My experience as a working student and a mum 🥹

Hello, Ito ang experience ko bilang isang working student na nanay Sa umaga gigising ako ng 4am swerte na yun kung nakatulog ako ng kaunti dahil 1 month old pa lang si baby minsan walang sleep. By that time mag hahanda at plantsa na ako ng damit ng partner ko at mag luluto minsan o kaya bibili aa labas ng almusal. Matatapos ako ng pag asikaso sa kanya siguro 7am or 7:30am dahil sa sobrang dami nyang utos minsan ayaw nya pa yung inihanda kong damit kaya ulit na naman sa simula. Ultimo cotton buds na abot kamay na lang nya at cream ako pa mag papahid sa paa nya. 7:30 to 8:30 mag start na ako nyan kumilos sa bahay para bago umalis ay ok na ang lahat, kahit na andito ang mama ko sa bahay namin ay ayaw ko syang pagudin dahil tinutulungan nya ako kay baby sa pag bantay pag may pasok ako. By 9am nakaalis na ako papasok na sa school. Madami akong naiiwang kung ano anong gamit ko dahil aa dami kong iniisip. 4th year college na nga pala ako at OJT na pag lunch break dun ako nag nanakaw ng tulog di na ako kumakain aa bahay na lang para tipid kasi lagi nag hahanap ng sukli ung partner ko sa baon ko di nya alam na ang mahal ng pamasahe. Sa School dun na din ako nag wowork check check ng email sabay na, ang sweldo ko ay pambayad ng bills at rent sa house all in walang tira hehe. Pag uwi ko ng bahay iisip na ako nyan ng ulam aasikasuhin ko na ulit ang bahay nakakauwi ako mga 3 or 4 padating na si partner nyan dapat nakahanda na din ang mga damit nya at nakahain na pag kain nya by that time. Pag dating ng 5 ako na nag aalaga kay baby tapos andami pa din utos ng partner ko hanggang sa makatulog na sya. Ako gising pa din hanggang umaga. Minsan 2 hours lang sleep ko kaya akoy dinadala sa clinic palagi pag ojt kasi madalas parang nahihilo na ako sa pagod at puyat. Hindi ako nag rereklamo mahal ko kasi sila, 1 week pa lang yata after ng manganak ako CS pa yun ay ganito na ako kumilos na ako agad. Minsan nakakaiyak dahil sa pagod pero ganun siguro talaga. Pahingi na lang ng prayers na sana makagraduate na ako 😊 mababa kasi tingin ko sa sarili ko kahit dami kong sakripisyo. Ayun lang ❤️

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Dapat tulungan kayo ng partner mo bakit siya aasikasuhin mo padin eh may baby kayo imbis na tulungan ka sa baby mo eh pati siya dagdag pa. Mahalin mo din sarili mo pag tinolerate mo ganyan gawain ng asawa mo ikaw din magihirapan in the future advice lang naman saken sana wag mo masamain

Kaya minsan prang ayaw ko talaga mag asawa or mag ka partner feeling kasi ng mga lalaki na yan katulong tayo. Hindi naman lahat pero dami ko nakita na ganyan. Swerte nalang talaga kung aalagaan ka at mamahalin. Know your worth po don't settle and Love yourself and your baby. 🤗

Cs ka pa mn din, ako nga hindi pinaglaba ni hubby hanggang nag 3 months yung baby namin. Kuripot pa sya atsaka ginagawa kang katulong. Dapat tulong tulong kayo, no gender roles. Hindi kaya madali yang ginagawa mo

TapFluencer

nakakabilib ka sis saludo ako sau sa partner mo hindi. Mahal ko siya pero sana magising ka na YAYA ang kailangan nya hindi asawa. Kakaiba din partner mo, nakakaimbyerna hahahaha

be strong mommy! nakakapagod naman. sana maging understanding naman yang partner mo. di bale may mama ka namang sumusuporta sayo.

hello, kaya mo yan. also, isa rin akomg 4th yr college, ojt na rin, may 2 kids and currently buntis ulit. makakaraos din tayo!!

thumbs up sayo mi pero hindi sa jowa mo 😒😒😒