My parents

Im a teenage mom at 19. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa magulang ko yung sitwasyon ko ngayon, malaki na din kasi yung tiyan ko. But still, hindi ko padin sinasabi sakanila yung totoo dahil sa sobrang takot ko sa kanila, at naaawa ako sa magulang ko. Gabi gabi akong umiiyak dahil unti unti akong nawawalan ng pag asa at dahil hindi ko na na alam ang gagawin. Nagsusuffer na din ako sa depression, ilang beses kong sinubukang magsabi pero sa tuwing kaharap ko na sila pinangungunahan ako ng sobrang takot. Sobrang hirap..

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi! I'm in the same situation as you. I'm 11 weeks pregnant now. We're in the same boat nauuna ang takot lalo na sa dad ko na OFW. Sobrang strict sya ni di alam na may jowa ako for 5 years.. I'm also and immigrant in Canada aalis na dapat kami before June... Sobrang hirap din talaga but luckily sa family ng jowa ko sobrang welcome ako kaya nawawala takot ko... siguro sa pang 9 weeks ko sinabi ko sa mom ko kasi nappansin nya talaga na di ako nag memens and tumataba ako.. so nasabi ko na din nung tinanong nyako. She cried and I couldn't do anything. The next day umalis ako at nag stay sa jowa ko and the day after that, kinausap ng mama nya and mom ko... sa una di talaga tanggap.... at least kahit na dko pa nasasabi sa dad ko, gumaan loob ko nung nasabi ko na sa mama ko at sa isa kong kuya. For now, it remains a secret... wag ka papastress nakakasama daw yan. :) baby steps muna din tayo makakayanin natin to para kay baby πŸ’œπŸ˜„

Magbasa pa

Hi! Sa una mahirap dumaan din aq sa ganyan pero ito nlng ang isipin nyo. Parents nga e wla sila magagawa kundi tanggapin yan ksi anak ka nila. Yes sa una reaksyon magagalit natural lang nmn un kahit kau din nmn gawin din sa inyo yan ng anak nyo. But eventually ndi din kau matitiis kasi nga parents nyo nga un. Ganon lang ka simple. Kaya if I were u sabihin nyo na kasi mafefeel yan ng mother nyo at mas lalong magagalit sila pag sa iba nila nalaman. Trust me been there and done that.. God Bless and Good Luck!

Magbasa pa

Ok lng po yan. Huminga ka po ng malalim. Dumaan din po ako sa sitwasyon mo. Mahirap po tlgang sabihin pero trust me, sa una madami kang maririnig na masssakit na salita pero eventually matatanggap ka rin nila kase sila lang yung pamilya mo. At pag lumabas na baby mo, mawawala lahat ng sama ng loob. Tandaan mo. A baby is a blessing. Balang araw masasabi mo sa sarili mo na buti nalang ipinaglaban ko yung baby ko.

Magbasa pa
VIP Member

Sabhin mo n sis..for sure matatanggap nla yan.pra mawala n dn ung pangamba mo at makahinga kn ng maluwag.sa umpisa lng tlg mahirap pro worth it yan..go sis!.kaya mo yan..pray kaβ˜οΈπŸ’–πŸ˜Š

Wag ka matakot sis. Makakaapekto kay baby pag naistress ka. Life goes on, hindi pa huli ang lahat. Kaya mo yan sis isipin mo si baby. Para may suporta ka din.

5y ago

Kaya natin tuh sis. Sabihn m makakaluwag sa loob yan. Ako nga si mama ko kala ko papagalitan ako pro d pla walang magulang na magtatakwil sa anak.. binuhos k sama nang loob k iniyak s mama ko laht2x try m sis kaht sa mama mo lang kasi ina din sila at magiging ina kna din. Tayo magiging ina na.. mas mahirap sitwasyun k ngaun kasi ung nkabuntis s akin may asawa na di ko alm n mayrun pala..kaya sis d ka nagiisa laban lang😒😒

Hi sis, ako naman 18 years old di ko parin sinasabi pero matatanggap din naman nila to for sure.πŸ’“πŸ™πŸΌ Baby is a blessing.

Sabihin mo na. Im sure alam na din na yan lalo na mama mo. Nagchange shape ng katawan mo atleast sayo galing

Ako rin sis. 5 months na akong buntis and hindi ko pa din sinasabi sa parents ko. 18 pa lang akoz

Sinabi ko lang sa parents ko at 27 weeks. Wala na rin sila magawa haha.