Mga mommys sana po matulungan nyo ako ..

Huling Regla ko po MAY27-30 .. nakipag hiwalay po ako sa bf ko JUNE 5 everytime na may mangyayare samin lagi po sa loob pinuputok , 1 year na kami pero kada sex namin , sa loob lagi pinuputok inisip ko po baka baog ako kase hindi po ako nabubuntis , nung naghiwalay kami JUNE 5 po .. Nag trabaho po ako sa bar at iba ibang lalaki po nakasama ko at gumalaw sakin at binabayaran ako , isang buwan lang po ako nag trabaho sa Bar na yun , ganun rin po nagpapaputok ako sa loob kase iniisip ko baog ako .. JUNE 24 dapat may regla na ako .. JULY 3 nag PT po ako at Positive po ako sa PT .. JULY 11 po nakipag balikan ako sa BF ko , tinanggap po ulit nya ako , pero naguguluhan po ako kase hindi ko po alam kung sino po ang naka buntis sa akin , Sana po wag nyo ako husgahan . JULY 26 nagpa TRANS V po AKO , positive pong preggy ako sabi ng OB ko 8 WEEKS and 4DAYS NAPO BABY KO.. ngayon po naguguluhan ako kase hindi ko po alam sino ama ng anak ko , ngayon po tinataboy na ako ng bF ko .. Stress na stress na po ako .. 😭 Ngayon po 26 Weeks and 6 days napo ako Preggy .. #firstTime_mom

Mga mommys sana po matulungan nyo ako ..
43 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang problem at concern is, 1. Naguguluhan kayo sino po ama ng anak ninyo. Ganyan na po ang napili nyo na kapalaran, wala na po tayo magagawa dyaan, di po sa hinuhusgahan ko kayo, harapin na natin ala na tayo magagawa dyan po, unless kung hahanapin mo talaga kung sino ang ama ng bata na sa tingin ko maging si Jessica Soho mahihirapan maghanap. huwag na po muna natin isipin ang ama ng bata. actually proud ako sa inyo kasi pinagpatuloy nyo ang pagbubuntis ninyo sa kabila ng sitwasyon ninyo. ♥ Big check ang ginawa nyo. at may voucher na kayo papunta sa langit, free delivery. 2. Tinataboy na kayo ng BF nyo kasi alam nya at amoy na amoy nya na hindi kanya ang pinagbubuntis ninyo. Well, kung ganun mii, try mo isa pang pagkakataon, try mo sabihin na sana kahit konting pagmamahal sayo ang meron sya para matanggap ka nya, gawin nya. ngayon, kung ayaw talaga wala narin tayo magagawa sa kanya. mag move on nalang po kayo. at magpalakas ng loob. mahirap opo, pero isipin ninyo, malungkot ang buhay kaya binigyan kayo ni Lord ng magpapasaya sa inyo, at yun ang baby ninyo ngayon☺ sana maging maayos po ang kalagayan ninyo, at sana unti unti makabangon kayo at wag na mastress pa ☺

Magbasa pa
2mo ago

SALAMAT MOMMY , BIGLA TULOY AKO NAIIYAK SA MESSAGE NYO 😢 KASE RAMDAM NA RAMDAM NYO AKO SALAMAT , HINDI KO NAMAN GINUSTO TONG GANITONG BUHAY , LUMAKI KAMING HIWALAY MGA MAGULANG NAMIN, MAAGA AKO DUMISKARTE , MARAMI AKONG SINUBUKANG TRABAHO HANGGANG SA NAKARATING AKO SA GANYANG WORK , GUSTO KO LANG TUMULONG SA MGA KAPATID KO , WALA NAMAN KMI MAGULANG NA TUTULONG SAMIN , HINIWALAYAN KO BF KO PARA MATUSTUSAN KO MGA KAPATID KO KASE MALAPIT NA PASUKAN NILA , PINASOK KO PAG POKPOK .. SIMULA NUNG MERON AKO , NAKILALA KO UNG MGA TAONG KILALA LANG AKO KAPAG MERON AKO , NUNG AKO NA YUNG NANGAILANGAN NG TULONG HALOS ITABOY AKO , TINANGGAP AKO NG BF KO KAYA BUMALIK AKO SA KNYA .. PERO BANDANG HULI SINUMBAT NYA NAKARAAN KO .. WALA AKO MAGAWA HINDI KO SYA MASISISI KASE KAGUSTUHAN KO UNG GINAWA KO , ANG MASAKIT PARA SAKIN MISMONG MGA KADUGO KO AYAW NILANG IPAGPATULOY KO TO , ISIPIN KO NAMAN DAW SITWASYON NG PAMILYA KO .. PERO PINAGPATULOY KO PARIN KASE ANAK KO LANG MAKAKASAMA KO HABANG BUHAY .. NGA

