Privacy

kailangan bang may privacy ang mister nyo? Like, nagagalit asawa ko kapag naoopen ko messenger nya, wala daw syang privacy! Agree po ba kayo mga momsh?? Lagi ko kasi syang nahuhuli magsinungaling sakin noon pa. Hindi siya marunong magsabi or magpaalam. Kung hindi ko pa mahuhuli, hindi sya magsasabi. Tapos nagbubura ng convo. Kabit ako pero not literally na inagaw/ karelasyon ko sya habang sila pa nung asawa nya. Yung asawa nya ang nagloko at iniwan siya. masama loob ko kpag makikipag kita/inuman siya sa bilas nya, mag delete convo ng gc kasama hipag, makikita ko kase magsesend ng pic nya with his ex wife. Nasasaktan ako, andmi ko kasing what ifs! kaya nagagalit sya, wla dw aq tiwala, natatakot lang aq?

65 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Halata naman na may tinatago sya sayo. Tska bakit kailangan pa mag send ng pic ang ex wife nya kung totally wla n cla? Dpat nga una pa lng wla kna tiwala kasi ginagago ka na lang nyan. Saken kahit pareho kami may fb ng mister ko alm nmin parehas pw ng bawat isa. Kalokohan yung privacy sa mag asawa. Partner kayo kya dapat wlng lihiman.

Magbasa pa
VIP Member

ako momsh alam q.lahat. parehong nka online messenged namin s mga cp namin. nung una binubuksan q messages nia. ngaun dn, wala aq napapala eh, wala aq mahanap n pdeng dahilan ng away. isa lng naman karibal q, ung ML , dapat kc dq n pinakilala c ML para aq lang naglalaro .. hahaha

VIP Member

Ako naoopen ko account ng jowa ko, pero yung account ko di namn nya pinapakialam kahit alam nya password. Ako lang namn kasi walang tiwala samin at paranoid. Natural lang namn kasi talaga yun lalo na sa babae. Sabihin mo sa kanya kung wala syang tinatago bakit ayaw nya ibigay.

Mahirap ung ganyan sis posibleng may nililihim sya.. kung gusto nya mawala duda mo mainam maging open sya sayo mainam kausapin mo sya ng masinsinan sis para lam nya nararamdaman mo.. se baka sinabi lang nya na nagloko ex nya nun un pala babaero tlg sya d mo naman alam db

for me hindi ako agree sa privacy,nag share na nga kayo ng private parts eh.anong privacy pa.😅 guilty yang asawa mo kaya iniinsist ang privacy kuno.Kausapin mo yan habang di pa malala, kunsensyahin mo para matigil sa kalokohan nya!mahirap sa nagbubuntis ang walang peace of mind.

5y ago

haha. panalo to. nga naman. 😊

Takot ka lang sis gawin sayo ginawa s kanya asawa nya hehe imagine alam mong sila pa pala pinatulan mo pano ka nman nakakasigurado n ang babae ang nagloko cyempre kwento ng lalaki yan hehe baka nagkatampuhan lang pinatulan mo agad ayan takot ka tuloy just saying

hindi yan magagalit kung walang tinatago asawa kanaman nya kaya may karapatan ka pero like wag ka lang sis din paranoid minsan if sakaling may mabasa ka confront him in a nice way pero kung alam mong may something dun ang umpisa ng world war 3 just kidding

5y ago

Hndi sya tunay na asawa. Kabit lng dw sya

What goes around comes around. Nakipag relasyon ka sa kanya habang sila pa ng asawa niya. Nakuha nga niyang lokohin yung legal na asawa how much more ikaw na kabit lang? Wala kang pinanghahawakan. Know your worth. Don't settle for less.

5y ago

Hindi Niya inagaw pero karelasyon n siya bago p magloko ung babae. Meaning nauna magloko ung lalaki 😅

Di uso samin ni hubby privacy lahat ng acct. Ko open sa phone nya at ganun din ako.sya mismo ayaw ng di nya alam ang password ng social media acct ko. Pati mga messages sa phone ko chinicheck nya madalas at ako din ganun pag walang tinatago 😊

TapFluencer

Depende sa privacy, may iba kesyo privacy pero may nililihim pala, ano yon? Kami ng partner ko di uso yun, higit pa sa mag asawa ang turingan namin, mas maganda alam namin lahat kahit ano pa, para napag uusapan at napagtutulungan..