DAPAT BA KONG MAGSELOS?

I'm 4 months preggy at di kami nagsasama ng bf ko . Malayo sya sakin. Tama ba na magselos ako sa babaeng lagi nyang nakakachat? Wala naman silang sweet convo pero gabi hanggang madaling araw ay magka-usap sila . May time pa di nya pinapansin yung chat ko kahit seen wala pero nakita ko kachat nya yung babae. Pinag awayan na namin yun ng linggo pero ngayon nakita ko kachat nanaman nya at tinatanong pa nya si Girl kung sino sino na naging ex. Oo wala silang sweet convo pero feel ko na type nya yun kasi dun din kami nagsimula tsaka kung di sya interesado don bakit pinaglalaanan nya ng oras to the point na di nya ko pinapansin dahjl stress daw sya sakin kahit di naman sya ngbibigay kahit pang vitamins ko ? Alam na nga nyang hindi ako komportable na kachat nya yun. Pinag awayan na namin pero go padin sya meaning wala syang pakeelam sa nararamdaman ko ? Sama sama ng loob ko ??

62 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Huwag ka magpastress,sis,lalo at buntis po kayo. Pwede niyo po siya kausapin ng mahinahon or sulatan niyo po siya magbigay ka ng letter sa kanya pag umuwi po siya diyan sa bahay niyo. Para habang nagsusulat ka naleless po yung sakit na nararamdaman niyo. Isipin mo muna sis si baby. Ingat po kayo at God bless po.

Magbasa pa