My experience as a working student and a mum 🥹

Hello, Ito ang experience ko bilang isang working student na nanay Sa umaga gigising ako ng 4am swerte na yun kung nakatulog ako ng kaunti dahil 1 month old pa lang si baby minsan walang sleep. By that time mag hahanda at plantsa na ako ng damit ng partner ko at mag luluto minsan o kaya bibili aa labas ng almusal. Matatapos ako ng pag asikaso sa kanya siguro 7am or 7:30am dahil sa sobrang dami nyang utos minsan ayaw nya pa yung inihanda kong damit kaya ulit na naman sa simula. Ultimo cotton buds na abot kamay na lang nya at cream ako pa mag papahid sa paa nya. 7:30 to 8:30 mag start na ako nyan kumilos sa bahay para bago umalis ay ok na ang lahat, kahit na andito ang mama ko sa bahay namin ay ayaw ko syang pagudin dahil tinutulungan nya ako kay baby sa pag bantay pag may pasok ako. By 9am nakaalis na ako papasok na sa school. Madami akong naiiwang kung ano anong gamit ko dahil aa dami kong iniisip. 4th year college na nga pala ako at OJT na pag lunch break dun ako nag nanakaw ng tulog di na ako kumakain aa bahay na lang para tipid kasi lagi nag hahanap ng sukli ung partner ko sa baon ko di nya alam na ang mahal ng pamasahe. Sa School dun na din ako nag wowork check check ng email sabay na, ang sweldo ko ay pambayad ng bills at rent sa house all in walang tira hehe. Pag uwi ko ng bahay iisip na ako nyan ng ulam aasikasuhin ko na ulit ang bahay nakakauwi ako mga 3 or 4 padating na si partner nyan dapat nakahanda na din ang mga damit nya at nakahain na pag kain nya by that time. Pag dating ng 5 ako na nag aalaga kay baby tapos andami pa din utos ng partner ko hanggang sa makatulog na sya. Ako gising pa din hanggang umaga. Minsan 2 hours lang sleep ko kaya akoy dinadala sa clinic palagi pag ojt kasi madalas parang nahihilo na ako sa pagod at puyat. Hindi ako nag rereklamo mahal ko kasi sila, 1 week pa lang yata after ng manganak ako CS pa yun ay ganito na ako kumilos na ako agad. Minsan nakakaiyak dahil sa pagod pero ganun siguro talaga. Pahingi na lang ng prayers na sana makagraduate na ako 😊 mababa kasi tingin ko sa sarili ko kahit dami kong sakripisyo. Ayun lang ❤️

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. I myself is contemplating on studying again with different course, kaya binasa ko itong post mo hoping na may male-learn ako about how to juggle school and motherhood. Pero walangjo! Hindi ako natuwa sa nabasa ko, na-trigger lang ako sa situation mo. I will assume na hindi pa kayo kasal since partner ang tawag mo at hindi husband. Yung ugali ng 'partner' mo, hindi yun "ganon siguro talaga". Hindi mo nga siya matatawag na partner dahil hindi naman siya tumutulong sayo, mukhang AMO mo siya na pinagsisilbihan palagi, napaka spoiled, dinaig pa newborn niyo sa sobrang pagka-alagain. Kuripot pa. Mahal mo, pero sa ginagawa sayo hindi ko nakikita pagmamahal niya para sayo. Tapos hindi mo pa makita selfworth mo. Husband ko, may mga time na siya na nag-aasikaso sa sarili niya at samin before siya pumasok sa work. Pagkagaling ng work, maliligo magbibihis, may time magsasaing na yan ng kanin kapag hindi pa ako nakapagsaing, maghuhugas siya ng plato, siya rin nag-iinit ng tubig at nagpapaligo sa anak namin. Kapag tulog na anak namin or sinabi kong wala na akong kailngan kaya ko na magisa, saka siya magbibigay ng time sa sarili niya para mage-exercise. Hindi niya ina-asa sakin ang gawaing bahay, dahil naiintindihan niya na hindi natatapos ang role niya sa pagiging provider, alam niya ang role niya sa loob ng bahay as a husband and father, YUN ANG TUNAY NA PARTNER. Aalagaan niyo ang isa't isa hanggang sa pagtanda. Kung hindi mo nakikita mga kamalian niya ngayon, at sarili mong worth, sinasabi ko sayo darating ang time madi-drain ka at mafi-feel mong taken for granted ka sa lahat ng mga ginawa mo. Nakakawala ng love ang pagiging drain.

Magbasa pa