Lack of Sleep (Any tips or advice)

I'm at 28 weeks and 4 days to be exact. Simula 26weeks hanggang ngayon hirap na ako makasleep. I don't know, I don't blame my babies kicks kasi mahina pa naman. But may same experience ba kayo gaya ng saakin? Anong ginagawa n'yo para makasleep ng tuloy-tuloy or makumpleto ang 7-8hrs of sleep? :( Worried ako ay. Thanks mga mi!

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako din hirap din ako makatulog sa gabi tapos naggising pa ako ng madaling araw tapos hirap na ulit makatulog pa baling baling din ako ng position pero mas left side ako 27weeks and 5days ndin ako malikot ndin ang baby ko sa tyan ko..pero prang naoorasan ko na ung tulog nya mga 11pm prang tulog na sya tapos gagalaw na sya ulit cguro pg nagising ako sa madaling araw or baka kc gutom ka kc ilang oras sa gabi dba pg ndi tayo nkkakain try mu inum ka ng tubig tapos biscuit ka bka kc gutom ka din sa midnight kaya ndi ka din msyado nkakatulog kc ako ganun ginagawa ko kc baka gutom c baby kaya ka nggising?

Magbasa pa

Same here sobrang hirap makatulog at pagising gising rin kasi hirap sa position. Ang ginagawa ko na lang is sinusubukan ko pa rin gumising ng maaga kahit puyat ako kasi mas mahirap makatulog ng gabi kung late ang gising ng umaga. Ang nagiging ending nga lang minsan nakakatulog ako ng hapon pero nagseset ako alarm na 1hr idlip lang para kapag gabi na aantukin pa rin agad. Nagbabasa rin libro pampaantok

Magbasa pa

Same 🤧 28weeks na din ako, always pahirapan matulog, plus super likot ni baby ang lakas pa nman. Nakakatulog ako mga 1AM na pero straight nman tulog ko hanggang 10AM. Alamin mo po ano comfortable position para sayo, kung matutulog na no screen exposure 2-hrs before sleep, mas maganda walang light ang room, mgbasa para antukin, practice deep breathing.

Magbasa pa

Na experience ko dn yan. And buti ngayon hnd na. Ang ginawa ko lang is tinitiis ko wag matulog during the day tapos iinom ako ng gatas sa hapon as meryenda. Iniiwasan ko na din gumamit ng cellphone few hours before ako matulog, nililibang ko yung sarili ko sa ibang bagay. Nakatulong siguro yung pagha half bath ko before matulog.

Magbasa pa

30weeks hirap din ako makatulog. 2-3am na ata ako nakakatulog. hirap sa posisyon pag nakahiga at malikot din si baby. minsan natutulog nalang ako ng nakaupo sa kama at madaming unan na sandalan mas komportable talaga ako dito. pag nagising ako, saka ako hihiga ng tama. nakakatulog na din ako agad after nito

Magbasa pa

Pahirapan talaga ang pagtulog, kasi kailangan left side, pero mas kumportable ako sa right side, kaya pabiling biling ako at nagset ng time na 10pm tulog na ako kasi 6am gising na ako. Kaya 8hrs naman tulog ko.

dito rin ako hirap. pag sa umaga at nakafeel ka na inaantok, samantalahin mo na at umidlip ka. sa gabi naman kahit paano nakakatulong sa akin yung magpapatugtog ako ng relaxing music para makatulog ako

26 weeks plang ako at hirap na din ako matulog sis. Gustong gusto ko matulog pero wala tlga.