Una palang nag conclude ka ng ikaw ang baog... naisip mo ba na hindi lang ikaw at posible si bf mo ang may problema kaya hindi ka nagbuntis?? Isa pang concern.. hindi porket hindi kayo nakakabuo ni bf e magpapagamit ka sa ibang lalaki ng walang proteksyon😟 tandaan madami pwedeng sakit ang makuha mo sa trabaho mo na yun dapat nag iingat ka.. kung tinataboy ka ng bf mo hayaan mo siya mommy at Buti nagpakatotoo ka Sakanya.. Ang totoo napakaliit ng tyansa na malaman mo pa ang ama ng dinadala mo.. Pero ingatan mo si baby.. siya nalang ang mayroon ka.. mahalin mo siya ng buo dahil hindi naman niya kasalanan kahit bunga siya ng maling ginawa mo... Uulitin ko wag mo na habulin si exBF mo yaan mo siya.. hindi mo masisisi yung tao Pero kung totoong nagmamahal siya.. at posible may problema Sakanya e tatanggapin din niya dinadala mo at aakuhin na niya bilang kanya.. Pero wala e ayaw niya.. wag ipilit ang sarili sa ayaw mahirap Yun mommy.. Balang araw magkakaron ka din ng sariling pamilya tatanggapin din si baby mo.. sa ngayon mag isip ka ng ibang trabaho at wag na ulit yung work mo sa bar kahit easy money pa yan.. puri mo naman ang kapalit.. Godbless you magdasal ka palagi..

Magbasa pa

mas na alarma ako ng makita ko yung age.😔 kung pagbabasehan yung details ng last menstruation mo. possible kang nabuntis ng lalaking gumalaw sayo sa petsa ng june 7-16. kasi yan ang possible fertile days. kaso lang, mahirap mag identify lalo na at marami gumalaw sayo. alam ko mahirap kalagayan mo ngayon. narating mo na yang buwan ng pagbubuntis na yan. wag nalang hanapin ang ama ng bata. pag tuunan mo muna ng pansin sarili mo. madaling sabihin pero mahirap gawin. kapag sa tingin mo hindi talaga kaya na may bata na or mag alaga ng bata in the future. better look for possible na mag adapt ng bata. marami naghahangad ng anak ngayon. baka sa sobrang kaguluhan mo ag may masama ka pang magawa sa bata o sa sarili mo. kaya mo yan sender. after your delivery, sana magsilbing aral ito sayo sender. napakabata mo pa at marami pang dapat na malaman. wag basta basta makikipagtalik kung hindi mo alam mga possible na effect nito. please be responsible mother soon.

Magbasa pa
2mo ago

ngayon ko lang din napansin age nya.. at 20yrs old.. during that time wala pa sa isip ko lovelife.. iba na talaga mga kabataan nowadays.. masyado mapupusok at aggressive..

Kung bibilangin yung 8weeks 4days mo, after June 5 na nabuo si baby mo.. mukang di nga yung bf mo ang tatay ng baby.. sorry to say this po.. tanggapin mo nalang po kung ano naging desisyon ng bf mo.. kasi kahit sino namang lalaki po ganun siguro ang mafifeel pag nalaman nila na in doubt ka kung sya ba tatay o hindi.. talagang iba ang plano ng Panginoon sayo kaya sa 1yr na magkasama kayo ng bf mo e di ka nabuntis kahit na always putok sa loob po. lakasan mo na alng loob mo since andyan na yan at next time sana magiingat nam kasi di lang buntis na di mo alam sino ang tatay ang owede mo makuha, kundi mga sakit na nakakahawa na owedeng makapahamak pa sa kalusugan mo and worst sana naman hindi, pati kay baby mo. Godbless you po🙏

Magbasa pa

una, problema nga talaga yan kse dimo tlga mtutukoy totoong tatay ng baby mo..sabi mo nga mdami nkgamit sayo.tpos lahat hndi safe sex.. ang tanong ko lng, bat sa dinami dami ng trbho sa bar pa? buti kung waitress or cashier ka don..di sa jinajudge kta pero sana manlng nagtake ka ng pills.or pinagcondom mo cla for ur safety nrin. mdmi na may HiV ngayon. tpos mgkakababy kapa.. kwawa ung bata pag nkakuha ng sakit..😔 anyways, ang importante buhayin mo ang baby mo.hayaan mo yang bf mo kung dka tanggap.. mdming single mom ang nkpagtaguyod ng mga anak ng walang partner..just like my mom na ntaguyod kming 3 at npagtapos,wthout any help sa father ko.. and sana sa susunod na papasukin mong trabaho, dun na sa hndi mo ibebenta sarili mo..

