May karapatan ba si Misis magkaroon ng access sa mobile phone ni Mister?

Hi, mga mommy. Gusto ko lang malaman ang opinyon ng iba. Ang asawa ko kasi ay foreigner. Ngayon, may isa kaming anak. Gusto ko lang sanang malaman kung may karapatan ba ang babae or kahit sino sa relasyon sa access sa phone ng partner? Ang asawa ko kasi, tuwing gagamitin ko ang phone nya nagagalit sya. Wala na daw syang privacy. Pero for me kasi right ko yun. Ang sabi naman nya ay wala akong right. Nauubos na kasi ang tiwala ko sa kanya. Parang wala nang saysay lahat ng mga sinasabi nya. Help me naman mga momsh

41 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

actually wala sis.. privacy nga ii.. it depends nalang kung iaallow ng partner naten, pag hinde edi hinde respeto lang sa jung anong gusto nila.. dito lang namn talaga sa pinas ganyan na kelangan alam both sides ang password ng social account its just only means na hinde naten pinagkakatiwalaan ang isat isa.. Feeling ko nature na ng mga babae to na need ma scan ang fb ni mister😅 para nga naman panatag..Pero nakakahiya namn kasi makita ng partner naten na hinde namn nya inallow galawin ang phone tapos mag iinsist ka. . Kung may babae o mambabae man xa mararamdaman at malalaman mo naman un..

Magbasa pa
4y ago

Korek! Ako di ko alam password ng asawa ko. Pero never nman nya itinago or lagi bitbit ang cp. Naiiwan nya rin sa bahay. Mararamdaman mo nga yun pag may something at itinatago

Both kami may access. Naka log din accounts niya sa phone ko. Well dpende po siguro sa inyong dalawa. Ako kasi hinahayaan ko lang siya buksan yong mga accounts, i know naman na hnd siya duda more on mas maraming nakakatuwa sa accounts ko kaya mas gusto niyang tumambay don. Tambay din siya sa groupchat namin ng mga friends ko. Sinasabihan ko lang siya wag mag like and share, minsan kasi nalilimot niyang account ko yon tapos magkocomment. 😂

Magbasa pa

First,what is the main issue here?bakit ka nauubusan ng tiwala sa asawa mo? Dapat pinaguusapan nyo kung ano man gumugulo sa isip mo. Kasi pag hindi napaguusapan at hindi nalilinaw,hindi naaayos ang misunderstanding. Kadalasan,lumalaki pa. Usually,ayaw ng foreigners na hinahawakan ang phone nila. Hindi sila sanay sa ganun. Bukod pa dun,baka hindi din ganun ang ugali o nakasanayan ng asawa mo sa relationships. Kaya dapat mapagusapan nyo.

Magbasa pa

I think it has something to do with his culture (being a foreigner) his orientation and personal traits. Baka sa culture nila dapat may privacy ang husband or he may perceive it as a lack of trust if nag iintrude ka sa mga calls niya. If i were you, refrain from giving too much concern about his phone. Instead pray for him and ask God to protect your marriage. Cast all your worries to Him because He cares for you

Magbasa pa
4y ago

paka-religious mo magsalita, pero judgmental at epal ka naman

VIP Member

Isa sa pinakaimportanteng kelangan ng mag asawa yung trust po. Pagpinapakealaman naten yung phone ng partner naten meaning wala tayong tiwala momsh. At kadalasan away yung kasunod may makita lng tayong kahinahinala o di naten nagustuhan. Kaya kahit alam ko password nya at wala syang problema kahit magbasa ko ng mga messages nya,di ko na lang ginagawa para iwas away iwas stress.

Magbasa pa

For me dapat hindi siya nagagalit, mag asawa nman kayo it means dapat walang lihiman. Kame kase ng hubby ko palitan ng phone minsan pag lobat siya at need niya na umalis. D na kmi nagsiswitch ng fb account, pag umlis siya dala phone ko acc. Ko na yun na ginagamit niya sa work pag my need siya icontact. Pro depende nman sa ugali ng tao yan lalo pa at foreigner ang asawa mo.

Magbasa pa

kami Naman Po both Alam Ang pword ng phone.. anytime pwede mabuksan. pero Po Hindi naming ugali Yung kukunin Yung phone at bubulatlatin any messages.. respeto lang namin sa isat Isa ba .. Yun Lang Kung inutusan ko o sya na paki tingnan Naman Kung sino nag message.. ganun kami Po .. madalas Ang phone ng partner ko nasa Mesa Lang ,pero dko pinapakialaman Ng d nya Alam.. 😊

Magbasa pa
VIP Member

di naman po cguro kayo maghihinala ng gnyan mommy kung wala pong gnagawa hubby nyo sa inyo tama po? magusap po kayo mommy kasal naman po ata kayo. kung meron pong gnawa c hubby sa inyo na against the law pwede nyo po sya ireklamo. e kung wala naman po panindgan nyo po at ipaglaban kung ano man po ang sumpaan nyo sa isat isa .. goodluck mommy . pray ka lng.

Magbasa pa

May access ka o wala mamsh kapag magloloko sya e magloloko sya .. wala ka magagawa kundi magtiwala .. if ever may mali syang ginagawa mafifeel mo yun .. at malalaman mo din yun eventually .. pero kung wala naman sya tinatago kahit pa gamitin mo phone nya e wala dapat problema sa kanya. Kaw na po magdedecide nyan mamsh.

Magbasa pa

Both din kami sa asawa ko.. Pero never ako sinbhan niya na wag galawin ang access niya. Kaya nga Hindi ako Mawawala ang pagtititwala ko sa Kanya at never din kami nag away Dahil Lang sa access na yan.. Teh ako PA sayo hayaan mo nalang eh Malalaman mo din yan eh Sana bandang Huli teh