin heheh magaling talaga siya kaso 1st time mo ko at 31 years old and sa sobrang galing ni doc 50 patient a day siya and isang tinginan nya lang alam nya na ang diagnosis at nag rereseta na agad ni rapport and assessment wala na masyado at sa 4 hours namin ang antay 3 mins lang kme na consult. Yung 2nd ob naman super galing din the problem is super taas ng pf nya and conflict sa schedule namin and lastly finally we found the right ob for me tama lang sa pf and sa time schedule sa clinic hours. Sis you dont deserve that! Lalo na now buntis ka and emotionally unstable tayo minsan. Naku pwede mong ireport yan sa PRC for misconduct. Wahhh umalis ka na sa ob mo sis madaming mas accomodating and mabait na ob! Wag mong istress yang unprofessional na ob mo and all the best
Barahin mo sis! Ung nag ultrasound sakin dati sobrang pikon ko. 5 or 6mos na ata ako nun need ko mag paultrasound para malaman gender ni baby. Humiga na ko tapos may nakitang syang tattoo sa may puson ko, parang bigla syang nandiri, tapos biglang daldal ng daldal habang ginagawa nya procedure, may kausap syang nurse. Alam mo ung parang walang nakahigang tao sa harap nya. Tapos bigla ba naman pinasok sakin ung pang trans V. Dapat ung sa may tyan lang eh. Tapos sabay sabi ay mali sorry. Sabay sabi ko daldal kasi ng daldal eh.. Nung natapos na bigla syang bumait. Kasama ko mama ko nun, sabi nya ang ganda po ng anak nyo 😂. maganda sabunutan? 😂 pero kidding aside, ung mismong OB ko sobrang bait as in. Sis, pag nakaramdam ka na ng pambabastos o foul words, wag kang tatahimik. Sagutin mo din. Kahit sino pa yan. Walang doctor doctor sakin pag bastos ka sakin, bastos din ako sayo
Npkademeaning nmn ng mga salita ng tao n yan ... Wla xang krapatan mging doktor kng gnyan xa dhil ang ob hindi lng physical health ang tnitgnan pti emotional and mental health ... Pno kng ung nging patient nya may depression tpos ngpkamatay pwd dn b xa ptayin ? Jusme kmi ng asawa ko d dn kmi kasal unang una pra samin gastos lng pngalawa papel lng yan ... Mrmi jan ksal nga pero nghihiwalay p din ... Anong krapatan nya pra idemean ung opinion ng ibng tao ... Nkakahiya nmn xa ... Naturingang profesional ... Kng aq sau lumipat k n ng ob kz ngkakadepression k lng s knya ... And hnd mgnda s health un ... Khit anong klase k p ng tao wla xang pkialam dun dhil pgkatao mo yan hnd nmn s knya ... Kng aq yan cnuntok ko n yan ... May ob nga n ngtaray lng sakin judgemental nilayasan ko nga ... Haiz hindi tao twag jan ... Haiz
Ganyan din aq b4 nun last year na nakunan aq sis..sa lying in lng aq nagpapatingin nun..nagulata aq kc pang 4th baby q na at dun lng aq nakarinig ng tinatanong pa back ground ng family nyo pati aswa q ano dw trabaho at aq ano ginagawa q sa buhay at bkit dw nag anak pa kmi eh malalaki na dw mga anak nmin..tas naungkat pa na hiwalay kc aq b4 sa unang aswa q sbi nun dra.sna dw eh nakipaghiwalay dw aq ng legal..sa isip q hanep din nman to check up sa buntis ipinunta q prang nagisa aq sa senado..wag mo na pansin yan sis..o kaya palit ka na lng ng ibang OB mo madami pa nman jan mababait pa..wag ka pastress sknya..kaya ngayn aq buntis na ulit hnd na q sknya bumalik sa iba na aq nagpapatingin ngyn..God bless sis cheer up wag ka umiyal dhil sknya..
