Depression amd Anxiety

Hindi ko na po kaya yung bigat na nararamdaman ko wala po akong mapagsabihan gusto ko nalang mamatay mag 18 palang po ako and buntis ako panganay po ako and nag iisang babae hindi ko po alam kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko yung sitwasyon ko lagi din po akong stress dahil sa bf ko wala man lang akong makuhang support galing sakanya at sobrang sakit pa sa ulo di ko na alam kung anong gagawin ko?

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hello, share ko lang. Im 19 and currently 25 weeks preggy hehe. Ganyan na ganyan ako noon nung nalaman kong buntis ako. Nag iisa rin akong babae. And meron akong 3 kapatid na lalake. Second child ako. Sobrang nafifeel kita ngayon, takot na takot din ako ipaalam sa parents ko non so i decided na iopen muna sa pinsan ko. Makakuha lang ng suporta. Luckily tinanggap ako. Next step ko noon, sinabi ko sa kuya ko and tinanggap din. So nakakuha na ako ng suporta para sabihin sa parents ko. Ang laki ng expectation nila saakin kase kuya ko grumaduate ng my latin honor, so they wanted me to do the same but i failed them. It took me couple of months para masabi sa parents ko. At first galit sila. Yes, given na yon. Pero lilipas din yon. Ngayon masasabi kong okay na lahat ☺️ shinare ko yan para sabihin sayo na you'll get through this sis. Magpakatatag ka for your baby, wag ka masyado mastress ha? Step by step mong sabihin sa buong family mo. And always pray. Sobrang helpful niyan 🤗 you'll be fine sis, malalagpasan mo rin to tulad ko. Aryt? Blessings ang mga baby. I wish u all the best and I'll be praying for you and your baby as well.

Magbasa pa

Then that'z the tym na sabihin muna sa parents mo. Just pray para bigyan ka ng lakas ng loob magsabe. Sis nanggaling aq sa ganyan situation b4 kaya ko ito nasasabe. Simpleng logic lang: parents mo sila sa una natural magagalit sila but eventually matatanggap nila dahil ndi ka nila matitiis. Anak ka nila e. Kaw ba magiging soon to be mom ka, matitiis mba yang anak mo mkita mo sya nahihirapan? Ofcourse ndi magagalit ka sympre oag may ginawa syang mali pero ndi mo sya matitiis kht ano pa nagawa nya. Ganon ka simple. Lahat tau nagkakamali iba iba lang ng sitwasyon kya im 100% sure matatanggap din nila yan. Lalo na nid mo ng karamay ngayn since un bf mo mukhang wlang paninindigan. Hayaan muna sya may karma nmn e. Basta magsabe kna mas lalo sila magagalit pag sa iba nila nalaman yan. God Bless and Good Luck!

Magbasa pa
VIP Member

Payo ko sa iyo mommy to be.Ginawa mo yan panindigan mo.Hindi solusyon ang pag kamatay o pag papakamatay.Kahit pa sabihin natin na panganay ka at ka 18 mo lang at walang kwenta bf mo.Ang magulang magagalit talaga yan lalo pa at humaharap tayong lahat sa krisis pero maiintindihan ka din nila.Ako solong babae at ka 18 ko lang din noong mabuntis ako sobra din ako na takot nun.dumating sa point na pinag tapat ko sa aking ina.na payo ng aking ina dun muna ako sa tiyahin ko para kausapin daw muna nya ang aking ama at baka masaktan ako.Inisip ko noon hindi ako aalis.Ganun ginawa ko hindi ako umalis pero ang ama ko galit na galit.bandang huli natanggap din nya nung nag lilihe ako sya pa nabili ng gusto ko.Mag dasal ka rin palagi mommy to be may plano ang Panginoon.

Magbasa pa

Kung may tapang ka sumuway at d nag isip Kung ano mgging epekto nang mga ginagawa mo dapat may tapang k din harapin consequence ng actions mo. magagalit sila sayo of course pero nandyan na yan harapin mo na.. wla Po kming sinabi dto na siguradong Hindi mo na naisip.. ganyan Po tlga Ang eepkto pag sumusuway sa magulang nagging kumplikado and buhay.. pag sumuway ka din sa utos ni Lord magging kumplikado din buhay mo ngayon alam mo na na di lahat ng lalaki prince charming marami diyan umiiyot lang.. Godbless and have courage humingi ka tulong Kay Lord. And mag bago ka.. nag sisimula palang Yung buhay mo as batang ina.. marami k pang hirap n pag dadaanan pagabay ka ng maayos sa mga magulang mo at Hindi dpt puro emotions Ang umiiral dapt nag iisip din Po tayo..

