my bf cheated on me with his officemate
i don't know what to do mga mommies. na ddepressed ako these past few days. di ko akalain na magiging ganito siya sakin. sobrang pagod, puyat at stress ang naramdaman ko nito nakaraan. sumakit din yung tyan ko at alam ko si baby na stress din ? ngayon mej okay kami ng bf ko kasi sinabi naman niya na sakin na gagawan niya ng paraan aayusin niya lahat lilipat siya ng work kaya lang hindi magiging madali kasi hindi naman siya nagtapos sa pag aaral. pinipilit ko maging masaya para sa (first) baby namin para may tatay yung anak ko. na trauma ako ng sobra. yung babae na ka officemate niya may anak na pero wala siyang partner. naiisip ko na ang kapal ng mukha nun kasi aagawan pa ko ng partner at ng tatay ng magiging anak ko gusto ko maging happy family kami ? sobrang dami pumapasok sa utak ko. ngayon 28 weeks na ako. nagwworry ako para kay baby kasi parang bumababa yung tummy ko tapos parang nagccontract may nararamdaman din akong tumutulo sa vag ko kahit hindi naman ako naiihi. help naman mga mommies ? gusto ko buo padin kami.
Pacheck up ka sis. Para makita mo lagay ni baby. At di makadagdag sa iniisip mo. After that, compose yourself and gather strength. Kumuha ka ng lakas kay baby mo at lalo kay Lord. Magpray ka sis para sayo at lalong para kay baby mo. Alam kong nahihirapan ka ngayon, pero kayanin mo sis at magpakatatag ka. Sa relasyon mo kay bf mo. Kung inamin niya at humingi siya ng tawad sayo. Patawarin mo sis at kung sakanya naman nanggaling na magbabago siya para sainyo, hayaan mo lang siyang ipakita iyon sainyo at patunayan niya yung sarili niyang magbabago na talaga siya para sainyo. Hayaan mo na yung naging babae niya, focus ka kay BF mo. Pero sis, lagi mong binigyan ng ultimatum para magtanda, hanggang second chance lang kamo. Pag umulit uli, isaoli mo na sa magulang niya.
Magbasa paMommy pilitin mong wag maging stress kasi baka mapano si baby.same tayo mommy ganyan din ako,yung feeling na ikaw hirap na hirap magbuntis tapos sya nagpapakasaya lang.nalaman ko pa ngang may kahalikan pa sya at bukod dun meron pa syang kachat kaya kung iisipin ko pa yun lalo lang ako maiistress.kaya minsan lagi ko nilalagay sa isip ko yung kasabihang dibali ng mawala ang asawa wag lang ang anak na kadudtong ng iyong buhay kasi ang anak Hindi ka iiwan nyan ang lalaki pag nakakita lang ng iba or may lumandi sasama agad nya.kaya instead na madepress at istress ka ituon mo nalang kay baby
Magbasa paFirst thing, kelangan mo talaga magpa check up just to make sure na okay si baby. Priority. Second thing, just give your bf a chance. Sa panahon ngayon, marami na ang broken families, so give it your best shot pra sa sariling pamilya mo. Once in their lives nararanasan ng lalaki yan, but it takes two to tango. Anjan ka to help him realize the most important thing sa buhay ng tao. At the end of the day, lahat tayo naglolong ng happy and complete family. If need nya mag tranfer ng work, then support him by any means possible.
Magbasa payes sis. magpapacheck up na ko this june 5. worrieed ako kay kay baby kasi hindi na siyw ganun ka active tulad ng dati. binigyan ko naman na siya ngayon ng chance. di ko lang alam kung iniiwasan nga ba talaga niya sa office. hindi rin ganun kadali lumipat ng work kasi hindi naman siya grad ๐ฃ sana lang talaga wag na niya ulitin yun. i feel worthless dahil sa nagyari. yung girl kasi bigay ng bigay ng kung ano sa partner ko
better be strong sis! pag hindi ka mag focus sa pregnancy mo baka makapanganak ka ng wala sa oras ..kakayanin mo bang tingnan yung anak mong premature at naka incubate at ang daming apparatus na naka lagay sa kanya? hindi mo kaya diba kahit nga isipin man lang hindi kaya diba? so better be strong! if he cheats then bahala sya sa buhay nya! kahit aning pilit mong buohin ang pamilya mo pero yung lalaking kusang ayaw wag nalang ipilit mapapagod at masasaktan ka lang ng paulit ulit nyan
Magbasa pabetter pray for you and baby's health sis๐
Ate pakatatag ka po kahit nmn po ako ganon din mag 2m palng tyan ko kasama din bf ko ex nya sa work d ko nmn alam ano nangyayari don syaka may anak sila... At untill now umaasa pa babae babalikan sya ng bf ko. D ko po sya inagaw ah isang taon na po sila hiwalay bago naging kmi.... Nagpapakatatag nalang po ako kc lumaki po ako wala father alam ko yung hirap kaya ayaw ko mangyari sa anak ko yun....
Magbasa paSa ngayon sis doon ka tumingim sa positive side na panghawakan mo yung sinabi ng bf mo kasi hindi lang ikaw ang dumadaan sa stress kasama mo yung anak mo, Be strong sis. Alam ko mahirap yung sitwasyon mo pero kailangan mo maging matatag para sa anak niyo and always talk to God lang lahat ng yan itaas mo sa Kanya at panigurado tutulungan ka Niya. Pray at laban lang sis ๐โค
Magbasa paLove yourself more and focus on your baby. Pag nagawa na kse may tendency ulitin uli. Kaya to avoid disappointment and pain, mas mag focus ka sa inyong dalawa ng baby mo. Believe me, lahat ginusto ng kompletong pamilya pero what's the use kung problematic, komplikado, puro pain at hirap? Mas may effect yun kay baby mamsh and di ka pa healthy emotionally and mentally.
Magbasa paI'll pray for you and your baby po ๐
Relate ako sau sis, magkakasama kami sa isang dept. Magkaiba lang ng unit, ung asawa ko at ung girl ung magkasama sa unit, pero mga 20 steps lang sa table ko, ung girl kc ung lapit ng lapit, sarap sapakin, pero ok na kami ngaun, napag isip din yata nung girl na xa ang nakakahiya,, Kaya pray ka lang sis, magiging OK lahat, lalo na nagkakababy na kau, ,
Magbasa pathank you sis ๐ฃ buti madami nakakaintindi sakin dito. pinagdadasal ko nalang talaga na hindi ako mag early labor
Sis, isipin mo si baby. Kay baby ka kumuha ng lakas. Iwasan mo yung stress dahil nakakasama kay baby yan. Contact your OB din po baka kelangan mo magbedrest. Sya lang nakakaalam kung ano dapat mo gawin para kay baby. Ako nung nagkacontraction ako niresetahan nya ko pampakapit. Be strong lang and keep fighting para kay baby.
Magbasa payes thank you sis. magppacheckup na din ako this june 5 ๐ฃ sobrang down ko lang talaga kasi i feel worthless na
Mamsh huwag ka masyadong magpaka stress. Isipin mo si baby at ang sarili mo. Kung nangyayari man sa'yo yan ngayon magpray ka lang. And magpaconsult ka sa OB mo para si baby hindi maapektuhan masyado. Konti na lang mamsh makikita mo na si baby kaya pakatatag ka lang. Kaya mo yan. :)
?