Nakakagigil naman yang OB mo sis! Bakit ang tabil ng bunganga? Ako nga din hindi pa kasal at sobrang laki ng age gap namin ng jowa ko para lang kami magkapatid kase nasa early 20's palang ako. Pero kahit anong judgement wala akong narinig sa ob ko, saka pagpasok ko palang ng clinic nya kinakamusta nya na ako agad wag daw ako mahihiya sakanya kung may nararamdaman ako kahit minor pain lang saka lagi nya ako nireremind na malakas si baby at kumain ako kung anong gusto ko dahil magtutulungan kaming dalawa para mailabas ng maayos si baby. Isa lang ang lagi nya nireremind sakin, wag ko himasin tummy ko baka mag early labor lang ako. Dapat mommy lumipat kana, dalawa kayo ng baby mo ang dapat inaalagaan nya pero bakir ganyan sya.
Ganyan din yung OB dun sa ospital kung san ako unang nag pa checkup.. Kung makapag sigaw akala mo sya nagpapakain sayo. Naguusap kasi kami tapos shempre naka mask sya tapos naka face shield pa. pero may harang naman kung san kami naguusap. Bukod sa hindi kona nga madinig, hindi kopa maintindihan. Kaya ano ako ng ano tapos lumapit lang ako dun sa nakaharang kasi wala talaga akong madinig at maintindihan. Sumigaw ba naman sabi "Wag kang lumapit mam sumandal kalang dyan sa upoan mo, alam mo.naman social distancing dba" dinalang ako sumagot pero isip ko nun "aba kung ayaw mong lumapit ako paki ayos ng inaadvice mo sakin.. ang lakas lakas mo sumigaw tapos pag inaadvice moko napaka hina." nakakawalang gana lang...
Sis sino ba ob nayan? May kakilala akong ganyan magsalita sobra magsalita kaya lumipat ako,sa Cabanatuan ba yan si dr.romero bayan? Ganyan din sinabi nya sa akin kesyo madumi daw ako dahil dpa kasal nagpabuntis na makasalanan daw tapos binawal din ko kumain ng karne nabubulok na daw ako,sinisigaw pa nya ,ganyan ba daw ako pinalaki ng magulang ko sobra akong nanlulumo nung time na iyon naiiyak talaga ako nun,paguwi ko ng bahay iyak ako ng iyak naisip kopa tuloy ipalaglag baby ko sa mga sinabi nya na madumi daw ako at makasalanan,pero dko sya pinakinggan at mahal ko baby ko,ni dko napagtanggol sarili ko,sana nga d nalang ako nagbayad at umalis nalang ako ,parang nagbayad ka para sabihan ng ganun!
Hindi tama yan sis... Yun lang sabihin nya na "tanga ka tlga" nakaka offend na yun,, yun pa kayang sabihin nya na "tingnan natin kung buhay pa yung baby sa tyan mo " that's so mean.. Kung ako yan baka nasampal ko yang ob mo.. She supposed to help you and guide you through out your pregnancy hindi yung stressin ka.. Besides hindi na nya sakop ang personal life mo eh ano kung nabuntis ka ng hindi kasal.. Hind ka nman nanghingi sa knya ng pang gastos mo. Pasalamat pa nga sya at every prenatal check up nagkaka professional fee sya... If I were you magpapalit na ako ob, Hindi ka nya inaalala dagdag stress lang sya sa buhay mo
LUHHH WHAT KIND OF OBGYNE IS THAT??? naturingang OB pero walang manners wtf... ako nga nabuntis ng maaga pero never ako nakarinig ng ganyan sa naging OB ko, sa first baby ko at ngayon sa second baby ko (dipa nalabas) grabe ang tabil ng bunganga nyan ah feeling perfect doc??? makapagsabi ng ang dumi dumi. so fucking what naman??? ano pakealam mo sa buhay ng patient mo?? obgyne ang role mo sa patient mo hindi mo role manghimasok sa buhay nya!!! Sorry for the bad words im just reallt angry rn. Mommy mag change kana ng OB mo!! binabayaran mo sya for chec up tas sasabihan ka ng ganyan?? NO NO NO
Jomej