Magbasa pa

Kaka 18 ko lang ng Feb and buntis ako ngayon, sobrang takot na takot akong sabihin sa parents ko tong sitwasyon ko lalo na’t panganay ako at mataas ang expectation nila sa akin dahil madalas akong nasa with honors. Hindi ko alam kung kailan ko to sasabihin, hindi pa ako nagpapa check up since then. Nung una hindi pa ako naniniwala sa sarili ko na buntis ako hanggang sa ngayong month may nararamdaman na akong gumagalaw sa tyan ko. Naka ilang PT na rin ako kung buntis ba talaga ako. Nag-kumpisal din ako sa pari at sinabi niya na wag ko ipapalaglag ang bata. Kaya ito, 5 months na, hindi pa gaano halata ang tyan ko kasi payat ako at matangkad. Sana tulungan tayo at wag tayong pabayaan ng Panginoon.

Magbasa pa
5y ago

Ilang months ka na diana?

Ang magulang magalit man yan sayo dahil nabuntis ka ng maaga mappatawad ka din niyan. Wag mo ng patagalin pa kasi mas masakit sa mga magulang yung pinagtataguan sila ng anak nila. Sa situation mo ngayon, unang makakaintindi at susuporta sayo is nanay mo din. Kung wala ka man makuhang suporta sa bf mo, for sure sa magulang mo meron. Wag ka masyado panghinaan ng loob. Yung iba dyan mas maaga pang nabubuntis at hirap na hirap pa sa buhay. Pero kinaya nila. Suicide+Abortion is never an option. Wag mo sayangin buhay mo dahil lang sa simpleng problema mo na yan. Baby is a blessings from God.

Magbasa pa

Pakatatag at pray ka lang sis. Ganyan din ako dati, pero natanggap pa rin nila ako kahit papaano. Better na sabihin mo na lang sakanila lalong lalo na't ganyan bf mo. Ako din naman nun hinayaan dn ng bf😅 D na rin makakain at d na alam kung anong uunahin dahil nagaaral pa. Kaka20 ko din at 7mos preggy na😊 Mas makakagaan if sabhn mo sa fam mo. Para din maipacheck up ka at maalagaan ka nila. D rin makakabuti kay baby ang stress. Given na ung pagagalitan ka, pero trust me. Magiging worth it lahat. May God bless you sis.

Magbasa pa
VIP Member

please huminahon ka. mag isip ka mabuti. makakasama yan sa sayo at baby mo sa tyan. lakasan m loob m, kausapin m bf mo ginawa nyo yan magkasama dapat kasama mo din xa harapin ang problema at mga pamilya nyo. Kaylangan sabihin m n yan sa magulang mo bago pa maging halata tyan m. need mo maalagaan at kumain ng masustansyang pagkain para sa baby m. I know sa una magagalit sila pero kalaunan makikita m matatanggap rin nila. pamilya m sila kahit ano po nagawa mo tatanggapin k nila. basta matoto ka humingi ng tawad.

Magbasa pa

Accept ur mistake. Take it as a blessing in disguise 😊 a baby is an angel. Nakaya ng iba kakayanin mo din. Meron nga iba jan mag isa lang sa buhay walang pamilya iniwan ng asawa. Kaya mo yan. Kayanin mo yan ☺😊 tyaka wag mo nga pinag iintindi yang jowa mo kung ayaw nya wag. Hindi lang anamn ikaw may ginawa sya ren kaya ka nasa ganyang sitwasyon sa ngayon focus muna sa sarili mo at sa baby ok? Tyaka na magfocus sa jowa kung ayaw nya sumustento pakulong mo

Magbasa pa
TapFluencer

You have to open first to your family. Sila yung may full support para sa pagiging mommy lalo na sa pagbubuntis mo. May ibang parents na sasama yung loob, normal lang yon. Nababago lahat pag nandyan na si baby ang apo nila. Di mo man makuha full support ng bf mo, at least sa pamilya mo nandyan. Mas mahirap pag dumating sa point na pipiliin mo si BF, tas buntis ka pa. Lalo ka lang masstress. Mas mainam ang pakikipagusap sa magulang lalo na sa nanay mo.

Magbasa pa