Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
PCOS warrior. Soon to be mom.
SUGAR CONTENT
Just sharing.
Holiday Feast
Merry Christmas nalang sa mga mommies na katulad kong may GDM. Hanggang tingin nalang sa noche buena ? Tiis tiis para kay baby. Dami pa namang fruit salad at cake sa ref ? Samahan mopa ng mga kakanin at glazed ham.
No to cravings @35 weeks
Share kolang mga mommy. Ang paglilihi pala bumabalik yan at a certain time. Yung unang paglilihi ko was at my 4th month. Tapos saglit lang. Naglihi ako sa siopao, beef, at pork bbq. Di ako makapaniwala na at 35weeks babalik yung cravings pero this time dark chocolate at chocolate cake / butternut donut ang gustong gusto ko na diko talaga kinakain nung dipa ako buntis. Di talaga ako mahilig sa chocolate. Basta lahat ng cravings ko e mga favorite food ni husband. Isama mopa burgers at fries. So ayun kitang kita sa ultrasound yung epekto kay baby. 2600gms na sya ngayon which is on the heavy side daw. pasok pa naman daw sya sa weight for his age pero may kabigatan na nga. Dapat daw ang weight gain ng baby ay nasa 35gms per day. Si baby ko pumapalo ng 40gms per day. So balik diet ulit. Sabi ko kay baby sorry di ko sya mapapakain ng chocolates. Feeling ko naman nalungkot sya. Kase ako naiiyak e kailangan kolang magtiis para kay baby at para na rin iwas CS at mapababa BP ko. Yun lang thanks for reading. Sana may natutunan kayo.
Allergicrhinitis
Mga mommy sino po sa inyo ang may allergic rhinitis ? Si baby nyo ba same din na may allergy paglabas nya? Nag woworry ako sa baby ko sana di nya mahawa yung sakit ko.
Ihi ng ihi
Namomroblema ako sa frequency ng pag ihi ko. Tips naman jan paano kayo nakaka byahe ng maayos kung every 30 mins nalang ata e naiihi kayo? Pansin kolang nung nag 8mos tyan ko ganun na kadalas yung pag ihi ko. Balak kona sana magsuot ng diaper nito.
Pregnancy weight
Ilang kilo kayo bago magbuntis at ilang kilo kayo during /after pregnancy? 72 kilos ako before mabuntis e. 30weeks na ako ngayon and currently at 75kilos.
Baby-Daddy Interaction
Yung baby ko parang ninja na sa sobrang likot sa tummy ko. Na eexcite ako ipahawak sa asawa ko kapag hinahalukay ni baby yung tyan ko. Kaso pag hinahawakan na sya ng asawa ko tumitigil sya sa paggalaw. Tapos maglilikot na naman kapag inalis ng asawa ko yung kamay nya. Bakit kaya ganun haha Pag ako naman humahawak sa tyan ko lalong malikot si baby.
Cramps
Kaka 7mos ko lang today and first time ko na experience yung leg cramps nung nagising ako this morning. Pati yung labia/vagina ko parang nag cramps na mejo masakit na manhid diko ma explain. Normal po kaya to?
Just sharing my OGTT experience
Share ko lang. Dati nagpa OGTT ako sa isang hospital pinagdala ako ng malaking tumbler,dextrose powder, kalamansi at halos 500ml na tubig. Sa sobrang dami ng iinumin halos isuka kona. Yung mga kasabayan kong buntis dati naisuka nila yung ininom nila sa sobrang tamis at sa sobrang dami na rin. So kailangan nilang pa resched at umulit. Then today nagpa OGTT ako sa laboratory na malapit sa amin, at ganito lang kaliit ang pinainom pero same amount ng glucose. Natuwa lang ako kase lasang orange na konti pa. Pwede naman palang ganito lang kaliit. Di lang ako maka get over sa 500ml na tubig with kalamansi flavored glucose na ininom ko sa ospital dati.
Disappointed sa Gender???
Pansin ko lang po bakit andami kong nababasa na disappointed pag baby girl ang lumalabas sa ultrasound??? What are the cons ba kung maging babae anak nyo? Just asking ???