Rant sa MIL

Gusto ko lang i-share to mga momsh kasi sasabog na talaga ako ngayon e. So 5 months na po yung LO ko pero sobrang attached sa lola niya yung tipong pag hawak ko siya tas nakita niya, grabe ang iyak. Ayaw na sakin. Iniisip ko, ako yung ina nung bata pero parang ako yung nawawalan na ng karapatan. Siya yung naghahawak sa anak ko pag may vaccine na dapat ako diba? Siya katabi ng anak ko sa gabi imbes na ako diba? Siya bumibili ng mga needs ni LO which is okay naman kasi tumutulong pero sana hayaan naman niya na ako mamili ng needs niya kasi anak ko nga. Tapos ang kapal ng mukha niya na murahin sa harap ko yung anak ko. Tama ba yon?! Sobrang stress na talaga ako pero di ko masabi sabi sa asawa ko kasi baka isipin niya pinagdadamot ko LO ko which is dapat lang kasi anak ko tapos baka isipin niya wala na naman akong respeto. I don't even know what to do. Imbes na masaya ako dahil may anak ako pero parang hindi naman ako yung kinikilala niyang nanay ๐Ÿคง๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ญ#advicepls #rants

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Baka mas madalas lang po na si lola ang nag aalaga kay baby or madalas siyang nilalaro nung person po na yun kaya mas sumasama siya dun.. Mga babies po kasi clingy po yan sa primary caregiver mommy๐Ÿ˜Š With regarding naman po sa pag mura sa inyo ng MIL.. Better tell your husband na lang mommy.. Kasi si husband niyo lang po may right na pagsabihan si mommy niya para wag ka na pong murahin.. Or better yet.. Bumukod na lang po kayo๐Ÿ˜Š

Magbasa pa