Magbasa pa

wag mo na po muna habulin. malakas ang kutob ko na hindi kanya yan pero wag iisang tabi na may posiblity na ren na sa kanya if everyday before breakup nag sesegs kayo. paternity test ang magpapawala ng pangamba mo paglabas. for now wag mo muna isipin kung sino ang ama. ang isipin mo pano mo maalagaan ang pagbubuntis mo san kayo magpapacheck up pano bibili ng vitamins at ang pangpaanak mo. sana by the time na mailuwal mo na sya sa mundo hindi kana muling babalik sa buhay na ganyan may ama man o wala. buhayin mo sa marangal at hindi sa perang galing sa dumi. uulitin ko may ama man o wala. isa kang babae. malakas ka. maging madiskarte ka lang sa mga disisyon mo. 🤘

Magbasa pa

isa po sa mga naging customer mo ang nakabuntis sayo.. May 30 ang conception ko e.. kaya going 27weeks na rin ako by Sunday. March 6 or 7 ang aking duedate. mahirap malaman yan kung di mo naman alam sino sa mga customer mo ang ama ng baby mo since 1month ka rin nagwork sa bar. wala ka talaga makukuhang simpatya sa ex bf mo kasi hindi sknya pinagbubuntis mo. at kahit sino naman magagalit kapag ang mahal nya nagwork at nagprosti, nagpagalaw sa iba ibang lalaki.. nakakatakot kaya magka STD or HIV.. dapat kapag nakikipagta-lik ka sa ibang di mo naman karelasyon, gamit ng condom para safe. baka mamaya nyan may tulo or kung anong sakit yung kaanuhan mo, mahawa ka pa..

Magbasa pa

ang hirap, pero kaya mo yan.. kung 1yr na kayo at di nakabuo baka po hindi si BF ang ama, may mga cases po kasi na wala satin ang problema nasa lalaki o sa sperm nila. pwede din naman na si BF kaso mahirap ma distinguish lalo kung may iba ka naka do. pero sa case mo po ngayon na tinataboy ka ni BF dahil sa nangyari it shows lang na duda sya at hindi nya tanggap. normal naman din yun kasi syempre di din sya sure baka mamaya di naman sya ang tatay pala. baka dapat sikapin mo na muna kayong dalawa lang ni baby. mahal ang pa DNA. kung maghahabol ka. wait mo na lang lumabas si baby, kahit papaano naman siguro may mga features sya na makukuha sa papa nya. kaya mo yan!

Magbasa pa

Hala kaloka ka ! kahit sana iniisip mo kung baog ka sana dika pumayag na iputok sa loob or kahit manlang sana gumamit ng condom eh. alam moba risky sa sakit yung ganyan. sabihin na natin na dika buntis. ang malala naman eh nagka HIV/STD ka. tsaka in just 1 year naisip mo agad na baog ka ? ung iba nga decade pa bago nabuntis eh. ikaw 1 year palang. nako ate. sa lagay mong yan ang hirap ng hanapin kung sino ang nakabuntis sayo. buti sana kung kilala mo lahat ng naka anohan mo at ipa DNA test mo silang lahat pagkapanganak mo if willing ka talagang malaman. 😌

Magbasa pa

alam mo naman kung ilang weeks na si baby so ung nakasama a month ago un ang possible ang ama ang problema king marami sila hinde mo talaga malalaman.. lesson learned.. accept what happened to you and Respect yourself.. may Pray for you ay sana lumaki si baby na may maayos na buhay hinde pa huli ang lahat magbago ka para sa magiging anak mo find a decent Job huwag ung( easy money)para sa anak mo na ikakaproud ka remember na hinde nalang ikaw ngayon may bata na aasa sayo na mabigyan mo ng maganda at matinong buhay.

Magbasa pa
Related Articles