KINDERGARTEN
Hi mommies! Need your advice. Working po kami ni partner pareho, minsan nakakauwi si partner ng 8-9pm pag weekdays 11-12 pag weekends, pero ako madalas 11-12 ang uwi. Since laging closing ang shift ko. I have 5 years old son na mag-start na mag school sa monday, 6:30-9:00 am yung pasok nya. Pinili ko yung ganitong oras para maihatid at maasikaso ko sya pag pasok sa school. Ang problem is, iniiwan lang namin si lo sa lola nya kapag papasok na kami, after work ay susunduin sya dun. Walking distance lang naman mula sa bahay namin. Nasanay na din si lo na hintayin yung pag-uwi namin, eh gabi na kami nakakauwi. Kaya madalas nakakatulog si lo mga 12am kasi sumasabay din sa pag tulog namin. Minsan umaabot ng 1am(which is alam ko na very wrong po ito) tapos ang gising nya nun ay 9 or 10 am na. Kailangan na mabago yung body clock nya since papasok na sya ng monday. Pero hindi ko alam paanong sistema gagawin namin, kapag nag 9am naman sya ng pasok ay ganun din, mahihirapan akong gisingin sya tsaka hindi ko na din sya maaasikaso kasi minsan pumapasok din ako ng 8:30. Ang hirap ng ganitong sitwasyon, gusto ko maging hands on habang pumapasok sya sa school at ako naman ay nag wowork. Willing din akong i-sacrifice yung tulog ko basta maaasikaso ko lang sya pag papasok na sya. I don't mind the puyat as long as ako ang mag aasikaso sakanya. Kindergarten kasi sya and first time nya mag school kaya gusto ko sana sya matutukan this school year kahit nag wowork ako.