Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Queen of 1 fun loving prince
I cant help it
Dito na lang ako magtatanong, less judgement siguro. LOOCKED DOWN na metro manila starting March 15, kung halimbawa bang Clark Airport to Manila, magpapasok pa kaya sila?
Sundan?
Solusyon ba talagang bigyan ng kapatid o sundan ang 4 years old kong anak para mag matture siya? Makakatulong po ba talaga to sa kin kung kami mismong mag asawa e hindi pa ready?! #AngToxicNa
Ano na!
Wag kang ma STRESS dahil hindi lahat ng tao kagaya mong ABNORMAL ang tingin sa anak ko. Hindi lahat ng tao gaya mong PERFECTIONIST na kailangang masunod para magmukhang normal yang mga anak at pamilya mo. Mabuti pa ibang tao naiintindihan yung NORMAL sa bata ang magtalo o mag away. Mapagpatol ka masiyado. Anong gusto mong gawin ko sa anak ko? Bugbugin ko para sa ikakatiwa mo at para masabi kong dinisiplina ko siya?!
Saan ba lulugar?
Masama kaming ina kung magtrabaho kami para makapag provide din financially. Masamang asawa kami kung hindi namin matapos ang gawaing bahay dahil inasikaso ang anak. Masamang babae kami kung hindi namin maibigay ang pangangailangan ng asawa namin. Masamang ina kami kung malinis ang bahay pero inabutang madungis ang anak galing sa laro. Masama kaming asawa kung piliin naming maging independent at kumuha ng sarili naming source of income habang inaalagaan ang anak. Masamang babae kami kung magrereklamo kami, maglabas ng sama ng loob, at magpakita ng kahinaan. ILAW kami ng tahanan, HUWAG niyong hintaying mapundi kami.
Kahapon
Sobrang sama ng pakiramdam ko kaya pinabantay ko muna sa kapatid ko (11 yrs old) tong anak ko (4 yrs old) pero mga bandang hapon na din. Nakaidlip ako, at pag gising ko anak ko na lang magisa naglalaro sa sala. Itong kapatid ko pala nasa kapit-bahay kaya hindi niya nabantayan anak ko. So, kanina may lumapit sa king mama at sinabing itinumba daw ng anak ko yung dalawang motor na nakapark sa harap ng bahay ng tita ko. Bale bagong lipat sila sa katapat na bahay ng tita ko. Pinakita niya sa kin mga pictures nung motor at mga damages. May nakakita din daw sa anak kong itinulak yung motor. ANO DAPAT KONG GAWIN ? BABAYARAN KO BA YUNG DAMAGES? Habang kinakausap ako ng mama nandyan anak ko kaya tinanong ko si Redd, tumanghod lang then nag sorry. dun sa mama. so ako nagsorry na din. Pero aside from sorry ano pa pong pwede kong gawin? ??
RESETA
Please, sundin po natin ang reseta ng OB natin at wag matakot kung dapat bang inumin o hindi ang gamot. Iba iba po ng pangangailangan ng katawan, kalusugan mo at ng baby mo kaya ibaiba din ang ireresetA sayo kumpara sa iba ?♀
EARS
Saan o kanino po kaya pwede ipalinis ang tenga ng bata? natatakot po kasi akong kalikutin ang tenga ng anak ko. kaya labas lang nalilinis ko at madalas ayaw niyang magpalinis dahil sa kiliti.
PILLS
Nabanggit sa akin ng tita ko na may hindi magandang side effect sa kanya ang matagal na paggamit ng pills, osa na dito yung naging makakalimutin daw siya. Gaano po ba ka safe sa katawan natin ang pills bilang contraceptives?
Anonymous
Yung nag anonymous post ka tapos magrereply ka sa comment ng hindi. Sorry, natawa lang ako ??
Advance
Puro na Prom nakikita ko sa social media. Ako lang ba nakakapag imagine kung ano itsura ng anak ko sa future sa ganitong panahon. HAHAHA. Advance ko!