4 DAYS FTM CS

sobrang takot na takot akong hawakan newborn ko : ((((( any tips naman po diyan??? tuwing iiyak siya hindi ko alam gagawin. naaawa ako kasi 1st time namin pareho nitong LIP ko : ((((( naiiyak ako tuwing umiiyak siya awang-awa ako. gusto ko nalang kumuha mag-aalaga sa kanya.

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mi. Ok lang naman makaramdam ng gnyan. lahat ng ftm na di pa nakahwak ng baby sa mga relatives or friends gnyN tlga or khit nkhwak na kasi iba kapag anak mo na. hehe Just enjoy the experience. halo halo tlga. pero unti unti mgiging normal nalang din sayo. youtube mo lang ung iba kapag di ka sure tapos have a confidence sa gagawin mo like pagpapaligo, pagpapalit ng diaper, pagpapatulog, pagpapaburp at kung ano ano pa. Madami na tayo resources ngayon mi. kaya alam ko kayang kaya mo yan. no one will question naman sa mi except urself 😂.. confidence and patience lang mi. suportado ka naman ng lip mo eh tsaka siya din. discovery lang din sa inyo na part. Kaya yan , pero kung need mo tlga ng help , dont hesitate to ask sa relatives and accept minsan ung ituturo nila sayo pero ayempre nasa sayo padin kung susundin mo ung ibang zasabhin nila.

Magbasa pa

nang maging nanay ako sa first born ko wala din akong experience sa pag aalaga ng bata, maaga kaming nawalan ng nanay kaya wala din nagturo saakin kung paano at ano ang dapat at hindi dapat sa newborn ang alam ko lang noon gusto kong mapalaki ng maayos at busog sa pagmamahal ang anak ko kaya kahit walang guide bago pa man dumating ang anak ko nag reresearch na ako ng mga tamang pag aalaga ng bata nood sa youtube ng mga tips at download ng mga baby development tracker hindi naman natin kailangan sumuko agad pag wala tayong alam meron din tayong tinatawag na mother instinc para itong magic na binigay saating mga nanay na kahit first time mo maging nanay mararamdaman mo kung ano ang kailangan ng anak natin, iba iba ang bata at ang mahiwaga dun tayo lang mga nanay nila ang makakaramdam kung ano ang kailangan nila ☺️

Magbasa pa

I’m pretty sure a lot of us here also felt the same as a first time mom. Naalala ko nga nung iniabot saakin yung baby ko ng nurse, hiyang hiya pa ko kasi zero idea pa talaga ako paano humawak. Feeling ko na judge pa ko. Lels. Anyway my baby is going 1 month now and ang masasabi ko lang is, wala naman talagang libro pag dating sa motherhood. Every waking day na kasama mo yung baby mo, yung mom instinct, it’ll come naturally. Everyday is a new learning for you, your LIP and your baby. Don’t be stressed about it. Enjoyin mo lang. Goodluck mi!!

Magbasa pa

gnyn din ako nong una. My husband is away from us working. kya ako lng rin nag aalaga ky baby, naiiyak rin ako lalo breasfeeding nmin dhil d sya makalatch kya npagmix ko sya ng maaga. From check ups nmin kmi lng ni baby mgksama, lalo nong ngksakit pa sya. mhrap tlaga sa una. pero ngayin mlpit nko bmlik s work prng ayaw ko n umandar ang mga araw pra ako lng mag aalaga sa anak ko. Kaya mo yan Mi andyan partner mo mkktulong saiyo and pray ka.

Magbasa pa
2y ago

s26 gold po. mas mdmi nga lng intake nyang fm keysa bm ko.

Okay lang humingi ng tulong sa taong mapagkakatiwalaan mo at may alam sa pag aalaga ng bagong silang na bata. Baka makatulong na pakinggan ung mga gestures at tono nya. Makikilala mo rin ang kanyang mga iyak at galaw eventually. Makikilala ka rin nya ikaw na laging andyan sa tabi nya at maaalalayan mo siya tuwing kailangan nya ng tulong.

Magbasa pa

normal yan mi FTM din ako 25 years old though marunong ako mag karga kase may pamangkin din ako pero naging challenging saken mag paligo pero need ko i overcome ung fear kase diba kawawa naman si baby pag d ko pinaliguan . wala din parents na nag susupport samin now mag asawa . lakasan mo lang mi loob mo para sa baby mo :)

Magbasa pa

Mi, calm yourself po. Isipin na kaya mo yan at titigan lang lagi ang baby mo. It will come out naturally. Mom's instinct will work sa pag-aalaga kay newborn mo. Just give all the love u have for your lo. Rest when your tired, eat when hungry and ask for help pag di na kaya. You can do it. 🤗

VIP Member

Hi Mi, nakatulong sa akin yung book na "What to Expect the First Year" by Heidi Murkoff. Nakabili ako nun sa booksale. Yan yung naging guide ko noong nanganak ako sa panganay. Halos lahat ng tanong mo mababasa mo dyan...

Mas kawawa po ata kung kukuha agad kayo ng mag aalaga. Kaya nyo po yan mi marami po tayong dumaan sa ganyan. Mag pa guide ka po sa may experience na po. Eventually matututunan mo po yan.

isayaw nyo lang po pero mahina lang ganyan ang ginawa ko nong nanganak ang ate ko at huminto naman sa pag iyak, tas pinadede na ng ate ko, ngayon preggy ako alam ko na ang gagawin ko first time mom