my bf cheated on me with his officemate

i don't know what to do mga mommies. na ddepressed ako these past few days. di ko akalain na magiging ganito siya sakin. sobrang pagod, puyat at stress ang naramdaman ko nito nakaraan. sumakit din yung tyan ko at alam ko si baby na stress din ? ngayon mej okay kami ng bf ko kasi sinabi naman niya na sakin na gagawan niya ng paraan aayusin niya lahat lilipat siya ng work kaya lang hindi magiging madali kasi hindi naman siya nagtapos sa pag aaral. pinipilit ko maging masaya para sa (first) baby namin para may tatay yung anak ko. na trauma ako ng sobra. yung babae na ka officemate niya may anak na pero wala siyang partner. naiisip ko na ang kapal ng mukha nun kasi aagawan pa ko ng partner at ng tatay ng magiging anak ko gusto ko maging happy family kami ? sobrang dami pumapasok sa utak ko. ngayon 28 weeks na ako. nagwworry ako para kay baby kasi parang bumababa yung tummy ko tapos parang nagccontract may nararamdaman din akong tumutulo sa vag ko kahit hindi naman ako naiihi. help naman mga mommies ? gusto ko buo padin kami.

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy pilitin mong wag maging stress kasi baka mapano si baby.same tayo mommy ganyan din ako,yung feeling na ikaw hirap na hirap magbuntis tapos sya nagpapakasaya lang.nalaman ko pa ngang may kahalikan pa sya at bukod dun meron pa syang kachat kaya kung iisipin ko pa yun lalo lang ako maiistress.kaya minsan lagi ko nilalagay sa isip ko yung kasabihang dibali ng mawala ang asawa wag lang ang anak na kadudtong ng iyong buhay kasi ang anak Hindi ka iiwan nyan ang lalaki pag nakakita lang ng iba or may lumandi sasama agad nya.kaya instead na madepress at istress ka ituon mo nalang kay baby

Magbasa pa