DEMANDING BRIDESMAID

I need advice on how to deal with "demanding bridesmaid". I'll be having an intimate wedding this year. Limited guests due to pandemic and limited din ang budget. So family and close friends lang ang invited, I invited one of my close friends. Then ngayon sya nagsabi gusto nya mag abay para di masayang punta nya. So kinuha ko syang abay. Sabi nya dapat daw provided namin yung dress, hindi ako aware dun to be honest kasi yung iba kong abay kanya kanya sila ng dress, siya lang yung nag iisang nag ask sakin ng dress. So yun binilhan ko na lang sya ng dress naisusuot nya, tapos ngayon naman nagdedemand sya ng hair and make up artist. Then bukod dun gusto nya sya kukuha ng abay na ipapartner ko sakanya, eh yung sinusuggest nya na ipartner ko sakanya hindi ko naman close friend at hindi invited sa wedding. Stress and pressured na ko sa madaming bagay dumadagdag pa sya πŸ₯Ί Sa lahat ng bridesmaid sya lang yung demamding sa dress, hair and make up pati sa ipapartner sakanya. Gusto daw nya maganda sya at bagay sakanya yung dress, gusto din nya yung maayos daw mag make up, tapos dapat daw yung partner nya mas matangkad sakanya saka wag daw sobrang payat ng ipartner sakanya, dapat daw maganda katawan ng partner nya etc... Paano ko ba to ihahandle? 😩

54 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hehe sis be honest with her. Kung ano lng kaya mo Yun lang.. wag mo sundin lahat. hayaan mo siya mag provide Ng mga needs Niya. Kung d kaya wag mo n siya kunin.. kumuha k n lng Ng same built Ng katawan Niya.. Kung kaibgan mo siya sabhin mo Yung totoo na Hindi mo kaya lahat Ng request Niya dahil marami k pang iniintindi. pero Kung ako nasa position mo.. sasabhin ko n lng lahat Ng ayaw Niya " sorry _____ wla kAsi make up Artist na makuha n magaling and maliliit magging partner mo. at d ko kilala sinusuggest mo Kaya d Kita mapag bibigyan, maiintindan ko Kung aatras k Ng mging bridesmaid ko. pasensiya n Ang dami ko p kasi inaaasikaso kaya d ko magagawa gusto mo, if hassle sayo Pwede ko nmn ipalit si _______, " 😁😁 ✌️ wag masyado pa ka stress sis. pag d Keri i-ligwak ganern mo n lng.

Magbasa pa