Privacy

kailangan bang may privacy ang mister nyo? Like, nagagalit asawa ko kapag naoopen ko messenger nya, wala daw syang privacy! Agree po ba kayo mga momsh?? Lagi ko kasi syang nahuhuli magsinungaling sakin noon pa. Hindi siya marunong magsabi or magpaalam. Kung hindi ko pa mahuhuli, hindi sya magsasabi. Tapos nagbubura ng convo. Kabit ako pero not literally na inagaw/ karelasyon ko sya habang sila pa nung asawa nya. Yung asawa nya ang nagloko at iniwan siya. masama loob ko kpag makikipag kita/inuman siya sa bilas nya, mag delete convo ng gc kasama hipag, makikita ko kase magsesend ng pic nya with his ex wife. Nasasaktan ako, andmi ko kasing what ifs! kaya nagagalit sya, wla dw aq tiwala, natatakot lang aq?

65 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

PRIVACY VS SECRETCY. privacu, alam niyo lahat ng password ng isat isa pero hindi niyo binubuksan dahil tiwala kayo. secrecy, bawal lahat, dadramahan kang walang tiwala etc etc. sabi mo kabet ka, sa oaraang kasal sila ng ex wife niya at naunang magloko yung babae. My question is, INALAM O ALAM MO BA KUNG BAKIT NAGLOKO ANG EXWIFE NIYA. at kung ang isasagot mo/niya ay dahil sa ganiyang ugali niya, GIRL, IWAN MO NA.

Magbasa pa
VIP Member

Una inaccept mo yung gnyang sitwasyon kaya wag mo syang bakuran sa laaht ng gagawin nya , masasakal Lang sya hayaan mo Lang sya kase lalo Lang sya mag tatago kapag lage mo sya hinahanapan ng mali . Ipakita mo na may tiwala ka sknya . Bgyan mo din sya ng privacy kung yun gusto nya . Gnyan din ako may una syang pamilya pero never ko pinakealaman phone nya . Hinahayaan ko sya . Dahil sya Lang lalayo ang loob pag lage mo binantayan

Magbasa pa
VIP Member

Karamihan sa lalaki gsto ng privacy tlga d pa kc kau kasal ata ay ikaw na ngsabi kabit ka at may asawa sya cgro skin hahayaan q nlng sya bgyan mo sya ng time pra sa srili nya kc lalo mo sya snsakal lalo sya ngpupumiglas at tama cla asawa nya niloko nya ikaw pa kaya hayyy hirap ng buhay kapag ganyan napasok ntin wala taung gagawin kundi tanggapin at magbulag bulagan nlang pray nlang at maging maintindhin po👍🏻

Magbasa pa

Saamin walang privacy, transparent kami sa isa’t-isa. Fb, messenger, bank accounts, text messages/calls, sweldo, emails at phone may access kami. 😅 Iwan ko lang, baka may tinatago kaya nagagalit. Ba’t naman siya magagalit diba kung wala siyang tinatago? Atsaka ubod naman pala ng sinungaling partner mo kaya understandable kung bakit gusto niyang may privacy. 🙄

Magbasa pa

Wala na yan privacy na yan. Asawa ko nga minsan magtatanong sakin. May nagchat ba sakin? Ano napag usapan sa gc? Eto matindi. Dadalawin mo naman kasi cp ko lalo na sa mga massage minsan kasi tinatamad na ko mag open baka mamaya importante pala hindi ko pa nababasa. Ayan kaya ngayon mahawakan ko cp nya matic sa massage ako agad pupunta next sa gallery hahahha

Magbasa pa

Di uso privacy samin ng hubby ko hahahaha. One day nga pag may time gawa nalang kami isang account kasi inoopen niya account ko at account niya ganun din ako. Kapagod mag open ng dalawang account kaya gawa nalang kami isa hehe di na man kailangan privacy sa mag asawa ah. Mas mabuti yung may iisang taong nakakaalam lahat sayo, at yung hubby natin yun or tayo.

Magbasa pa

Hays sis. Madaming lalaki sa mundo, wag na mag focus sa alam mong sa huli lalo kang magsisi. Kumuha ka nalang ulit ng walang sabit. Pero feel kita kahit di ako kabit, nahuli ko din partner ko nakikipag balikan sa ex nya kahit may asawa na e. 🤣 Simula nun, dko na hiningi mga password nya saksak nya sa baga nya, karma nalang ang bahala sa kanya.

Magbasa pa

kung walang itinatago di na nya kailangan pa magalit sayo dahil sa messenger. open kayo dapat sa isat isa saka hindi ka naman masisisi kung ganyan ka sa kanya dahil sabi mo nagsisinungaling/naglilihim sya sayo dati. kung hindi pa sya maka getover sa ex nya, much better mag isip isip kana kase base sa post mo parang mas matimbang privacy nya kesa sayo

Magbasa pa

Para sa akin ok lng my privacy kc ako kc my tiwala sa asawa ko dko nbubuksan fb nya pero kht kailan d sya nambababae work lng at bahay tpos ml.un lng.tsaka umuuwi sya s tamang oras pgka gling s work.d rn sya nag iinom.tiwala lng tlga kc kng mambababae aswa mo kht alam m password ng fb nya kng tlgang lolokohin k nya mgloloko at mgloloko yan.

Magbasa pa

Takot ka lang sa sarili mong multo. Eh ano kung makipag usap xa sa ex wife nya. Balibaligtadin mo man ang mundo eh asawa nya un, dapat nga ikaw pa ang mahiya. Proud kpa na kabit ka ha. Kau ang dahilan kung bakit naccra ang Pamilya or hindi man ganun, kayo ang dahilan ku g bakit Di muli mabuo ang Pamilya. Tapos ngaun ikaw pa demanding. Wake up.

Magbasa pa